Kabanata 1

1425 Words
KABANATA 1 “SANYA!” Napapitlag ako sa malakas na pagtawag ni Mamang sa boses ko. Naalis ang tingin ko sa larawang nasa scrapbook at natigil din ang pagbabalik-tanaw ko. Pabato kong inilagay sa box ang hawak. Bakit ba magto-throwback na lang ako kasama pa ang lalaking ‘yon. Ang lalaking nagwarak ng bata kong puso. Iyong pinakilig ka lang pero iniwan ka rin sa ere. Yuan Lee at your service. “Talaga bang sigurado ka na sa paglipat mo?” nagmamataas ng kilay na tanong sa akin ni Mamang. Ulet-ulet ang vaklushing itey! Pang benteng tanong niya na ‘to sa akin. Plastik kong nginitian si Mamang at ipinagpatuloy ang pagliligpit ng mga gamit ko sa kwarto kong halos wala nang madaanan sa dami kong gamit. “Oo Mamang, nakapag-down na ako doon sa apartment saka Mamang naman it’s time for me to fly high.” Napasimangot ako nang may lumipad na unan sa ulo ko. “Hoy gaga! Tantanan mo ako sa fly high mo ah! Sinasabi ko sa ‘yo ‘wag kang lalayas sa club. Marami ka pang utang sa akin.” “Oo na nga Mamang, tatapusin ko muna ang mga utang ko bago ako magflylaloo. Takot ko lang na ipahabol mo ako sa mga hoodlum mong papa.” Umismid ang baklang akala mo bente-sais ang bewang at lumabas na rin ng kwarto kong nagsilbi kong silungan sa loob ng labingpitong taon. Napapagod akong naupo at kinuha ang nag-iisang picture namin ng Nanay ko. “Nay, eskapo na tayo dito. Hindi ko na keri ang pang-mamanyak ng jowa ni Mamang. Baka magaya siya sa inyo at masaksak ko kapag nagdilim na ang aking paningin. Hindi pa naman nababagay ang ganda ko sa kulungan.” Malungkot akong napangiti at ingat na ingat kong inilagay sa box ang picture frame namin. Mas makakaipon ako kung mananatili pa rin ako dito kay Mamang ngunit hindi ko na ma-take ang pangmamanyak ng bagong boytoy niya na si Pablo. Noong isang linggo ay nahuli ko ang manyak na sinisilipan ako sa banyo. Siyempre hindi ko na sinumbong kay Mamang ‘yon. Hindi naman ito ang unang beses na minanyak ako ng mga nakakarelasyon niya. Wala namang nagagawa ang pagsusumbong ko dahil wala rin naman siyang ginagawa. Onting pagalit sa jowa tapos okay na. Ako na lang ang mag-a-adjust. Siyam na taon ako nang pumanaw ang Nanay ko nang masaksak ng customer niya sa harap ko mismo. Namulat ako sa club na pagmamay-ari ni mamang Severino. Ang naging laruan ko noon ay ang mga basyo ng alak sa club at naaalala ko pang napapanood ko ang nanay ko noon na sumasayaw sa harap ng mga kalalakihan. Nang mamatay siya ay kinupkop ako ni mamang pero nang tumuntong ako sa dose ay doon ko nalamang may kapalit pala ang lahat. Hindi sapat ang pagiging katulong ko sa bahay niya. Higit pang kabayaran ang gusto niya. Pinag-aral niya pa ako hanggang high school pero hindi ko na nagawang magkolehiyo dahil ayon ang mamang ginawa na akong member ng club. Dancer at escort. Nakakadiri sa una at hindi ko matanggap pero kalaunan nilunok ko na lang din ang lahat. Wala rin naman akong mapupuntahan. Hindi ko rin magagawang matakasan si mamang na kwentado pala lahat nang ginastos sa akin. Mabuti nga at pinayagan niya akong lumayas sa balur niya. Mukhang imbyerna na rin dahil naaakit sa ganda ko lagi ang mga boytoy niya. Kinuha ko ang cellphone ko at tumigil ako sa pagda-drama nang makitang tumatawag sa akin ang matalik kong kaibigan na si Meredith. “Halu momshie!” “Malapit na ako sa inyo. Ready ka na?” Napangiwi ako at tiningnan ang mga gamit ko na wala pa rin sa ayos. “Onting ligpitin pa, Momsh.” “Sige panik na lang ako diyan. Nandiyan ba si Pablo?” “Wala narinig kong lumayas sila ni Mamang. Bakit minanyak ka din ba ng hinayupak na ‘yon?!” sigaw kong napatayo pa ako nagtataka sa boses niya. “Pababa na ako San, diyan na tayo mag-usap.” Umuusok ang ilong ko sa kaalamang baka pati ang kaibigan kong si Meredith, minanyak ng walanghiyang iyon. Kaya iniwanan ko ang mga gamit ko at hinintay na siya sa baba. Hindi pa siya tuluyang nakakapasok sa maliit na gate ay sinalubong ko na siya. “Minanyak ka no’ng Pablo na ‘yon?” Hinila ako ni Meredith at pinanlakihan ako ng mga mata dahil tumingin sa amin ang drayber ng tricycle na sinakyan niya. “Napakaingay mong talaga!” hampas niya sa braso ko. Si Meredith Loise Agustin na ang ganda na nga ng pangalan mas maganda pa sa akin ay kasamahan ko sa club. Naging kaibigan ko siya nang sinubukan kong mag-aral sa institute para magka-diploma man lang kaso sinukuan ko dahil hindi na kinaya ng braincells ko. Isa pa, ilang beses na rin akong na-eskandalo sa school na ‘yon. Ako ang nagdala sa kanya sa club at nakokonsensya man akong ipinasok ko siya sa buhay na ganito, siguro nakatadhana na ring pagtagpuin kami. Kasi madumi man para sa iba ang buhay na meron kami, ito ang bumuhay sa anak niyang si Ash. “Hindi ako minanyak ni Pablo kaso nakakatakot tumingin ‘eh kaya sasabihin ko sanang aantayin na lang kita sa clubhouse kung nandito sila.” Sumimangot ako at napamura. “Lintik na ‘yon ‘eh. Oo nga’t lamang siya ng ilang paligo sa ibang mga ex ni Mamang pero akala yata papatulan ko siya.” Natawa si Meredith sa sinabi ko pero nang makita ang kwarto ko naubo siya. “Nako San, akala ko ba onting ligpitin na lang?” Napangiwi ako sa mga gamit ko. Bagama’t nag-iipon ng pera hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko sa pamimili ng mga damit at mga pocketbooks. Ayon ang dahilan kaya halos wala nang madaanan sa kwarto ko sa daming box sa lapag. “Onti na lang ‘yan! Aayusin na lang. May isang oras pa tayo bago dumating si Mang Isko.” “Sinong Mang Isko?” “Iyong jeepney driver na lagi akong nililibre ng pamasahe.” Napangiwi si Meredith. “Ikaw talaga alam mo nang iba ang tingin sa ‘yo no’n siya pa kinuha mong maghahatid sa uupahan mo.” “Huh! Baka pukpukin ko siya ng martilyo subukan niya lang.” Nag-umpisa na akong tulungan ni Meredith sa pagliligpit ng mga gamit ko. Mamayang gabi ay may pasok pa kami sa club kaya binilisan na namin ang kilos. Mabuti na lang at naka-rest day si Mer sa call center na pinagtatrabahuhan niya kung hindi baka abutin akong siyam-siyam sa paglilipat. “Akala ko ba itatapon mo na ‘to?” Napatingin ako kay Mer na nakangiting hawak ang teddy bear na may nakasabit pang kwintas na gold. Tumikhim ako at hinablot sa kanya ‘yon. Napadiin ang hawak ko sa bear na solid ang battery dahil gumagana pa rin kahit na siyam na taon na ang nakakalipas nang mairegalo sa akin iyon. “I love you, Sanya…” Napaismid ako sa narinig at pilit itinago ang kirot na naramdaman ko sa puso dahil sa narinig ko na naman ang boses ng lalaking iyon. “Mukhang mahal ‘yan. Sayang naman pwede kong ibenta ‘pag nagipit ako.” Tumawa si Mer at tiningnan akong tila hindi ako pinaniniwalaan. “Ayon lang ba o hindi mo pa rin mabitiwan iyong nagbigay?” nanunudyo niyang tanong sa akin. Umismid ako at napanguso. “Hindi rin ano. Bata pa ako nang naka-relasyon ko ang mokong na ‘yon. Naakit ako sa gandang lalaki. Mang-iiwan lang pala katulad nang iba.” Inakbayan ako ni Meredith. “Don’t worry San, makakahanap ka rin ng lalaking para sa ‘yo. Iyong hindi ka iiwanan at mamahalin ka.” “Magdilang-anghel ka na sana, Meredith.” “Wala ka bang picture ng first boyfriend mo?” “Wala! Sinunog ko lahat,” sagot ko kahit merong nag-iisang nakadikit sa scrapbook ko. “Bitter.” “Aba nagsalita ang hindi. Ikaw nga ayaw din ipakita sa akin picture ng tatay ni Ash.” Nakita kong naglaho ang ngiti sa labi ni Meredith at gusto kong hampasin ang matabil kong bibig. Baka iwanan ako nito at hayaang mag-isang maglipat dahil sa kadaldalan ko. “Hay nako San, bilisan na natin dito para makapagpahinga muna tayo bago pumasok sa club.” Ipinasok ko na ang bear sa box at napabuntonghininga nang makita ko ang lagayan ng biscuit na pinaglalagyan ng mga alaala niya. Bakit ba hindi ko rin ‘to sinunog?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD