Roxanne Pagkatapos naming kumain ay buong maghapon na nga lang kaming nagkulong ni Crystal sa kuwarto ni Claude. Maaga rin kasing dumating ang mga trabahador at maagang sinimulan ang pagre-renovate sa magiging silid ng anak namin. Dinalhan na lamang din kami ng pagkain ni Claude dito sa loob ng silid. Nakasabay pa rin naman namin siyang kumain sa pananghalian. Siya pa rin ang nagpaligo sa amin ni Crystal at pagkatapos ay lumabas din siya kaagad upang tingnan naman ang mga gumagawa. Buong maghapon lang kaming nanuod ng tv ni Crystal. Nagkalat ang mga laruan niya dito sa loob ng silid. At natulog na lang ako pagdating ng hapon. Soundproof naman daw ang silid na ito kaya't hindi kami maririnig sa labas, kahit napakatinis ng boses ng anak namin. Pagsapit ng gabi ay doon pa lamang kami na