KABANATA 38 “SIGE na love umuwi na muna kayo at magpahinga. Bawal sa ‘yo ang magpuyat. Ako nang bahala dito.” Pinanood ko kung paanong pilitin ni Ashton si Meredith na umuwi na muna kasama namin ng mga bata. Gusto niyang manatili pa sa unang gabi ng burol ni Nana pero lahat naman kami ay nag-aalala sa kondisyon niya. Hindi na ako nakatiis at lumapit na ako sa kanila nang manatili pa rin si Mer na nakatitig sa kabaong ni Nana. Naupo ako sa tabi niya’t inakbayan siya. “Mer, bukas na bukas ng umaga. Babalik tayo. We should go, kailangan mo na magpahinga ‘eh.” “Tama sila anak, umuwi na muna kayo tapos bukas ng umaga kami naman ni Ashton ang magpapahinga sa bahay.” Tumango-tango si Mer at pinunasan ang mga luhang walang tigil sa mga mata niya. I know how much she loves Nana, that's why