KABANATA 28: Margaux MARAMING dumalo sa party ng mga Monteciara kaya inakala kong hindi na magtatagpo pa ang landas naming dalawa, pero sadya yatang nilalaro ako ng tadhana nang magtagpo ang mga mata namin wala pa man kalahating oras akong nakakarating sa engrandeng selebrasyon ng MEC. Nagpanggap akong hindi siya kilala at agad kong iniwas ang tingin sa kanya. May humarang agad kina Ashton at Meredith ngunit isang tipid na ngiti lang ang ibinigay ko sa dalawang lalaki na mukhang balak pa akong kilalanin. Nagpatuloy ako sa paglalakad patungo sa unahan kung nasaan ang pakay ko kaya ako sumama sa mag-asawa. “Welcome to the party, Margaux,” salubong sabay akap ni Klode Monteciara sa akin. Kinilig naman ako dahil ang gwapo talaga ng panganay ng mga Monteciara na si Klode. Siya ang pak