Chapter 21

597 Words
[Johnrey's POV] Nagising naman ako dahil sa isang malakas na putok ng baril. Pagbangon ko. Nakita ko sa paligid na halos lahat pala kami ay nagising. "Ate Shiela, ano pong nangyare?" rinig kong tanong ni Andrei. "Ahhhhhh!!!!" Nagulat naman kami ng may marinig kaming sumigaw mula sa labas ng pinto. Bigla naman tumakbo si Andrei sa pinto. "Lola!!!!" sigaw ni Andrei habang pinagpapalo yung pinto. Mukhang tama nga ang hinala ko. Napailing na lang ako. "Mukhang naisip mo na din kung bakit nila tayo hinuli." Napatingin naman ako sa nagsalita. Isang lalaki mukhang nasa mid 30s na siya, kaso hindi ko naman siya matandaan kung ano pangalan niya... Tumayo naman siya at lumapit sa akin. "Johnver nga pala pero tawagin mo na lang akong JV." Pagpapakilala niya habang nakalahad ang kamay niya. Tinanggap ko din naman ito. "Johnrey pre." Pagpapakilala ko sa sarili ko. "Kilala na kita. Kasamahan ka ni Ranz diba?" Napatango na lang ako. "Nga pala si Hannah. Girlfriend ko." sabi niya habang tinuturo yung babaeng nakaupo mukhang magkasing edad lang sila ni JV. Naalala ko naman yung sinabi niyang dahilan kung bakit kami hinuli. "Ano pala yung sinasabi mong dahilan kung bakit tayo hinuli?" tanong ko dito. "Ah yun ba? Simula pa lang kase naisip ko na kung bakit nila tayo hinuli ay gagawim nila tayong experiment." sabi niya. Hindi ko alam kung dapat ba akong maniwala pero alam kong masama si Dr. Jinghin pero hindi ko akalaing ganito siya kasama. Isa lang ang naisip ko ngayon. Ang makatakas kaming lahat. Lalong lalo na kami ni Shiela gusto kong ligtas kaming makakaalis dito. Naputol naman ang aking pagiisip ng maramdaman kong may tumabi sa akin. Paglingon ko si Shiela pala. "Mukhang ang lalim ng iniisip mo ah." sabi nito. "Hindi ah." Pagsisinungaling ko. "Ako pa lolokohin mo?" Mukhang wala nga akong laban dito. "Okay. Oo na." Pasuko kong sinabi. "Ano naman yun?" tanong nito. Hindi ko naman siya sinagot. Kinuha ko naman yung kamay niya at hinawakan ito. "Pano k-kung sabihin ko s-sayong g-gusto kita?" Napansin ko naman yung pamumula ng pisngi niya. "Ano ba yang joke mo!" sabi nito at mahinang pinalo yung braso ko. Sana nga joke lang yun eh. Sana nga! Pero hindi eh. Sana alam mo lang nararamdaman ko. "Ipangako mo nga sa akin. Hindi ka aalis sa tabi ko." sabi ko sakaniya. "Ano ba yang pinagsasabi? Akala mo naman katapusan na natin." sabi naman nito na halatang naweweirduhan siya sa pinagsasabi ko. Sana nga hindi pa namin ito katapusan. Dahil damang-dama ko na ang pangamba sa buhay naming lahat. Bumukas naman bigla yung pinto. "Pumili ka naman ng mas bata pa sa kinuha mo kahapon!" Utos nung isang sundalo. Tumango naman yung isang sundalo at nilibot ang buong silid. Napanasin ko naman na lumapit yung sundalo sa pwesto nila JV. Bigla naman hinila ng sundalo yung girlfriend ni JV na si Hannah. "Aray! masakit!!!" Daing ni Hannah sa ginawang paghatak sakaniya nung sundalo. "Ako na lang kunin niyo! Bitawan mo siya!" sabi ni JV. Habang pinipigilan yung sundalo. "Aba! May nagboluntaryo na sayo. Pasalamat ka at mabait ako!" Bigla naman binitawan nung sundalo si Hannah at kinaladkad naman nito si JV palabas. "JV!!!" sigaw ni Hannah na hindi na naabutan pa si JV. Pinagpapalo naman niya yung pinto. Ganun ba sila kasama? Talaga bang kailangan nilang gumamit ng tao para sa letcheng experimento nila! Hindi naman sila diyos pero kung umasta sila kala mo sila ang may karapatan sa buhay ng mga tao! Sana naman tapusin na nila ito... Dahil hindi ko na gugustuhin pang may mawala sa amin. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD