Roxanne "Rice?... I-Is that you?" Lumipas ang ilang sandaling nakatulala pa rin siya sa harapan ko at patuloy na lumilibot ang mga mata niya sa kabuuan ko. Kagat-labi akong lumapit sa kanya. "Wanna play with me?" Itinaas ko ang kamay ko sa dibdib niya at dahan-dahang pinagapang ang hintuturo ko mula doon pababa sa tiyan niya kahit may suot pa siyang dress shirt. "Oh, shit... W-What the f**k is this, honey?" Kitang-kita ko kung paano tumaas ang dibdib niya at umalon ang adam's apple niya sa leeg. "W-Wait." Bigla niyang hinawakan ang kamay ko at pinigilan ito sa ginagawa. "Tinago mo ba ang rice ko. Rice?!" Binitawan niya rin ang kamay ko at umalis sa harapan ko. Sinuyod niya ang buong bathroom, maging ang loob ng shower room ay sinilip niya. Namaaan! Nasisira 'yong buwelo ko, eh!