Chapter 2 T-Dragons/Tres Dragons°

1584 Words
Third Person's POV "Whaaaat?" Malakas na sigaw ni Jilliane hindi siya makapaniwala sa sinabi ng kaibigang si Criselle. "You heard it right girl. Clark, Iñigo and Brix Vander are triplets." Pag-uulit nito sa sinabi niya kanina habang naglalakad sila papuntang events hall ng school. "T-Dragons stands for Tres Dragons or Three Dragons because Vanders are known for being a dragon when it comes to business and they are third on the throne to be the king of Empire Dragons," mahabang paliwanag ni Criselle. "Ano ba yan di ko ma-get!" reklamo ni Jilliane. "Bakit king? Hari ba ang tatay nila? Di ibig sabihin nun prinsipe ang triplets na 'yon?" Sunod-sunod na tanong niya sa kaibigan. "That is exactly the point, my dear! Great Alekzander Vander is a noble and the King of business happens to be the T-Dragons's grand father. Kung nag-e-exist ang mga hari at reyna sa bansa natin siguro nga maituturing silang mga prinsipe. Alam mo bang napakayaman ng mga Vander? Sa sobranf yaman nila ay kaya nilang bumili ng isang bansa." "Huh! Masyado ka namang eksaherada d'yan!" "I'm serious as hell, girl." Tinatamad ang tono ng boses na sabi ni Criselle. Maya'y binulungan nito si Jilliane, "Don't tell anyone, this is a top secret, our country owes billions and billions of dollars from Empire Dragons." Halos malaglag naman ang panga ni Jilliane sa mga narinig. Totoo ba ito o isa lang sa mga imahinasyon ni Criselle, ang dalas kasi nitong manuod ng mga movies baka nakuha lang nito ang ideya na yun sa isa sa mga pelikulang napanuod niya. "Hay naku! Ang hirap intindihin. Sumasakit na ang ulo ko." Banas na napakamot na lang siya ng ulo. "Mamaya na nga lang natin pag usapan yang mga king-king na yan!" Para kasing matutuyo ang utak niya kapag inintindi niya ang pinagsasabi ni Criselle. Malapit narin kasi sila sa events hall na nasa ground floor ng school building. "Ano ba'ng meron?Bakit nag-announce ang principal natin ng meeting?" Nagtatakang tanong niya, kanina lang ay nasa klase sila pero pinababa agad sila ng teacher ng marinig ang announcement ng principal mula sa speaker na nagkokonekta sa buong paaralan. Nagkibit balikat si Criselle. "I don't know, I don't have any idea," sagot naman nito. Siya man din ay naguguluhan sa mga nangyayari. ~ Lahat ng gamit sa eskwelahang ito ay mamahalin. Saan kaba naman makakita ng hundreds of couch sa napakalaking events hall, fully air conditioned, para kang nasa sinehan literal na sinehan dahil napakalaki ng projector kahit nasa malayo ka nakapuwesto ay makikita mo pa rin ang nagsasalita sa harapan na nagsisilbing stage at mag re-reflect din ito sa big screen. Dahil late na, sa pinakadulo pumuwesto ang dalawa. Walang standing ovation dahil ang mga juniors and seniors students lang naman ang ipinatawag, nauna na kasing nagpunta ang mga freshmens at sophomores. "We gather all of us here today because I have an important things to announce for the information of each and every one of you." Bungad salita ng school principal. Hindi maipinta ang mukha ng mga estudyante, halos lahat ay nasasabik sa sasabihin ng kanilang punong guro. "Expect a visitors this week because Heir Sebastian Vander and Her Excellency Elissa Torres Vander together with some investors from different country will be doing some ocular inspection in our facilities and even monitoring the students behaviours and the quality of our education as well." "I would also like to inform you that Alekzander High is being nominated as one of the top five Highest Quality Standard School in the world, and we need your cooperation to make our school on top of the ranking." Nagpalakpakan ang mga estudyante sa utos na rin ng mga guro. Waring di naman interesado ang karamihan sa ibinalita nito. "Students stay on your seats.. I'm not yet done!" Bagama't naka mic na ay hindi parin naiwasang sumigaw ng principal ng may mangilan-ngilan siyang nakitang tumayo. "Tssk..... If we'll talk about manners, I'm pretty sure Alekzander High will not gonna be nominated," sabi ng dismayadong si Criselle na ikinalingon ni Jilliane. "Students, you will definitely be interested in the next thing that I will say..." Binitin ng principal ang sasabihin. Sabik na sabik naman ang mukha ng mga estudyante. "Okay! " I will not take this any longer. Without further a do, let's welcome Alekzander High's pride the T-Dragons are here to tell you something, let's give them a round of applause." AYEEEEEEEEEIIIIII! WAAAAAAAAAHHHHHH! SO KILEEEEEEEEEEEEEEEEG! Ang lakas nang palakpakan. Nag-panic ang lahat ng mga estudyante isipin pang araw ng miyerkules ngayon, 'di nila inaasahang naroon sa eskwelahan ang T-Dragons. Nag-ready na ang mga school guards just in case may mangyaring commotion, di na kasi mapigilan ang paghi-hysterical ng mga kababaihan kani-kaniyang labasan ng mga smart phones. "Hay naku! Umatake na naman ang mga fan girl." himutok ni Jilliane "Hayaan mo nga sila, kung hindi ka interesado sa T-Dragons pwede ba manahimik ka na lang," saway ni Criselle kay Jilliane. Pinandilatan naman ng mga mata ni Jilliane ang kaibigan. "Bleh!" Para namang batang dinilaan niya ito. Inisnab naman siya ni Criselle. ~ Napanganga si Jilliane nang lumabas ang T-Dragons buhat sa likod ng big screen. Lalong lumakas ang tilian. Ang ingay sa events hall. Kung ikaw ay tao sa labas at di mo alam ang nangyayari sa loob iisipin mong nasusunog ang silid na iyon dahil sa lakas nang tilian. "Hala! Ano'ng ginagawa mo Criselle? Bakit nag e-airpods ka?" "I can't take the noise." Reklamong sagot ni Criselle. "I would rather listen to a loud music than to listen with them, I'm not interested," dagdag pa nito. Ibinaling uli ang tingin sa nasa big screen. Hindi siya makapaniwala, para lang siyang nanunuod ng premier night ng isang pelikula at ang tatlong nasa harapan ay ang mga bidang artista. Walang humpay na hiyawan, panay ang flash ng camera na nangagaling sa cellphone ng mga estudyante bawat kilos ng T-Dragons ay pini-pikturan ang iba naman ay bini-video-han. Unang nagsalita si Iñigo Vander, napaka seryoso ng mukha nito, mukhang laging aborido dahil madalas naka kunot ang noo. Si Mr.Sungit. "In behalf of our parents, First Gentleman Sebastian Vander and Her Excellency Ellisa Torres Vander. Your cooperation and full support for their alma mater will be very much appreciated. Let’s work together for the success of our school," sabi ni Iñigo Vander. Pagkatapos magsalita ay kumaway ito sa mga estudyante na parang isang politiko ngunit napakatamad naman nitong ngumiti. Iñigoooooo... Waaaaaaahhhhh! "Marry me please!..." Sigaw ng isang It Girl na may tonong nagmamakaawa pa. "Hala! si ate, nabaliw na!" komento ni Jilliane. Hindi niya talaga mapaniwalaan ang mayayamang estudyante na ito na nawawala ang mga poise kapag ang T-Dragons na ang pinag-uusapan. "Whatever!" inis na sabi ni Criselle na tinanggal na ang airpods sa kaniyang tainga dahil hindi rin naman nakatulong naririnig niya pa rin ang malakas na ingay, natatalo niyon ang kaniyang pinakikinggang kanta. Pumalit sa microphone si Clark Vander. Kung kunot noo si Iñigo, poker face naman ang loner na si Clark. "If you have comments or suggestions regarding of the improvements of our school we have a suggestion box scattered all over the premises and feel free to write your concerns there. Anyways we appointed facilitators to conduct a massive evaluations so that we can implement changes." Hiyawan at malakas na palakpakan muli ang namayani. "Woah! Panalo! Taray! Gwapo na may sense pa." tuwang-tuwang sabi ni Jilliane. Nakalimutan atang 'di siya fan, hindi nito napigilan ang emosyon. Pa'no naman ang lakas ng dating sa kanya ni Clark Vander. "Tsh....." Suggestion box wouldn't work I bet," kontra ni Criselle sa sinabing iyon ni Clark. "At bakit mo naman nasabi?" "It will only serve as a love letter box for T-Dragons a letter of endearment to be exact. Sa tingin mo ba magsusulat ng matino ang mga estudyante rito?Mas pag-iisipan pa nila kung anong isusulat para mapansin sila ng T-Dragons kaysa magsulat ng hinanaing nila sa paaralan." "Problema mo, Criselle? Ikaw na ang genius. Malay mo naman meron ding may magsulat ng may sense sa suggestion box." "I don't think so, It'll all be trash." Napabuntonghininga na lang ng malalim si Jilliane. Nang si Brix Vander na ang magsasalita napansin ni Jilliane na sumimangot si Criselle. Ngayon lang niya napansin na nagkaroon ng reaksyon ang mukha nito kanina naman nu'ng si Brix at Iñigo ang nagsalita ay wala itong reaksyon. "Good Morning everyone!" bungad bati ni Brix, todo ang ngiti nito napaka bubbly at good vibes lang. "Sinabi nang lahat ng mga brothers ko what can I say now? I love you all na lang!" natatawang sabi nito kumaway pa at nag flying kiss sa lahat hindi pa nakukuntento at nag-finger heart pa. Ikinatuwa naman iyon ng mga estudyanteng babae kaya lalong nagliwanag sa loob dahil sa flash ng mga camera ng mga ito. "We love you more Brix!" Sabay sabay na sigaw ng Team T-Dragons na halos maihi na sa kilig. Brix...... Brix ..... "Be mine!" Ang miyembro ng Mean Girls. Hindi na talaga napigilan ang mapahiyaw. Kung anong bilis ng pasok ng T-Dragons ay siya ring bilis ng alis ng mga ito sa events hall. "I'm sorry students even if the T-Dragons wants to stay for a little while they have commitments for today, you may now go to your respective rooms, classes will resume in ten minutes," sabi ng head teacher. Halos lahat ng estudyante ay lumabas ng masaya kanya-kanyang post ng pictures ng T-Dragons sa kanilang mga social media accounts. Si Jilliane at Criselle naman ay bumalik na sa kanilang classroom.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD