KABANATA 36: Pervert NAGISING akong masakit ang ulo at kumukulo ang tiyan. Bumangon ako at hindi ko na inabalang magsuot ng roba para takpan ang suot-suot kong lingerie na siyang komportable kong isuot sa tuwing matutulog. “You lost Daddy! I won!” Natigilan ako sa paghakbang nang marinig ang boses ni Blake. Pagtingin ko sa sala ng suite ay nagkalat ang mga laruan nila Jake at ang jenga na siyang nilalaro na nila ngayon. “Momma, you’re awake!” “Oo, ang iingay nyo kasi,” biro ko kahit na hindi naman sila ang gumising sa akin. Gutom at uhaw ang dahilan ng paggising ko. “Hindi kaya.” Inikot-ikot ko ang sumabog kong buhok sa tuktok ng ulo ko pero nang mapadako ang tingin ko kay Yuan ay doon ko lang napagtanto ang ayos ko. Tumikhim siya at iniwas ang tingin sa akin pero huli na. Ma