Chapter 3

768 Words
[Shiela's POV]  Nandito na kami ngayon sa tapat ng grocery. Nagpaiwan na muna sa Bus sila Ranz, Niel, Kisha, at Phires. Sila na lang daw magbabantay ng Bus at kay Jamea. Bago kami bumaba biglang nagsalita si Ranz "Paalala huwag na huwag kayo magpapaputok sa loob o gagawa ng kung ano man ingay, dahil panigurado ikakapahamak niyo iyon." Di ko alam kung paalala yun oh ano. Pananakot yata yun eh. Tumango na lang kami at bumaba na. Kaya naman napagkasunduan namin na maghiwa-hiwalay para makarami kami ng makuha. Bali kami ni Johnrey ang magkasama samantala si Rhaniel at Tasha naman ang magkasama ganun din sila Marc at Angela. Nandito na kami ngayon sa stall ng mga de-lata. kumuha na din ako ng basket para sa lalagyan. Bigla naman may bumangga sa stall ng de-lata sa kabilang side ng stall. "Akin na yung kutsilyo mo." sabi ni Johnrey, habang nakalahad yung kamay niya. Agad ko naman binunot kutsilyo sa bewang ko at binigay sakaniya. Habang umalis si Johnrey, kumuha na ako ng mga de-lata at nilagay na ito sa basket. Ilang sandali lang bumalik na din si Johnrey na puro dugo yung kamay niya. "Guard yung zombie, kaya kinuha ko na din yung batuta at baril niya."sabi niya at sinuksok na sa pantalon niya yung baril at batuta. Nakarinig naman kami ng putukan sa labas. "s**t! kailangan na natin umalis." sabi ni Johnrey at binitbit na yung mga basket. Nakita kong tumatakbo na palabas sila Marc at Angela. Pero nasaan sila Tasha? Napatigil naman ako sa pagtakbo ganun din si Johnrey. "Bakit?" tanong niya. Napalingon-lingon ako sa paligid. Pero wala talaga. Hindi ko sila makita. "Hoy! Shiela tara na!" sigaw ni Johnrey, pero hindi ko siya pinansin at tumakbo ako pabalik sa grocery. Nakita kong nanduon sila Tasha, nacorner ng mga Zombie. Agad ko naman binunot yung baril ko at pinaputok sa mga Zombie na papalapit kila Tasha. "Shiela sa likod mo!" Sigaw ni Tasha. Paglingon ko sa likod ko nakadapa na yung zombie. "Sinabe ko naman na huwag magpapaputok eh." sabi ni Ranz habang nakadagan at ginigilitan sa ulo yung Zombie. Matapos namin patayin yung mga zombie, lumabas na kami ng Grocery. Napatakbo kami ng mabilis  ng makita namin yung mga zombie, tumatakbo papunta sa bus namin. "Bilis!" rinig kong sigaw ni Niel. Kaagad pinaandar ni Niel yung bus ng makasakay kami. Bumalik na ako sa upuan ko. Ganun din naman ginawa nila. "Sa susunod huwag mo na gagawin ulit yun ah. Hindi ka bayani dahil prin--" napatigil si Johnrey sa sasabihin niya, para bang may pumipigil sakaniya na sabihin ito. Ang weird niya... "Saan na tayo ngayon?" tanong ni Niel habang nakatingin sa kalsada. Napatingin naman kami kay Ranz. Mukhang wala siyang balak magsalita, dahil nagtakip lang siya ng kamay sa mukha. Tumayo bigla si kisha, dahilan kaya sakaniya natuon ang atensyon naming lahat. "Sa bakanteng lote." Sabi niya at umupo. "Tama maggagabi na din at kailangan na muna natin magpahinga." pagsangayon ni Marc. Ilang sandali lang biglang tinigil ni Niel sa bakanteng lote, katulad ng napag-usapan. "Dito na tayo." sabi ni Niel at tumayo na mula sa pagkakaupo sa Driver's seat. Napatingin ako sa labas. Mukhang walang zombie dito, dahil na rin sa maaliwalas ang paligid at puno din ito ng mga d**o. "Tara na?" tanong ni Johnrey habang nakalahad yung kamay niya. Inabot ko naman yung kamay niya at sabay na kaming lumabas ng bus. Nakita kong nagaayos sila Marc at Rhaniel ng pangsiga. Naupo na kami ni Johnrey sa damuhan. Samantala sila Ranz, Niel at Angela ay matutulog na lang daw muna sila. Napatingin ako kila Phires. Nakakatuwa lang, dahil kasama niya ngayon ang kapatid niya. Naisip ko naman bigla sila mama. Kamusta na kaya sila? Maayos lang din kaya sila katulad ko? Gusto ko silang makitang maayos lang... Bigla naman may nag-abot ng panyo sakin. "Oh. Naluluha ka na eh." sabi ni Johnrey. "Hayaan mo. Alam kong maayos lang din sila katulad natin." sabi niya. "Ikaw, ba't hindi mo man lang naiisip yung pamilya mo?" tanong ko sakaniya. "Dahil alam ko na kahit nasaan man sila ngayon. Masaya sila, dahil buhay pa ako." sabi niya na nakangiti lang. Napatingin ako sa paligid ko. Kahit pa man nasa ganito kaming sitwasyon. Nagagawa pa din nilang tumawa at magsaya na para bang walang problemang hinaharap. "Oh. kain na." abot sakin ni Johnrey ng plato na may ulam at kanin. "Salamat." sabi ko at kinuha na yung plato na hawak niya. Ilang sandali lang napansin kong nagdidilim na kaya naman naisipan na ko ng pumasok sa bus para makapagpahinga. "Saan ka pupunta?" tanong ni Johnrey. "Magpapahinga na ako." sagot ko. Tumango lang siya. Naglakad na ako papasok ng biglang may pabulong na nagsalita. "Goodnight." Dahilan ng pagtigil ko sa paglalakad at liningon ko ito. Alam kong kay Johnrey, nanggaling yung boses na iyon. Napailing na lang ako at nagpatuloy na sa paglalakad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD