KABANATA 40: Flowers “WELCOME to Casa Ambiente Miss Margaux and to your family.” Sinuklian ko ng kiming ngiti si Mr. Ramones at nilingon ko ang kambal na nililibot na agad ang tingin sa Casa Ambiente. “Hindi na sana kayo nag-abala pang salubungin ako nang ganito, Mr. Ramones,” tinutukoy ko ang mga kasama niyang natitiyak kong may mataas na katungkulan sa Casa. Nakitaan ko ng gulat ang mga mata ng kasama nila sa matatas kong pananagalog pero hindi silang mag-asawa dahil alam naman nilang nananagalog talaga ako. “Are they your children, Miss Margaux?” tanong ng asawa niyang si Mrs. Ramones. “Yes, Mrs. Ramones. They’re Blake and Jake, I don’t need to say that they’re twins, right?” biro kong ikinatawa nila. Nang mapansin ng kambal na nasa kanila na ang atensyon ay sabay silang bumat