Chapter 4- Iñigo Vander*

1681 Words
Iñigo's POV Every time I'm in Alekzander High, I make it appoint to visit the lagoon, it's my favorite place here in our school. Since we were a child Dad used to bring us to this school. I like to play here, it's very quiet and it feels like I am very close to nature. Huwebes ng umaga. Bago pumasok sa classroom ay dumiretso muna ako rito, pinauna ko na ang aking mga kapatid na sina Clark at Brix. Ngunit, nang malapit na ako sa paborito kong bench nagulat ako nang mapansin kong may nakaupong babae malapit sa paborito kong upuan. Nakita kong kumakain siya kaya naman lumapit ako rito para siya ay sitahin. "Why are you eating here? This is not the place to eat!" Nasabi ko yun kasi kaya nga may canteen ang school ay dahil doon naman talaga dapat kumakain ang mga estudyante. The heck! Ang lakas naman kumain ng babaeng ito akala mo hindi na aabutin ng bukas. She was even surprised to hear my voice. Her reaction was so funny that she almost choked in shock. Ngunit, nang mahimasmasan naman ay nagpatuloy parin sa pagkain na para bang walang pakialam sa mundo. Ang lalaki nang subo niya at halos pumutok na nga ang pisngi. Kulang na lang isalaksak pati kutsara at tinidor sa bibig. I tried myself not to laugh at her, kaya ipinikit ko na lang ang aking mga mata para mawala ang atensyon ko sa kaniya. Gusto ko ng katahimikan ngunit dinig na dinig ko pa rin ang pagnguya niya na talaga namang nakakasuya. I was about to tell her to eat slowly but when I opened my eyes and turned in her direction, our eyes met. Nakatingin pala ito sa akin. "Hmp... Ang panget mo!" sigaw nito sa akin at inismiran pa ako, pagkatapos ay mabilis na tumayo. "Aalis na 'ko!" may pagmamadaling sabi nito. Walang lingong tumakbo ito palayo. Hindi ko na napigilan pa ang matawa ng mag isa na lang ako. Nakakatawa naman talaga kasi ang babaeng 'yon, sabihan ba naman ako ng "pangit". Sa tanang buhay ko ngayon lang ako tinawag na pangit kaya naman grabe ang tawa ko. Lalo na pag naalala ko ang itsura niya habang kumakain wala man lang ka manners-manners, parang nasa bahay lang. Umabot ako ng halos thirty minutes sa lagoon, ang sarap kasi ng simoy ng hangin dito at isapa ayoko talaga ng maingay kaya kahit alam kong kanina pa nag umpisa ang first subject namin I don't care and It doesn't bother me at all. The teacher won't scold me even if I miss the class. I am not Iñigo Vander for nothing, the second in line to the throne, soon to be the King of Empire Dragons. My great grandfather Alekzander Vander is not that capable to manage our businesses anymore, that's why Dad took his position. He retired four years ago and he's happily living in our mansion in London together with my grani, Doctora Vivianne Vander. I hate responsibilities, as much as possible,I want to enjoy life. Being a Vander is not that easy. Of course, maraming nangangarap ng posisyon ko. Kung pwede nga lang kahit isang araw lang hindi ako maging si Iñigo Vander, ang anak ng presidente ng bansa at tagapagmana ng Empire Dragons. Gusto kong maranasan ang maging isang simpleng tao. Ang maging isang simpleng estudyante. Kung pwede lang sana! Bigla akong nakaramdam ng inggit sa babae kanina sa lagoon. Malaya niyang ginagawa ang gusto niya hindi katulad ko na lahat nang kilos ay sinusundan ng mga tao. Hindi pwedeng magkamali, maraming dapat at hindi dapat gawin. Lahat ng kilos ay naka plano, para akong isang robot na gumagalaw lang ayon sa dikta nila. Nasa eight floor ng building C ang aming classroom. Wala ng mga estudyanteng naglalakad sa hallway. Mas okay nga 'yon kasi walang makakapansin sa akin. Sumakay na ako ng elevator, hindi na ako tinanong ng operator kung saang floor ako tutungo dahil kilala na ako nito. Sino ba naman ang hindi nakakakilala sa akin, tingin ko nga'y medyo kinilig pa siya ng makita ako. "Si-sir, pwede po bang makahingi ng autograph? Paborito ka kasi ng kapatid ko," nahihiya pang inabot nito ang ballpen at maliit na notebook sa akin. Gusto ko sanang sabihin dito na oras ng trabaho at hindi tamang umasta ito ng ganun sa harapan ko. Ayoko namang magpahiya ito at mukhang wala na talaga akong choice dahil ang notebook at ballpen ay halos ingudngod na nito sa mukha ko. "What's her name?" Hindi ko pinahalata ang iritasyon sa tono ng boses ko. Mukhang hindi rin naman nakakahalata ito na wala ako sa mood. "Karen, sir!" mabilis na tugon nito. "Okay," matipid na sagot ko. To: Karen, Keep on smiling Iñigo Wala talaga ko sa mood kaya naman kung ano nalang ang nilagay ko, isa pa hindi ako sanay na gumawa ng autograph, hindi naman kasi ako artista. Isinulat ko na nga lang ang pangalan ko sa ibaba because my signature is worth a million, and it is strictly prohibited na basta-basta na lang ako magpi-pirma kung saan saan. Nang makalabas na ako ng elevator habang naglalakad ako sa corridor ay may nakita akong palabas na estudyante sa third section. Pamilyar ang itsura nito, naglalakad ito papunta ng comfort room. Huminto ito saglit at may kinuha ito sa bulsa ng kaniyang palda. Nang hugutin niya ay lumabas ang isang bulaklaking panyo Kitang-kita ko na may sumama na nakalukot na papel dito na diretsong nahulog sa sahig. Hindi niya ito napansin at nagpatuloy na sa kaniyang paglalakad. Tsk! Hindi porke't maraming janitor ang eskwelahang ito ay pwede na siyang magkalat kung saan-saan! Nang marating ko ang lugar kung nasaan ang nakakalat na papel ay pinulot ko iyon. Ibabalik ko sa nakahulog para siya mismo ang magtapon nito sa basurahan. Ngunit, naging curios ako sa nilalaman niyon, parang may nagtutulak sa akin na tingnan ang papel kaya naman walang pagdadalawang isip ng binuklat ko ito. "Jilliane Rose Sandiego." Nakasulat sa papel. So, Jilliane pala ang pangalan niya. Ang ikinabigla ko at hindi ko kinaya ay nang makita ko ang score nito sa math quiz, dahil zero ang score niya. Wala man lang naisagot na tama ang pobreng babae. Huh! Grabe namang ka-engotan ng babaeng 'yon. Simple arithmetic lang naman ay hindi pa nasagot ng tama. Tsh! Bakit kaya nakapasok sa Alekzander High ang engot na 'yon? Napakataas ng standard ng eskwelahan na ito. Imposible namang scholar siya ni Mommy dahil mukhang mahina ang utak niya. Halatang ibang-iba ito sa mga estudyante rito, dahil ang mga babae sa eskwelahang ito ay may class at finesse. Galing sila sa mayaman na pamilya na nabibilang sa high class society. Nawawala lang naman ang poise nila kapag ang T-Dragons na ang pinag-uusapan. Nakita kong pumasok ito sa comfort room kaya naman hinintay ko siyang makalabas. Gusto kong ibigay sa kaniya ng personal ang papel at sabihing sa susunod ay iwasang magkalat sa daan. Ang seryoso kong mukha ay napalitan ng ngiti ng halos mapalundag ito sa pagkabigla ng paglabas nito ng c.r. ay ako ang mabungaran niya. Tsk! Mukha talaga siyang ewan. "Anong ginagawa mo rito sa c.r ng mga babae? Namboboso ka 'no?" galit at nakapamewang pa na tanong nito sa akin. Kaya ang tuwang naramdaman ko kanina lang ay napalitan ng inis. Hindi na siya nakakatuwa! Ako si Iñigo Vander, namboboso? Pagbintangan ba naman ako ng ganun! Anong palagay niya sa akin m******s. Kaya para makaganti ay inabot ko sa kaniya ang lukot at walang kwentang papel. "I'm here to give you this paper. I think it's yours. Stop bragging about the result of your quiz at the campus!" I said and then I smirked. I just want to annoy her because I know that she knows what I am talking about. Habang papalayo ako ay hindi ko maiwasang matawa dahil dinig na dinig ko ang malakas na hiyaw niya na parang batang ngumangawa. Nakakatuwa... Hahaha! Ngayon lang talaga ako nakakita ng ganitong klase ng babae. Wala man lang ka poise-poise at hindi man lang nako-consious sa harap ko. Parang engot talaga ang sarap asarin. Masaya ako dahil naisahan ko siya doon. ~ "Hey Iñigo where have you been? You missed the first class," bungad na tanong ng kapatid kong si Clark sa akin na may halong pag-aalala sa tinig. Lumapad ang ngiti ko dahil naalala ko ang engot na babae sa lagoon. "D'yan lang sa tabi, may nakita akong malaking itlog kaya natagalan ako pinukpok ko muna para mapisa," sagot ko sabay tawa. Iniwan ko kasi 'yung engot na itlog na 'yon na galit na galit. Ang ulam na nga niya kanina itlog pati ba naman score nya itlog pa rin mahilig talaga sa itlog. Napakunot noo naman si Brix. "Ngayon lang kita nakitang tumawa ng ganiyan, very unusual, ang weird mo!" sabi nito sabay ngisi. I tapped his shoulder. "Get used to it Brix, I think I am beginning to like attending school now." "Oh, really? I can't get you?" anito, nawi- wirduhan na yata sa akin ang kapatid ko. "Never mind." I gave him a big smile. "Tsk... Crazy!" he whispered while shaking his head. Kung hindi pa dumating ang teacher namin sa English mukhang hindi pa ako tatantanan ng mga kapatid ko. It's very true that they barely saw me smile, but I can't help it this time. Eh! sa talagang tuwang-tuwa ako sa itlog na 'yon. Ang sarap asarin, aaminin ko nagiging cute s'ya kapag nabubwisit lalo na pag lumalaki na ang butas ng ilong niya sa galit. Hindi ko nga alam na may ganung itsura pala na nabubuhay sa mundo. "Wahahaha!" Hindi ko namalayan na napalakas na pala ang tawa ko. Nagulat na lang ako ng sikuhin ako ni Clark. "Stop it Iñigo, what's wrong with you? You're not in yourself anymore!" inis na sabi nito. Tsk! Ito na naman ang feeling matured na si Clark, nag aastang panganay, laging seryoso eh, mas nauna naman ako sa kaniya ng ilang minuto na inilabas ni mommy sa mundo. Tsk... Hahaha! Whatever. Masaya ako ngayon at walang makakapagpabago ng mood ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD