[Third Person's POV] Martes gaya ng nakagawian maagang pumasok si Jilliane. Nakita niyang nakabukas ang elevator papunta itong 8th floor kaya naman agad siyang humabol para makasabay. "Mallows!" Natigilan siya ng makapasok sa loob at marinig ang pamilya na boses. Di yata't.... At nang lingunin ang pinanggalingan ng tinig. Si Clark, nasa dulong bahagi ng elevator nakapamulsa ang dalawang kamay at nakangiti sa kanya. Paktay ka Jilliane! ayan na naman ang mga ngiti ni Clark grabe talagang epekto ng mga ngiti nito sa kanya nag uumpisa na namang mag umpugan ang kaniyang mga tuhod. Ano ba tong pakiramdam na ito dyoskoday baka himatayin na naman ako, huwag naman po please lang! Kaya ko to! Inhale / exhale. " Clark" Tanging nasambit ng dalaga nginitian niya ito, ngiting parang nahihiya.