[Third Persno's POV] 5:45 am ng sipatin ni Jilliane ang oras sa kanilang wall clock. "Di ka naman excited noh! 6am pala ang usapan ninyo pero alas kuwatro pa lang ng madaling araw gising kana." "Grabe!" "San bang punta mo at sinong kasama mo?" Ang ate Jessica niya na akala mo imbestigador ng bayan kung makapagtanong. "Sa Little Angels Home Ate, sasamahan ko ang kaibigan ko dadalawin namin ang mga bata sa orphanage, pumayag si Nanay, kahapon pa ako nag paalam." (Kaya huwag kang kontrabida dyan, dahil ang role mo sa istoryang ito ay supportive sister ko okay?Pangatawanan mo yan till the end.) " Ano daw?" Kunot noong tanong ni Jessica. "He!he!he! Wala". Sabay smirked ni Jillian. Natigilan ang dalawa ng may kumatok. " Ate! Pakibukas muna yung pinto baka siya nayun, kuhanin ko lang a