[Ranz's POV]
Malayo-layo na din ang nabyahe namin. Puro palayan na rin ang makikita sa paligid at Mukhang palubog na ang araw dahil sa dumidilim na ang paligid.
Napansin ko sa side mirror ko yung paghikab ni Kisha. "Inaantok ka na?" Tanong ko dito.
Tumango lang siya. Kitang-kita ko sa mga mata niya na parang wala siyang maayos na tulog.
Naalerto ako ng may marinig akong kaluskos sa mga palayan na nadadaanan namin. Habang tumatagal lumalakas yung kaluskos na naririnig ko. May masama akong pakiramdam.
Napahawak ako ng mabuti sa manibela. "Kisha, kumapit kang mabuti." sabi ko at tinodo ko ng sobrang bilis yung motor. Naramdaman ko naman yung mahigpit niyang paghawak sa damit ko.
Nakarinig ako ilang sunod-sunod na putok ng baril. Nataranta na ako nung tumama ito sa motor namin. "Hawak!" Mas kinababahala ko ay baka matamaan kami ni Kisha.
Narinig kong sumingaw yung gulong sa likuran. "s**t!" Nawawalan ako ng balanse sa pagmamaneho! Pinihit ko naman yung break. Kaso hindi ito kumakapit mukhang natamaan din ng baril.
"Ah!!!" Napapikit ako ng makita kong pabulusok kami papunta sa palayan. Ramdam ko naman yung sobrang bigat ng motor.
"K-kisha o-kay ka lang?" tanong ko. Dahil ako wala akong maramdaman namanhid na yata katawan ko ng dahil sa nakadagan sakin yung motor.
Naramdaman ko na umalis siya sa pagkakaipit sa motor. "Okay lang ako, p-pero i-kaw hindi!" Sinilip ko yung paa kong naipit sa gulong ng motor. Hindi ko naman ito makita dahil sa dilim. Pero dama ko yung malamig na likidong tumutulo galing sa paa ko.
Napatingin ako kay Kisha na nakatayo sa harapan ko. Halata sa mukha niya na hindi niya alam kung anong gagawin niya. "Taas kamay!" Napatingin ako sa nagsalita. Di ko maaninag yung mukha niya dahil sa sobrang dilim.
"Saan ka-- teka!" Inilawan naman ako neto.
"Sir Ranz?" Inaninag ko naman kung sino yung nagsalita.
"J-james?" Hindi ako pwedeng magkamali siya nga si James kaibigan ni tito Claveria na isang doctor.
"Ikaw nga!" Sabi niya at biglang kinuha yung walkie talkie. "Bravo! Cease fire! Emergency! Calling for help we have an urgent patient" sabi niya.
Ilang sandali lang may dumating ng mga sundalo at agad naman nila tinayo yung motor para maalis sa pagkakadagan nito sa akin.
Nanlaki naman yung mata ko ng makita kong marami ng dugo ang nawala sa akin.
"Sir, sorry hindi namin sinasadyang pagbabarilin kayo." Paghingi niya ng paumanhin sa nangyare.
"Okay lang." sabi ko at binigyan na lang muna nila ako ng first aid.
Matapos gamutin dinala na ako sa jeep ng sundalo para dalhin sa kampo nila tito. Medyo naibsan naman na yung sakit na naramdaman ko.
Habang nasa jeep kami napansin kong tulala pa din si Kisha. "Uy okay ka lang?" Tanong ko pero hindi naman niya, ako pinansin.
Dinaan ko naman yung kamay ko sa harap ng mukha niya, pero wala pa din.
Isang paraan na lang naisip ko para naman magising ito sa pagkakatulala. Kinuha ko yung kamay niya at pinisil-pisil ito. Mukhang naramdaman niya dahil napatingin siya sa kamay ko.
"B-bakit?" Nauutal niyang tanong.
"Okay ka lang ba?" tanong ko.
"Sarili mo kaya tanungin mo kung okay ka lang." Nginitian ko na lang siya. Hawak-hawak ko pa din yung kamay niya.
Nakaramdam ko yung pagbigat ng tulikap ng mata ko kaya naman nagpadala na ako sa antok at umidlip.
---
"Ranz."
"Ranz..."
"Uhmmm." Napadilat naman ako ng mata ko. Mukhang napahaba yata tulog ko. Nagulat ako ng marealized kong sa balikat pala ako ni Kisha nakatulog. Napaayos ako ng upo at napayuko. Nakakahiya ano ka ba naman Ranz. Haiysst.
"Sir Ranz, mukhang napasarap yata tulog mo ah." Bulong ni James sa akin. Hindi ko na lang siya pinansin. Dahil nakakahiya...
Ilang sandali lang tumigil na yung sinasakyan namin. Sumilip ako sa bintana at nakita ko ang isang building na kung titignan ng mabuti isa itong hospital.
Napansin ko naman na hawak-hawak ko pa din pala yung kamay ni Kisha. Nakaramdam ako ng hiya kaya naman binitawan ko na ito.
"Dito na tayo." Paganunsio ni James at nagsibabaan na kami at maging ang kasama namin na sundalo. Inalalayan ako ng mga sundalo sa magkabilang braso ko.
Naglakad na kami papunta sa main entrance ng ospital. May iniscan lang si James na ID at bigla na lang bumukas yung pintuan. Pumasok naman na kami sa loob.
Bumungad sa amin ang kulay puting dingding at sahig. Hindi mo ipagkakaila na sobrang linis sa loob.
Inupo ako nung mga sundalo na umalalay sa akin sa isang wheelchair. May lumapit na babaeng nakasuot ng pang-nurse. "Tara na po sa X-ray room." Sabi nung nurse kaya tumango na lang ako.
Tinulak na nila yung wheelchair at naalala ko bigla si Kisha. Napatingin ako sa likuran ko, pero wala siya. Hindi siya nakasunod sa amin. "Wait!" Pagpigil ko. Tumigil naman yung mga sundalo sa pagtulak.
Tumingin ako sa may entrance at nakita ko siya nakatayo lang doon. "Mga boss, kaya ko na sarili ko." Sabi ko na pinapahiwatig na pwede na nila akong iwan Kaya naman umalis na sila.
Iginulong ko yung wheelchair pabalik ng entrance. "B-bakit nandito ka pa?" Tanong nito ng makita akong nasa harapan niya.
"Samahan mo ako." Sabi ko at tumango lang siya.
Tinulungan na rin niya akong itulak yung wheelchair ko papasok ng X-ray room.
Ilang sandali lang pinakita na sa amin yung resulta. "Minor injury lang naman natamo mo at mabuti na lang nabigyan ka kaagad ng first aid kung hindi baka lumala lang yung sugat na natamo mo sa paa."
Dinala na lang din kami ng nurse sa kwarto na tutuluyan namin. Bukas ko na rin kakausapin si tito, dahil tulog na raw ito.
Tinulungan akong makatayo ni Kisha sa wheelchair ko para makalipat sa kama.
"Salamat Kisha." umayos na ako ng higa at tumagilid.
"Ako nga dapat ang magpasalamat sayo eh." Sabi niya at naglakad na sa kabilang side ng kama. Naramdaman ko naman na humiga na siya. Kaya pinikit ko na mga mata ko.