[Shiela's POV]
Pagkababa namin ng truck. Bumungad sa amin ang isang building na yari sa bakal.
Pinalibutan kami ng mga sundalo. Talaga nga naman matatakot kang gumawa o kumilos ng masama dahil isang maling galaw mo lang patay ka na.
Hinatid kami ng mga sundalo papasok ng building at habang naglalakad nasa gilid namin sila.
Dobleng pagbantay ang ginagawa sa amin. "Bilisan niyo nga maglakad!" rinig kong sigaw nung sundalo na nakasunod sa likuran namin.
Tumigil kami sa paglalakad sa tapat ng isang bakal na pinto. Binuksan ito nung sundalo na nasa harapan namin yung pinto.
Nakakatakot yung itsura ng loob. Wala kang ibang makikitang gamit sa loob kundi puro mga agiw at alikabok lang sa bawat sulok at paligid. Para bang ilang taon na ito hindi nililinis.
Naglakad na lang ako papunta sa sulok at umupo.
"Hindi niyo ba tatanggalin yung tali sa kamay namin?" Tanong nung mga pamilyang nakasama namin sa kampo.
Nagkatinginan yung mga sundalo at bigla na lang silang Tumawa. Ano naman nakakatawa sa sinabi nung kasama namin? Huh? Nag-init bigla yung ulo ko. Nakakabastos na sila. Una yung pagtali nila sa amin na mga babae. Akala mo hindi babae yung tinatali dahil sobrang higpit. Tapos ngayon ano? Yung tatanggalin lang yung pagkagapos ng kamay namin tatawanan lang kami.
Patayo na sana ako ng biglang may humawak sa kamay ko at pagtingin ko kung sino humawak sa kamay ko. "Shhh. wag kang maingay." Bulong ni Johnrey. Napatingin naman ako sa kamay niya dahil hindi na ito nakatali. P-pano niya naalis sa pagkagapos yung kamay niya???
Pinakita niya lang sakin yung swiss knife na hawak niya. Pumunta naman siya sa likuran ko para tanggalin sa pagkakatali yung kamay ko. Pagkatapos niyang tanggalin yung akin. Nagpunta na siya sa ibang kasama namin para tanggalin din yung pagkakatali sa kamay.
"Ate, ano pong pangalan niyo?" Napatingin ako sa nagsalita. Ang cute! niyang bata. Hindi ko naman napigilan sarili ko at pinisil ko yung pisngi nung bata
"Aray! Ate naman eh tinatanong ko lang ano po pangalan niyo. Tapos kung ano-ano na pinagagawa mo po sa pisngi ko." sabi nung bata ang nagpout pa.
"Ang cute mo kase eh. Nga pala ako si ate shiela." Pagpapakilala ko sa sarili ko.
"Hello po ate shiela. Ako, naman po si Andrei." Magiliw na sabi nung bata. So Andrei pala pangalan niya.
"Ate Shiela, boyfriend niyo po ba yun." sabi ni Andrei habang tinuturo si Johnrey.
"Huh? Kaibigan ko lang iyan." sabi ko. Napatingin naman ako kay Johnrey. Gwapo naman siya, matapang, maalaga. Hindi malabong mahu--- WTF!? Ano ba itong pinagsasabi ko?
"Eh bakit po ga---" napatigil si Andrei sa pagsalita ng may tunawag sakaniya.
"Andrei, Apo?" Napatingin naman ako sa nagsalita. Mukhang nasa 60s na siya dahil na rin sa itsura niya.
"La, siya po si Ate Shiela." pagpapakilala sa akin ni Andrei.
"Hello Iha, pasensiya ka na dito sa apo ko." Sabi ni lola na kinarga si Andrei.
"La!" Pagreklamo ni Andrei sa lola niya.
"Wala po iyon. Ang totoo po niyan. Nakakatuwa po siyang bata." Sabi ko.
"Oh diba La, nakakatuwa daw akong bata sabi ni Ate Shiela." pagmamalaki ni Andrei sa sarili niya.
Napatigil kaming lahat ng magbukas yung pinto at nilabas nito ang dalawang Sundalo.
"Bilisan mo pumili ah!" Sigaw nung isang sundalo.
Nakita ko naman pumunta yung sundalo sa direksiyon namin.
"Hoy tanda ibaba mo yang bata at sumama ka sa akin." Nag-init naman bigla yung ulo ko ng tawagin niyang tanda si lola.
Nakita ko na sinunod ni lola yung utos nung sundalo. Lumapit naman si Andrei sa lola niya at niyakap ito sa paa. "Saan niyo po dadalhin lola ko." Sabi ni Andrei na umiiyak na.
Bigla naman tinulak nung sundalo si Andrei na siyang dahilan ng pagkakahiga nito sa sahig. Di ko na napigilan pa ang pagtitimpi.
"Hoy ikaw ungas ka. Ano ba talaga kailangan niyo sa amin ah!?" Tinawanan lang ako nito. Aba gago talaga to ah. "Huwag kang mangelam kung ayaw mo madamay." sabi nung sundalo habang tumatawa. Magsasalita pa sana ako ng pigilan na ako ni lola.
"Iha, okay lang ako. Ikaw na muna bahala sa apo ko ah." sabi ni lola at sumama na ito sa mga sundalo palabas ng silid. Mas lalo naman lumakas yung iyak ni Andrei.
Pinuntahan ko na lang ito at pilit na pinapatahan. Pero kahit anong gawin ko wala pa din. Iyak pa din ito ng iyak.
"Andrei babalik din ang lola mo." Pagpapatahan ko sa bata.
Tumakbo naman bigla si Andrei sa pinto at pinapapalo ito.
"Lola!!!" sigaw nito. Pinagtitinginan na din siya ng ibang kasama namin.
Pupuntahan ko na sana siya ng makita kong kinarga ito ni Johnrey at pinapatahan. Umiyak lang ito ng umiyak sa damit ni Johnrey.
Sana naman wala silang gawing masama sa lola ni Andrei. Maawa sila sa bata.
Ilang sandali lang napansin kong tahimik na si Andrei. Nakatulog na pala ito kay Johnrey. Mukhang napagod na siya kakaiyak.
Mga wala silang puso! Hindi man lang nila inintindi nararamdaman nung bata.