Chapter 2

950 Words
[Ranz's POV]  Alam kong napaka risky ng gagawin ko. Iniisip na nga siguro nila na nababaliw na ako, dahil sa kung papaano ako mag-isip. Ayaw ko lang kase na may madamay ako, kung sakaliman na mali yung plano ko. Kaya naman mas ginusto kong gawin ito ng mag-isa. Naandito ako ngayon sa Property Office mabuti na lang at walang tao dito mukhang nanduon lahat sila sa Conference room. Naglakad ako papuntang storage room at doon ko yung mga baril na nakatago para sa gwardiya ng school. Kumuha muna ako ng bag at tsaka ko nilagay lahat ng mga baril na nakita ko. Sunod kung pinuntahan ay yung Audio station para gumawa ng ingay na mag-aattract sa mga zombie na pumunta sa mga lugar na may speaker. Sana nasa bus na silang lahat para hindi sila mapahamak. "Sana Guys, nasa loob na kayo ng Bus. Pakisarado muna yung pinto. Mamaya nandiyan na din ako." sabi ko at nilabas ko na yung Cellphone ko tapos pinindot yung play music. Naririnig ko naman na nagsitakbuhan yung mga zombie papunta sa mga lugar na may speaker. Lumabas na din ako ng Property office at nilabas ko din yung balisong ko. Shit! may mga ilan pang mga Zombie yung naiwan dito sa hallway at isa sa mga ito ay si Ma'am Mendoza. Wala na ako nagawa pa dahil lumingon na din ito sa direksyon ko at tumakbo papunta sa akin. Ginilitan ko isa-isa sa leeg yung mga Zombies na papunta sa direksiyon ko at tinulak ko papasok ng property office si Ma'am Mendoza, hindi ko kakayanin pumatay ng kilala ko. Napatingin ako sa suot ko. Ang dumi ko na tuloy, puro dugo na ng zombie yung damit ko. Haiysst... Nagtungo naman ako sa Guard House at mabuti na lang wala din tao dito. Agad ko naman hinanap yung susi sa drawer ng desk. Nung makita ko na yung susi, aalis na dapat ako nang matigilan ako dahil, sa naririnig kong umiiyak. Hinanap ko kung saan nagmumula yung hagulgol ng isang bata. Hanggang sa napansin ko naman na mas lalong lumalakas yung ingay habang papalapit ako sa cabinet. Lumapit ako sa cabinet at dahan-dahan itong binuksan. Bumungad naman sakin, yung isang batang babae at mukhang dito na siya tinago ng magulang niya. "Shhh. Nandito na si kuya." sabi ko, habang nilalabas siya sa cabinet at kinarga. Patuloy pa din ito sa pag-iyak. Paano ko ba ito mapapatahan? Hindi pwede na marinig kami ng mga zombies. Alam ko na! Nilabas ko naman yung lollipop sa bulsa ko at tinanggal yung balot na plastic nito. Sana umubra ka at binigay yung lollipop Biglang tumahimik yung bata at kinakagat na lang yung lollipop na binigay ko. Buti naman! Naglakad na ako papunta sa likod ng Guard house para pindutin yung switch ng Bell. Para sa ganun yung mga Zombie na nanduon sa likod ng school ay magpuntahan sa mga classroom. Ilang segundo ko din pinatunog yung bell para ma-clear yung dadaanan ko. May narinig akong nagtatakbuhan papunta dito. s**t! Agad akong nagtago sa likod ng mga halaman. Sana hindi nila, kami makita. "Attchingg!" s**t! nalintikan na... Pahamak kang bata ka. Agad ako kumuha ng bato at binato ito sa malayo para makagawa ng ingay. Buti naman at kumagat ito sa mga zombies, dahil yung bato na binato ko sa malayo yung hinabol nung mga zombies. "Huuu muntik na.." bulong ko, kasabay ng pagpunas ko sa mugto kong pawis, dahil sa kaba. Nang mapansin kong wala ng zombie sa dadaanan namin kinarga ko na yung bata at tumakbo papunta sa likod ng school. May isa pang zombie yung naiwan dito at nanduon siya sa tapat ng Bus #5 kung nasaan sila Kisha. Lumingon naman ito sa direksiyon ko at sumugod. Sinipa ko naman siya sa tiyan, dahilan ng pagkabagsak niya sa lupa. Binaba ko muna yung karga kong bata. "Dito ka lang ah." Sabi ko sabay binunot sa bulsa ko yung balisong. Tumayo yung zombie at sumugod ulit sakin. Agad ko naman siya sinipa ulit sa tiyan niya, kasabay ng pag-gilit ko sa leeg niya. Naramdaman ko yung pagtagas ng dugo niya sa kamay ko. Pagkatapos ko patayin yung zombie, kinarga ko na ulit yung bata at kumatok sa pinto ng bus, tapos binuksan din agad ni Niel. Binato ko na kay Niel yung susi ng Bus. Kaagad din niya pinaandar yung Bus. "Mabuti naman okay ka lang." sabi ni kisha. Nginitian ko naman siya, dahil sa pag-aalala niya. "Saan mo naman nakita yung bata?" sabi ni Shiela, na lumapit pa sa bata. "Nakita ko siya, sa loob ng cabinet sa guard house." sagot ko, kasabay ng pagbaba ko sa batang karga ko at binaba ko na din yung bag na punong-puno ng mga baril. Napai-stretch pa ako sa sobrang sakit ng balikat ko. "Anong pangalan mo?" rinig kong tanong ni Angela. "J-jamea?" napatingin naman ako sa nagsalita ganun din yung bata. "Ate!!" sabi nung bata at tumakbo papunta sa kinauupuan ni Phires. Kapatid pala ni Phires yung batang nakita ko sa cabinet. Napangiti naman ako. "Guys, may mga baril diyan sa bag na yan. May hindi ba marunong humawak sa inyo ng baril?" tanong ko. Nagtaasan naman sila Tasha, Phires at Kisha. Kumuha na sila ng mga baril. Samantala sila Tasha, Phires at kisha binigyan ko muna ng pistol yung karaniwan lang at pati kutsilyo para na rin kapag kakailanganin nila. Nag-ipit ako ng dalawang pistol at balisong sa bewang ko. "Saan tayo pupunta ngayon?" tanong ni Niel habang nagmamaneho. "Sa Grocery na lang para makakakuha tayo ng supply ng pagkain natin." sabi ni Angela. Kaya naman sumangayon na kaming lahat sakaniya. "Guys, sarado niyo muna yung mga bintana." sabi naman ni Marc kaya naman sinarado na namin. Nahiga na muna ako sa upuan. Ang sakit na talaga ng katawan ko. Ngayon ko lang naramdaman na sobrang bibigat pala nun tapos damang-dama ko talaga ngayon yung pagkapagod ko. Umidlip na muna ako para naman makapagpahinga at makapag-ipon ulit ng lakas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD