KABANATA 37: Who’s Vlad? “DADDY can you carry us?” ani Blake sa ama nang makalabas na kami ng hotel. Nasa likod lang nila ako at napapagod nang magpanggap sa mga anak kong ayos lang sa akin na kasama ang ama nila. An hour before the sunset the twins woke up. As usual si Yuan agad ang hinanap nila sa akin. Nang hindi ko sila masagot tinawagan nila ang ama nila. Akalain mo iyon sila buti pa sila may numero ng ama nila samantalang ako– Teka nga, ano naman kung sila may contact kay Yuan pero ako wala? Napangisi ako ng magkasabay na buhatin ni Yuan ang kambal. Tingnan lang natin kung hindi mangalay ‘yang braso mo. Nang huling gawin ni Vlad at Daddy ‘yan sumakit mga kasu-kasuan nila sa bigat ng dalawa. “Wow, Daddy is strong!” “Of course Jake he’s strong because he’s a wizard!” Napailing