Chapter 19

957 Words
[Rhaniel's POV] Habang nasa byahe kami. Hindi ko mapigilan hindi isipin si Tasha. Bakit pa kase sakaniya nangyare iyon. Sana ako na lang! Sana sa akin na lang nangyare yun. Ako na lang sana yung zombie ngayon at hindi siya... "Oh, pre." Napatingin ako kay Marc nasa tabi ko. Inaabot niya yung panyo niya sa akin. Kinuha ko ito. "Salamat pre." pinunasan ko yung mga luha kong nasa pisngi ko na. Hindi ko na malayan na umiiyak na pala ako. "Alam kong mahirap tanggapin para sayo na wala na siya, pero sana naman tanggapin mo na hindi na pwedeng ibalik sa dati ang lahat" Sabi niya habang nakatingin sa daan. Sana ganoon kadali. Sana maging masaya ako para sakaniya pero hindi! Hindi ko kayang mawala siya. Hindi ko talaga kayang kalimutan siya... Napansin ko yung pagdidilim ng paligid mukhang papalubog na yung araw. May narinig akong mga ungol ng hayop at mga paggalaw sa paligid. Nakaramdam ako ng panganib. Mas kinatakot ko ng biglang tumigil yung kotse na sinasakyan namin. "Anyare!?" tanong ko. Dahil pakiramdam ko may masamang mangyayare talaga. "Hindi ko din alam." sabi ni Marc habang pilit na binubuhay yung makina. Nakailang ulit siya ng pagbuhay sa makina pero wala pa din. "Wait nga." Sabi ko at bumaba ng sasakyan. Naglakad ako papunta sa harap ng sasakyan at binuksan yung takip ng makina. Bumungad naman sa akin yung makapal na usok. "Over heat!" sabi ko kay Marc. Bumaba siya ng sasakyan at naglakad papunta sa pwesto ko. "Malas naman oh!" Inis niyang sabi. Napailing na lang ako habang patuloy ang paglabas ng makapal na usok sa makina. "Mukhang dito tayo magpapalipas ng gabi." sabi ko. Nilibot ng ko ng paningin ang buong paligid. Gustohin ko man matakot dahil sa sobrang dilim at sa mga naririnig pa naming paggalaw sa paligid pati na rin ang mga ungol ng hayop, pero hindi pwede. Dahil buhay ang nakataya dito sa bawat maling galaw namin. "Hindi tayo pwedeng magpalipas ng gabi sa labas. Dahil napakadelikado." pagtutol ni Marc. Tama nga naman siya, pero saan naman kami magpapalipas ng gabi? Napatigil kami sa pagkilos ng makarinig kami ng mga yapak ng mga paa papunta sa direksiyon namin. "Takbo!" sigaw ni Marc na tumakbo na. Pagtingin ko sa likuran namin. May mga kumpol-kumpol ng zombie na tumatakbo papunta sa direksiyon namin. Kaya naman napatakbo na din ako. Sinusundan ko lang si Marc. Pumasok kami sa eskinita. Bumabagal na din yung takbo ko, dahil sa pagod. Napatigil ako sa pagtakbo ng may sumulpot na isang zombie. Agad ko naman binunot yung baril ko at balak sanang paputukan yung zombie na nasa harap ko ng biglang may humatak sa akin. Napapikit ako mata ko dahil sa pagkabigla. Pagdilat ko. Wala man lang ako makitang liwanag. Andilim ng paligid. Nasaan na ba ako? Eto ba yung langit na sinasabi nila? Bakit ang dilim? Wala din naman akong naalala na mamatay ako... Naiharang ko naman bigla yung kamay ko ng may liwanag na tumutok sa akin. "Okay ka lang ba?" tanong nito sa akin. Inaadjust ko yung paningin ko sa liwanag. T-teka tama ba nakikita ko? "T-tasha?" sambit ko. "Huh? Bakit mo kilala yung kakambal ko?" sabi nito at binaba yung hawak niyang flashlight. Kakambal? Si Tasha may kakambal? "Kakambal mo si Tasha Mae Sandoval?" Pagkumpirma ko. "Oo kakambal ko siya, naasan siya?" Napayuko ako sa huli niyang binanggit. "Hoy, sumagot ka nasaan siya?" tanong niya habang niyuyogyog yung braso ko. "W-wala na s-siya." Naramdaman ko yung pagluwag ng hawak niya sa braso ko. Pinunasan ko yung luha na tumulo mula sa mata ko gamit ang palad ko. Tinignan ko siya at kitang-kita ko sa mata niya ang nangingilid na luha kahit pa sobrang dilim ng paligid. Hindi ko labis maisip na makikita kong muli ang mukhang yan. Sa katauhan nga lang ng kakambal niya. Pinunasan niya na yung luhang tumulo sa mata niya. Naisipan ko naman I-abot yung panyo ni Marc na nasa bulsa ko pa. "Salamat." "Nga pala anong pangalan mo?" tanong ko. "Ah. Ako nga pala si Asha Mae Sandoval. Eh ikaw?" sabi niya. "Ako naman si  Rhaniel Costa Gonzales pero tawagin mo na lang akong Rhaniel dahil yun din tawag sa akin ng mga kaibigan ko." Tumango lang siya. "May mga kasama ka ba?" tanong nito. "Meron. Kaso nagkahiwalay kami nung may zombie na sumulpot sa harapan ko." "Gusto mo sumama ka muna sa hideout namin?" Tumango na lang ako. Tutal wala din naman akong mapupuntahan. "Sundan mo ko." sabi niya at naglakad na kami palabas. Sinilip na muna niya kung may mga zombie sa paligid ng makasiguradong wala. Nagpatuloy na kami sa paglalakad. Tumigil naman siya bigla. "Tulungan mo akong alisin to." sabi niya habang tinuturo yung batong nakaharang sa ilalim ng lupa. Pinagtulungan namin ito buhatin at tinabi lang sa gilid. Pumasok na siya. "Tara na." Sumunod naman na ako sakaniya. Pagbaba namin nakita ko na sobrang lawak pala dito sa ilalim. Sementado din ang sahig at dingding nito. "Tara hatid muna kita sa kwarto mo. Bukas ipapakilala kita sa mga kasama ko." Sabi niya at naglakad na. Nakasunod lang ako sa likuran niya. Mukhang safe naman dito. Kumpara sa itaas. Huminto siya sa tapat ng pinto at binuksan ito. "Pasensiya ka na kung maliit lang ito." Okay na din ito. Gusto ko ng magpahinga dahil puro takbo na ginawa ko buong araw. "Salamat Asha." sabi ko at pumasok na sa kwarto. "Sige una na ako, tawagin mo na lang ako kung sakaliman na may kailangan ka." Tumango na lang ako. Lumabas na siya at sinarado yung pinto. Inayos ko sa lamesa yung baril ko at humiga na sa kama. Ilang sandali lang dinalaw na ako ng antok. Kaya naman nagpadala na ako sa antok ko at natulog na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD