Roxanne Matapos naming maligo ay tinulungan niya rin ako sa pagsusuot ng mga damit ko, lalong-lalo na ng underwear ko na siyang nahihirapan akong isuot dahil kailangan ko pang yumuko. Isang duster na lamang ang isinuot ko. Mayroon din pala ditong extrang brace, na siyang una niyang ipinasuot sa akin kanina. Akala ko tuloy ay wala na akong magagamit. Nabasa na 'yong isa at pinatutuyo niya sa balcony. Napapatitig ako sa kanya sa ginagawa niyang ito sa akin at sa mga ikinikilos niya. Kakaibang-kakaiba siya ngayon. Wala naman na akong narinig pang salita mula sa kanya habang tinutulungan niya ako. Paglabas namin ng closet room ay naabutan naming natutulog na si Crystal sa carpet, sa tabi ng giant doll house niya. Nakatulugan na niya ang paglalaro. "Nakatulog na ang prinsesa," ani Claude