"First Day of School"
---
[Tasha's POV]

Papasok na kami ni Kisha sa aming paaralan. Halos wala pa rin pinagbago. Typical me mabuburyo lang ako dito, pero okay lang makikita ko naman ulit si crush, kahit na hanggang tingin na lang ako sakaniya okay lang yun! Basta alam ko, sa huli magiging kami!
"Hoy Tasha, tara na. Nangangarap ka nanaman diyan." Sabi ng bestfriend kong si Kisha.
Halos mula pagkabata kami na rin magkasama niyan hanggang sa ito kami ngayon Grade 9 na sa Roosevelt College San Mateo.
"Anung nangangarap ka diyan. Hindi kaya!" sabi ko at pinaghahampas siya sa braso.
"Hindi daw, bahala ka na nga diyan." sabi niya na inirapan ako at nauna siyang pumasok ng classroom.
Iniwan nanaman niya ako. lagi na lang ba ako iniiwan? Huhuhu.
Pagpasok ko ng classroom halos nandito na lahat ng mga kaklase ko. Hinanap ko naman si Kisha at nakita ko siya naka-upo malapit kay crushiie, kaya naman hindi na ako nagsayang pa ng oras at agad na pumwesto sa tabi niya.
Ilang minuto lang dumating na din first subject teacher namin.
"Goodmorning, Class!" maligayang bati samin ni Ma'am Mendoza. Kaagad naman napawi yung ngiti niya nang biglang may kumatok sa pinto.
Pagbukas ni ma'am nung pinto, si vice principal ang bumungad sakaniya at binigyan siya ng isang papel. Napansin kong napabuntong hininga si Ma'am, matapos isara yung pinto.
"Class, sorry to say, but for the meantime cancel muna ang klase dahil sa meeting at makakauwi na kayo except sa mga tatawagin kong pangalan."
Sana di ako kasali.
Sana di ako kasali.
Sana di ako kasali.
Paulit-ulit kong dasal.
"Ranz, Niel, Johnrey, Marc, Rhaniel, Shiela, Kisha, Angela, Phires" sabe ni ma'am habang nakatingin sa papel.
Yes! wa-
"and Tasha." Oh no!!! Why?!
"Goodbye." sabi ni Ma'am at umalis na ng classroom. Ano ba yan uwing-uwi na ako eh, pero sige okay lang yan kasama ko naman si Crush eh.
"Babae, Baka matunaw si Rhaniel." nagulat naman ako ng biglang bumulong sakin si kisha. Agad ko naman siya tinitigan ng masama.
"Ano ba minsan lang to." pagsaway ko sa panggugulo niya.
Napalingon kaming lahat sa pinto. Nakita namin si Baron hingal na hingal siyang bumalik dito sa classroom. Tila ba may tinatakasan siya kung ano man.
Sinarado niya yung pinto ganun din yung ginawa niya sa mga bintana at pinatay naman niya yung mga ilaw. Naguguluhan naman kami sa inaakto niya ngayon.
"Pre, anong meron?" Tanong ni crush ko.
"May di ma---" hindi niya naituloy pa yung sasabihin niya nang may biglang kumalabog sa pinto. Parang galit na galit ito at gustong pumasok.
"Guys! magtago muna kayo please lang at huwag kayong magpapakita sa bintana."nagmamadaling sabi ni Baron na sinunod naman namin at ayun nagsikaniya-kaniya kami nang tago.
Kaso habang tumatagal lalong lumalakas yung kalabog sa pinto.
Nararamdaman kong bumibilis na din t***k ng puso ko dahil sa kaba at takot.
"s**t! Guys, masisira na yata yung pinto mukhang magiging katulad na nila tayo."sabi ni Baron, habang pilit na humaharang sa saradong pinto.
"Ano ba kase sila?!" Hindi ko na mapigilang tanungin siya, kasi maging ako Kinakabahan na, sa mga nangyayari.
"Hindi ko alam basta kapag nakagat ka nila magiging katulad ka na lang bigla nila." sabi ni Baron. Habang tinutulungan na siya ni Niel at Johnrey sa pagharang sa pinto.
"Hindi kaya zombies ang mga yan?" pag-aalangan na tanong ni Shiela.
Napatingin naman kaming lahat sakaniya.
Imposible dahil sa mga movies at video games ko lang iyan nakikita.
"Tabi!" narinig kong sigaw ni Ranz, siya yung kaklase namin na tahimik lang at laging seryoso. Ngayon ko nga lang yan narinig magsalita eh.
Kumuha lang si Ranz ng mga upuan at iniharang lahat sa pinto.
"Saan tayo dadaan?" tanong ni Angela, siya naman yung sporty namin na kaklase.
"Sa bintana tapos didiretso tayo sa bubong, hindi naman kasi natin pwedeng sa ground floor tayo bumaba eh nasa third floor tayo." sagot ni Ranz, habang tinuturo yung jalousie window.
Habang tinatangal ng mga lalaki, isa-isa yung salamin. kami naman mga babae napagusapan namin na kumuha ng magagamit naming panlaban kung sakaliman na zombie nga iyon.
Nakita ko naman yung fire extinguisher. kaya naman iyon na kinuha ko.
Yung mga lalaki naman pinagbabaklas yung blackboard para na rin may magamit sila.
Ako hawak ko fire extinguisher, samantala si Shiela may hawak na dustpan, tapos si Angela may hawak ng walis tambo, tapos si Phires may may nakuhang kahoy, kaso si Kisha wala pa.
Napansin ko si Kisha na hindi na mapakali sa paghahanap ng magagamit niya. Kaya naman tinulungan ko na din siya sa paghahanap. Kaso wala din akong makita.
"Oh. abot mo'to sakaniya." sabi ni Ranz, habang inaabot yung kahoy na hawak niya.
"Eh pano ka?" hindi ko alam na may pagkasiraulo pala itong si Ranz.
"Basta ibigay mo." Seryoso niyang sagot, kaya naman kinuha ko na yung kahoy at binigay kay Kisha.
"Guys, clear na dito tara na." rinig kong sabi ni johnrey, habang nasa itaas na siya.
"Ingat lang sa pag-akyat." paalala naman ni marc at tinulungan na din kaming maka-akyat.
Nagsimula na kaming mga babae na umakyat, habang yung mga lalaki inaayos pa yung mga upuan na ihaharang sa pinto.
bigla na lang nasagi ni Phires yung mga tinanggal na salamin mula sa binta na siyang dahilan ng pagkabasag nito at nagbigay ng malakas na ingay sa labas.
"s**t!" sambit ni Baron, nung mas lalong naging agresibo yung mga zombies sa labas.
Bigla na lang may nakapasok na Zombie. Mula sa nasirang pinto.
"Bilisan niyo!!!" Di ko na napigilan pang-hindi mapasigaw dahil naiwan pa sa baba sila Baron, Ranz at Niel.
Nakaakyat na si Niel at Ranz.
Pa-akyat na si Baron nang maabot ng Zombie yung paa niya. "s**t!" Sigaw ko...
"Ahhh!!" sigaw ni Baron ng kagatin siya nung Zombie sa paa.
"I-iwan niyo na ko!!" sigaw niya habang hawak pa din siya, nila Ranz at Niel yung braso niya.
Si Baron na din yung nagpwersa na alisin sa braso niya yung kamay nila Niel at Ranz. "Paalam sainyong lahat!"
Nakita namin kung papaano siya pinagkakagat ng Zombie, hanggang sa natabunan na siya at hindi na namin siya makita.
"Guys kailangan na natin umalis dito." sabi ni Rhaniel, habang nangingilid na yung luha sa mata niya.
Nandito kami ngayon sa bubong ng School namin.
"Saan nga pala tayo pupunta?" tanong ni Shiela habang pinupunasan yung luha na tumulo sa pisngi niya.
Maging ako ay hindi ko na rin napigilan pang hindi maluha sa mga nangyayari.
Napatingin ako sa mga kasama ko, yung iba umiiyak pa din. Lalong-lalo na si Phires. Mukhang sinisisi niya yung sarili niya sa nangyari kay Baron.
"Kailangan muna natin makahanap ng masasakyan." sabi ni Niel, habang pinapatahan niya si Angela.
"Ranz, ano na balak mo?" tanong ni Marc kay Ranz, habang nakaupo siya sa bubong.
Tumingin naman ako kay Ranz. Nakatingin lang siya sa malayo.
"Ano papakain na lang ba tayo sa mga Zombie?! Wala ka man lang plano!" naiinis na sambit ni Johnrey kay Ranz, dala na rin siguro ng frustrations niya.
Nakita kong hindi naman siya pinansin ni Ranz. Humarap lang si Ranz sa amin at tinignan kami isa-isa.
"Sino sainyo marunong mag-drive?" tanong ni Ranz.
"Ako." sabi ni Niel na nagtaas pa ng kamay.
Tumango lang si Ranz. " Okay pumunta kayong lahat doon sa Bus #5 at ako naman pupunta sa Guard house para kunin yung susi." Nagulat naman ako sa naririnig ko. Pupunta siya mag-isa? Hindi ko alam kung siraulo na ba'to o nababaliw na. Wala nga siyang panlaban tapos siya lang mag-isa.
"Ano ga--" hindi ko na natapos pa sasabihin ko nang makita ko yung balisong na nilabas niya, galing sa bulsa niya.
"Duon ko kayo pupuntahan at sa loob lang kayo." sabi ni Ranz.
Tumango lang kami kay Ranz.
Bago pa man kami umalis. Nakita ko si Ranz, na tumingin kay Kisha.
"Mag-ingat ka." pabulong lang pero narinig ko yung sinabi niya kay Kisha.
Nagsimula na kami tumakbo papunta sa likod ng school kung nasaan yung Bus #5 na sinabi ni Ranz.
Nang marating na namin yung likod ng school kung nasaan yung Bus #5 at halos tanaw na rin namin ito mula sa bubong.
Ang tanging problema na lang namin ngayon ay kung paano makakababa, dahil nasa bubong kami ngayon.
"Guys, pano tayo makakapunta diyan?"tanong ni shiela, habang tinuturo yung Bus.
"Doon oh, may hagdan." turo ni Johnrey sa hagdan na nakakabit sa bubong at patungong ground floor.
"Ako na muna ba-baba, i-checheck ko lang kung ligtas bang bumaba." sabi ni Rhaniel at naunang bumaba ng hagdan.
Ilang sandali lang nag-Thumbs up siya.
"Tara na." sabi ni Marc at bumaba na din siya.
Napansin ko naman na tulala lang si Phires, kaya naman nilapitan ko siya.
"Huwag mo sisihin sarili mo walang may gusto na mangyari yun." sabi ko habang inaalalayan ko siyang maglakad.
Nang maka-baba na kaming lahat. Naglakad na kami papunta sa Bus #5

"s**t! nakalock." sabi ni Niel na hindi mabuksan yung pinto.
Tumingala naman ako at may nakita akong bukas na bintana.
"Guys sino kaya abutin yun?" Tanong ko habang tinuturo yung bintana.
Nakita kong inaayos na ni Angela yung laylayan ng pantalon niya.
"Ako na tatalon." sabi ni Angela at tumalon na.
Ilang minuto lang bumukas na yung pinto nung Bus at agad naman kami nagsiakyatan sa Bus.

"Guys, magtago muna tayo sa ilalim ng mga upuan at walang gagawa ng anumang ingay ah." Sabi ni Rhaniel.
Nasa ilalim lang kami ng upuan. Habang si Niel nakatago sa driver seat para kung sakali daw na dumating si Ranz diretsong makakaalis na kami.
Ano na kayang nangyari kay Ranz? antagal niya kasing dumating.
Ilang sandali lang narinig namin na bumukas yung speaker ng school.
"Sana Guys, nasa loob ng Bus na kayo. Pakisarado muna yung pinto. Mamaya nandiyan na din ako." Boses ni Ranz yun ah. Mukhang nasa Property Office siya ngayon.
Sinarado ni Niel yung pinto at Maya-maya lang may narinig kaming tumutugtog sa Speaker.
Bigla naman nagsidatingan yung mga Zombies sa likod nung school kung saan may nakakabit na speaker.
"Shhh. walang maingay." Bulong ni Johnrey sa amin ng bigla kami magreact dahil sa dami ng zombies na nagpuntahan sa lugar namin.
Kaya tumahimik lang kami.
Kung pwede nga lang huwag na huminga ginawa na namin.
Nakakatakot. Naririnig namin yung pagwawala nung Zombie sa labas para lang maabot nila yung speaker na nakadikit sa dingding. May ilan ding bumabangga sa Bus, na mas lalo samin nagpakaba.