Roxanne Kinuha ko ang isang maliit na book mula sa loob ng durabox at binuksan ito. Hinanap ko sa mga listahan ko ng mga numero ang phone number ng dati kong kaibigan na si Marissa. Siya ang recruiter ko noon kaya ako napunta sa Italy. Sa pagkakaalam ko ay naririto siya ngayon sa Manila. Magbabakasakali ako sa kanya. Baka matulungan niya ako sa paghahanap kung ito. Hindi ko rin kabisado ang siyudad na ito. Hindi ako p'wedeng magsayang ng pera para sa maraming pamasahe. Hindi ko rin naman p'wedeng dalhin pa itong bus dahil wala na rin itong gasolina. Mas mahal pa ang gasolina kaysa sa pamasahe. Kinuha ko rin ang sira kong cellphone mula sa loob ng durabox. Screen lang naman ang sira nito at medyo nakikita pa ang mga numero. Baka p'wede ko pa siyang magamit. Kinuha ko rin ang charger ni