KABANATA 42: Secret Part One MALAKAS akong tumawa sa palabas na pinapanood namin na cartoon movie. Nasa mini cinema room kami nila Mer at ng mga bata. Nasamid ako dahil sa kakatawa at naubos na ang drinks ko. Instead of calling the maid, I quietly stood up and left the room. Napatigil ako sa pagkuha ng drinks nang makita ang beer sa refrigerator. Kinuha ko iyon at imbes na bumalik sa taas ay nagtungo ako sa swimming pool area at doon naupo. Inilawit ko ang mga paa sa malamig na tubig at tinungga ko ang beer na hawak. Napadighay pa ako nang makalahati ko ‘yon. “May problema ba?” Napalingon ako at napangiti nang makita si Meredith na hindi ko namalayang sumunod sa akin. “Anong problemang pinagsasabi mo?” natatawa kong tanong at tumayo pero nagkamali ako ng tapak kaya nadulas ako at