[Ranz's POV]
Paggising ko, wala na si kisha sa kama. Saan kaya nagpunta yun?
Bumangon na ako. Hinila ko yung wheelchair palapit sa akin at umupo na din ako. Nang maayos ko na ang sarili ko sa wheelchair ginulong ko na ito palabas ng silid.
Tingin sa kanan. Tingin sa kaliwa. Mukhang mahihirapan akong hanapin siya isa pa malaki ang hospital na ito at may pinsala din naman yung paa ko kaya mahirap para sa akin na mahanap siya
Naisipan ko munang puntahan si Tito sa opisina niya. Pagpasok ko ng opisina ni tito nakita ko siyang nagsusulat. Napatigil naman siya sa pagsusulat at napatingin sa akin.
"Oh. Ranz kamusta na? Tama nga ang sabi sakin James, naandito ka na."
"Ah opo tito, kahapon lang po kami nakarating." Sabi ko at ginulong ko yung wheelchair sa tapat ng desk ni tito.
"Kami? Ibigsabihin may kasama ka?" Tumango naman ako.
"Ah. Bakit ka pala nandito Ranz? May kailangan ka ba?" tanong niya.
"Meron po tito, kung pwede po sana tulungan ako ng mga kasama nating sundalo na iligtas ang mga kasama ko."
"Bakit? Nasaan ba sila?" tanong ni tito at nagpatuloy sa pagsusulat.
"Nasa kampo po ni Dr. Jinghin." Napatigil naman si tito sa pagsusulat.
"That crazy scientist." sabi niya habang dahan-dahang napapailing.
"Kilala niyo po siya tito?"
"Oo." May kinuha naman siya sa drawer ng desk niya. "Dahil diyan. Lahat ng nangyayare ngayon diyan nagsimula." Teka yan yung note book ng Project Zombierus.
"Nakakita din ako ng ganyan na notebook sa kamay ni Dr. Hizon." Nakita ko naman na nanlaki ang mata ni tito.
"Nasaan na yung notebook na yun Ranz?"
"Nakuha na po ni Dr. Jinghin yung notebook." Napatayo naman bigla si tito.
"Hindi ito maaari. Kailangan natin siyang pigilan."
"Kailangan po natin iligtas ang mga kasama ko dahil panigurado gagamitin niyang experimento ang mga kasama ko." Tumango lang si tito.
"Sige Ranz, Magpapatawag ako ng meeting sa madaling panahon. Sasabihan ko na rin si James para sa gagawin nating paglusob sa kampo ni Jinghin. Sa ngayon magpahinga ka muna at magpagaling."
"Sige po tito." sabi ko at nagpaalam na ako kay tito at lumabas.
Naisipan ko muna magpunta sa roof top para magpahangin. Nakita ko naman si Kisha magisa lang sa roof top mukhang ang lalim ng iniisip niya ah.
"Kisha?" Lumingon naman siya. Bakit amputla niya? May sakit ba siya? Tumayo ako sa wheelchair ko at kumapit sa bakal na nasa harapan ko para makakuha ng suporta sa pagtayo. Magkatapat na kami ngayon ni Kisha.
"Okay ka lang ba?" tanong ko dito, pero hindi niya ako inimik. Nilapat ko yung palad ko sa noo niya. Hindi naman siya mainit.
"A-ano ginagawa m-mo d-dito." nauutal niyang sabi.
Hindi ko alam kung meron ba siyang nalalaman na hindi ko alam kaya siya nagkakaganito.
"Magsabi ka nga sakin ng totoo, kisha." Bigla naman niya ako tinalikuran.
"W-wala." nauutal siya. Napailing na lang ako. Halatang meron!
"Kisha." Hinarap ko siya sa akin at hinawakan ko siya sa balikat niya. Iniwasan naman niyang magtama yung mata namin.
"Tignan mo ako sa mata at sabihin mong wala." utos ko sakaniya.
Yumuko lang siya. "W-wala na mga
.
.
magulang m-mo." Nanlambot bigla mga tuhod ko. Naramdaman ko na lang nakaupo na ako sa sahig.
"Sabihin mong nagbibiro ka lang!" Sigaw ko sakaniya. Nakita kong umiiling lang siya.
Naramdaman ko na lang na tumulo na yung luha ko papunta sa pisngi ko. Bakit!? Bakit pa kailangan mangyare ito?
Tinulungan ako ni Kisha na makatayo at maiupo sa wheelchair ko. Hindi ko pa din labis maisip na wala na sila.
Hinayaan ko lang na itulak ni Kisha yung wheelchair. Tumigil kami sa tapat ng isang pinto. Naglakad si Kisha papunta sa pinto at Binuksan ito, nagpatuloy na kami sa pagpasok. Bakit naman niya ako dinala dito?
Nakita ko na punong puno ng kandila yung silid. Pagtingin ko sa gitnang bahagi ng silid may isang portrait. Kusa na lang tumulo yung luha ko. Eto ang Family picture namin.
Napansin ko sa baba ng portrait ang dalawang jar na gawa sa bakal. Itinulak ni Kisha yung wheelchair papunta sa tapat ng jar. Pagkalapit ko sa jar may nakita akong sobre sa ilalim nito. Kinuha ko ito at binuksan.
To: Ranz
Anak, kung nababasa mo na ito ngayon ang hiling ko lang sana ligtas kayo ng kapatid mo. Hindi ko alam kung buhay pa kami ng ina mo kung sakaliman na mabasa mo ito.
Paalam anak. Magpakatatag ka at alam kong hindi mo pababayaan ang kapatid mo. Isipin mo lagi lang kaming nasa tabi mo.
Until we meet again,
Father
Pinunasan ko naman yung mga luhang tumulo sa mata ko.
"Ate Kisha?" napatingin naman ako sa nagsalita.
"K-kuya?" gulat na tanong ng kapatid ko.
"Ako nga ito Renz." sabi ko. Tumakbo palapit sakin si Renz.
"Akala ko Kuya, wala ka na. Akala ko iniwan mo na ako tulad nila mama." sabi ni Renz habang nakayakap sa akin at humahagulgol sa iyak.
Natawa na lang ako sa kadramahan ng kapatid ko. Ginulo ko naman yung buhok niya. "Kuya naman eh!" reklamo ni Renz.
Nga pala kilala na niya si Kisha? Nakakapagtaka ah. "Paano mo naman nakilala si Kisha?" tanong ko.
Humiwalay naman siya sa yakap at nagpunta kay Kisha. "Nakilala ko siya kuya nung pumasok siya dito sa kwarto na ito. Narinig niya yata na umiiyak ako. Tapos ayun pinapatahan niya ako. Ang bait bait nga po ni ate Kisha eh." Napatingin lang ako kay Kisha. Ngumiti lang ito.
"Sige kuya, alis na muna ako ah." sabi ni Renz at nagpaalam na sa amin.
Kami na lang ngayon ni Kisha ang naiwan sa kwarto.
Nagdasal na lang muna ako.
Sana Ma, Pa, kung nasaanman kayo ngayon alam kong nasa maayos na kayong kalagayan ngayon. Asahan niyong hindi ko pababayaan ang kapatid ko. Pangako...