Third Person's POV
Ang aga-aga ay nakapangalumbaba si Jilliane titig na titig sa perang papel na hawak, maaga siyang pumasok kaya naman mangilan-ngilan pa lang ang mga estudyante sa loob ng kanilang classroom.
"Hay naku! Bakit ba naman ganito, bente pesos lang ang binigay na baon ni mama, ano naman kaya ang mabibili ko rito? Kahit isang bote ng tubig ay hindi aabot, ginto pa naman ang mga bilihin sa paaralang ito." namomroblemang bulong ni Jilliane sa sarili.
Minsan talaga iniisip ko kung tama ba ang desisyon ko na lumipat ng eskwelahan? Bukod sa ako na si Poorita Girl ako pa si Miss Kawawa. Ang wirdo kaya ng mga tao rito, pati ang Alekzander High, parang nasa ibang daig-dig ako. Grabe! Sa'n kaba naman nakakita ng high end store sa loob ng eskwelahan? Oo may shopping mall sa loob ng paaralang ito at ang canteen may mga stall ng mga sikat na fast food chain at fancy restaurants kaya walang maabot ang bente pesos ko dito. Tsk...
"Ano'ng binubulong mo d'yan, Jilliane? Para kang baliw na nagsasalita na mag-isa," kunot noong sabi ni Criselle, hindi namalayan ni Jilliane na kanina pa pala siya nito pinagmamasdan at nawi-wirduhan na ito sa mga ikinikilos niya.
"Magtigal ka nga, Criselle!" singhal ni Jilliane rito. Mainit ang ulo niya dahil bente pesos lang ang baon niya. Hindi naman maiintindihan ni Criselle ang sentimyento n'ya dahil anak mayaman ito.
"Maiwan muna kita," paalam nya rito, bad trip na nga siya sa baon n'ya pati ba naman ang kaibigan ay bubwisitin pa ang umaga niya.
"Hey where are you going?" pahabol na tanong ni Criselle.
"Mag-aalmusal!" walang ganang sagot niya na hindi ito nilingon.
Nagkibit balikat nalang si Criselle habang tinatanaw ang papalayong si Jilliane.
"Huh! Himala, mag-aalmusal, may pera!" bulong nito, madalas naman kasing hindi kumakain ang kaibigan niyang iyon kaya nakapagtataka para sa kanya na magsabi ito na mag-aalmusal siya.
_
Diresto lang ang lakad ni Jilliane alam ng kanyang mga paa kung saan siya dadalhin.
Sa lagoon.
Bihira lang may pumasyal na estudyante rito, bukod sa may kalayuan sa eskuwelahan napapalibutan ito ng mga puno at halaman, kung ikaw ay nature lover ay tiyak na mawiwili ka rito.
May mangilan-ngilang upuan sa paligid, pinili nya yung malapit sa fish pond.
Mas okay dito walang makakakita ng baon ko, malaya akong makakain na walang makakapansin sa ulam ko.'
Dahil ang totoo scramble egg ang ulam n'ya ngayon, bukod sa mura na ay madali pang iluto.
Nagsimula na siyang buksan ang baunang plastic, tumambad sa kanya ang piniritong itlog na nakaibabaw sa kanin.
Kahit ganito madalas ang kanyang ulam ay kung bakit tuwing nakikita niya ito ay hindi pa rin siya nagasasawa, parang takam na takam pa rin siya.
Hahaha! Isipin ko na lang fried chicken, diretso tanghalian na 'to.
Hindi magkamayaw si Jilliane sa pagsubo halos mamutok ang kanyang pisngi sa dami ng isinalaksak na pagkain sa bibig.
Malapit nang mag-bell, magsisimula na ang klase kaya kailangan n'yang maubos nang mabilis ang kaniyang baon.
"This is not the right place to eat!" Iritadong boses ng kung sino man ang pumukaw sa atensiyon ng dalaga.
"Huh!"
Napakislot at halos mahulog si Jilliane sa kinayang kina-uupuan. Gulat na gulat siya ng may hindi pamilyar na boses na narinig buhat sa kaniyang likuran at ng lingunin nya kung sino ang nagmamay ari niyon.
Mas lalo siyang nagulat nang makita ang bulto ni Iñigo Vander. Kunot noong nakapamulsa ito at nakatingin sa kaniya, hindi nito alintana kung gaano siya ka-gwapo sa ganuong posisyon Dinaig pa nito ang mga modelo sa magazine.
Halos mabulunan si Jilliane hindi siya makalunok kaya agad na kinapa ang baong tubig sa loob ng kaniyang bag.
"Bwisit!ano bang ginagawa ng lalaking to dito? Of all places bakit dito pa?" asar na bulong niya.
Ang dami namang makakita sa akin bakit si Iñigo Vander pa? Sa dami ng estudyante sa Alekzander High ay kung bakit siya pa talaga? Grabeng kahihiyan 'to.
"Ughh! Sorry naman!" mataray na sagot niya ng mahimasmasan.
Eh...Ano naman ngayon kung kanila itong eskuwelahan? Wala namang karatulang bawal kumain dito, ah!
Wala siyang ginagawang masama kaya hindi niya kailangang matakot o mahiya man lang dito.
Tumingin lang si Iñigo sa dalaga. Nananatiling nakakunot pa rin ang noo nito.
Hindi alam ni Jilliane kung anong nasa isip ng binata. Maya'y naglakad at pumuwesto ito ng upo sa bench na malapit sa kinaroroonan niya at dumi-kwatro pa ito.
Hmmp...kala mo naman kung sinong prinsipe!
Ipinagpatuloy ni Jilliane ang pagkain wala siyang pakialam sa presensya ni Iñigo Vander.
Mga ilang minuto ang lumipas, hindi nya naiwasang lingunin ang kinaroroonan ng supladong binata. Sobrang tahimik, kaya naman pala napansin niyang nakapikit ito.
Wheeew... Ganito pala ka-gwapo si Iñigo sa malapitan. Napaka amo ng mukha at ang pula pa ng mga labi, parang ang sarap halikan.
Nyaa! ano bang nasa isip ko? Kailan pa ba ako naging manyak? Naku naman!
Nasa gano'n siyang pag iisip ng biglang dumilat si Iñigo na para bang naramdamang may nakamasid sa kaniya.
Agad binawi ni Jilliane ang tingin sa binata ngunit huli na, nagpang abot na ang kanilang mga mata.
Ngumisi ito.
Ewan ba ng dalaga pero imbis na mainis sa ginawi ng binata nakaramdam pa siya ng biglang kaba. Ang bilis ng t***k ng kanyang puso, pakiramdam nga niya ay nahulog na ito sa kung saan.
"Hmp! Panget!" bigla na lang naisigaw niya.
Mabilis din niyang natakpan ang sariling bibig. Bakit ba naman kasi iyon ang nasabi n'ya? Kabaligtaran iyon ng kaniyang iniisip at ang pinaka malala pa do'n pasigaw n'yang nasabi ang mga salitang iyon sa harapan ng binata na imposibleng hindi nito marinig dahil ilang hakbang lang naman ang layo nito sa kaniya.
Waaaaaaaaaa...!
Aaalis na'ko. Paalam niya rito dahil ayaw na niyang makita kung anong magiging reaksyon ng masungit na binata. Baka totoong maging dragon na ito at bumuga ng apoy. Letsong Jilliane ang mangyayari sa kaniya kapag nagkataon.
Lakad takbo ang ginawa niya.
Malapit na rin namang mag bell kaya sakto lang at nasa classroom na siya.
Tamang-tamang nakaupo na ito nang pumasok ang kanilang math teacher.
May surprise quiz daw sila sa calculus .
Inutusan silang maglabas ng papel.
Ikinawindang niya ang hindi magandang balitang iyon dahil ang totoo ay hindi siya nakapaghanda. Sa lahat ng subject, sa math talaga siya mahina at ang kaniyang bruhang kaibigan na si Criselle ay ayaw siyang pakopyahin. Nagkandahaba na ang kanyang leeg sa pagsilip sa papel nito kaya lang ay tinakpan naman nito ng husto, talagang sinigurado na wala siyang masisilip.
"Hmp... damot!" mahina pero pagalit na sabi niya, sapat lang para marinig ni Criselle. Ngumisi lang ito sa kaniya at pagkatapos ay ipinagpatuloy na ang pagsagot sa quiz.
Tatlong beses niyang inismiran ito pero deadma lang ang cold hearted niyang kaibigan. Kahit yata lumuha siya ng dugo ay hindi siya pakokopyahin ng bruhildang si Criselle.
"Lord, have mercy on me!" aniya na para bang umaasa na lang sa himala dahil ito na lang ang tanging makapagliligtas sa kaniya. Kahit kasi anong isip niya ay wala siyang makapang tamang sagot sa kaniyang utak.
Kulang nalang talaga lahat ng santo ay tawagin na niya ng mga oras na iyon, pakiramdam niya ay katapusan na niya.
_
Nang matapos ang kanilang quiz ay parang natapos na rin ang kinabukasan ni Jilliane.
Dahil napakalaking bilog na kulay pula ang nakasulat sa papel niya, wala man lang tumama ni isa sa mga isinagot niya.
Tsk... kapag minamalas ka nga naman.
Gusto na sana niyang lukutin ang papel na ibinalik sa kaniya ng kanilang classroom president na siya ring nag-check ng kanilang mga sagot. Nakangisi pa ito habang iniaabot sa kaniya ang papael na para bang sinasabing, hindi ka lang poorita, boobita ka pang babae ka! So, pathetic!
Huh! Buong araw ba kong mamalasin? 'Yung totoo araw ko ba talaga ngayon?
Asar na ibinulsa na lamang niya ang papel.
_
Five minutes pa bago dumating ang susunod nilang teacher kaya naman lumabas muna ang dalaga para mag tungo sa comfort room.
Walang katao-tao sa corridor lahat ay abal sa kani-kanilang classroom.
Nang makalabas ay kinuha niya ang panyo sa bulsa, balak nyang maghilamos at gawin itong pamunas.
Nakahugas na ng kamay at nakapaghilamos na siya at lahat ay kung bakit bigla na lang pumasok sa isip niya ang quiz paper sa kaniyang bulsa. Kinapa-kapa niya iyon balak sana niyang pagpira-pirasuhin ito bago itapon sa basurahan. Ngunit, laking dismaya niya ng mapagtantong wala na ito sa kaniyang bulsa. Naisip niyang marahil ay nahulog ito kanina habang naglalakad siya at kuhanin ang panyo buhat dito.
"Hay...sana naman isa sa mga janitor ang nakapulot at itinapon na ito sa basurahan," tanging nausal niya.
Paglabas ng comfort room ay nagulat siya sa bulto ng taong nakatayo pasandal sa dingding. Ang ganda-ganda pa ng pose nito na akala mo sasabak sa pictorial.
"Ay, kabayo!" Hindi niya inaasahan ang makikita kaya gano'n na lang ang gulat niya.
Si Iñigo ay hindi na nakakunot ang noo, tuwang tuwa kasi ito sa reaksyon ni Jilliane.
Tsh! Ano naman ang ginagawa ng lalaking ito sa c.r. ng mga babae? Huwag niyang sabihing namboboso siya! What? Pe-pero wala namang ibang tao sa loob ng c.r. kung hindi ako lang.
"Anong ginagawa mo rito? Namboboso ka ano?" galit na tanong niya habang nakapamewang. Naniningkit ang mga mata niya habang nakatingin kay Iñigo.
Ngunit, siya na rin ang nahiya sa sarili niyang tanong. Sino nga ba naman siya para bosohan ng isang Iñigo Vander? Sa dami ng mga babaeng nagkakandarapa rito na kahit sarili ng mga ito ay kayang ibigay. Bakit pa nga naman maghihirap pa itong mamboso kung marami namang palay ang lumalapit?
Nangunot na naman ang noo ng binatang masungit.
"Peeping is not on my vocabulary!" asar na sabi nito at bahagya pang hinagod ang napakakintab na buhok.
Halos mapanganga naman si Jilliane, para siyang nabatubalani, pakiramdam kasi niya ay nanonuod siya ng shampoo commercial.
"I'm here to give you this." Kinuha ang palad ng dalaga at ipinatong ang nakalukot na papel sa ibabaw niyon.
" Stop bragging your score at the campus!" Ang sabi pa na nakangisi na talaga namang nang aasar sabay talikod at dire-diretsong umalis. Naiwan si Jilliane na tulala.
Mga ilang segundo rin na natigilan ang dalaga.
Maya'y bigla nalang itong napasigaw ng sobrang lakas ng mahimasmasan.
"Waaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhh..."
"Quiz ko to ah!"
"s**t lang!"
"Nakita kaya niya?"
"Malamang!"
Para na siyang baliw na kausap ang kaniyang sarili.
"This can't be happening!"
"Oh my goodness, patayin nyo na lang ako, now na!"
Kulang nalang talaga ay maglupasay na siya sa kahihiyan.
"Anong nangyayari sa'yo, teh? Takang tanong ng isang estudyante na di niya namalayang nakalapit na pala. Papasok ito ng c.r. at dahil nakaharang siya sa daan ay imposibleng hindi siya mapansin nito at sa ingay na nililkha niya talaga naman magiging center of attraction na siya dahil sa ka OA-yan.
"Huh. Wa-wala, masakit lang ang tiyan ko," pagsisinungaling niya rito.
Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa.
"Weird...Eeew..." Iiling-iling na pumasok na ito sa loob ng c.r.
"Paano na?" nanlulumong tanong nito sa sarili.
Problemadong lumakad ang dalaga pabalik ng kanilang classroom.