[Third Person's POV] Holo! Napanganga na lang ang mag-anak kasalukuyan silang nasa hapag kainan para sa almusal ngunit sa kamalas-malasan di nila naisip na ganito pala kalakas kumain itong si Iñigo para silang nanunuod sa eating contest itinodo ng binata ang paglamon. Si Iñigo naman sa tanang buhay niya ngayon lang siya nakakain ng ganuong klaseng pagkain narating at nalibot na niya ang buong mundo nakain na rin niya ang mga pagkain sa mga bansang iyon, pero ito talaga ang da best na pagkain na natikman niya in his sixteen years of existence. Akalain mo masarap pala ang itlog kapag hinaluan ng sardinas tapos may piniritong tuyo at itlog na pula na may kamatis, tapos di basta-basta kanin ang nakahain kundi sinangag samahan pa ng mainit na kape. Solve na solve ang agahan niya. "Ano ba