Chapter 6

976 Words
[Rhaniel's POV]  Ilang minuto na din kaming naglalakad, pero mukhang malayo nga talaga yung Gas Station na sinasabi nila. Salamat na lang at wala kaming nakakasalubong na Zombie sa daan. "Humanap kaya muna tayo ng masasakyan, mukhang mahihirapan tayo kung maglalakad lang." sabi ni Johnrey. Sumang-ayon kami at nagsimula nang maghanap muna ng masasakyan. "Dito oh!" sigaw ni Kisha, dahilan kaya nakuha niya ang pansin naming lahat. Paglapit namin, bumungad sa amin yung tatlong motorsiklo. Mukhang iniwan na lang ito dito, dahil naka-susi pa rin yung susi nito. Hindi na kami nagsayang ng oras at  kinuha yung mga motorsiklo na aming nakita. Sumakay na ako sa isang motor ganun din ginawa nila Shiela at Johnrey. "Ranz, iangkas mo na si Kisha." sabi ko habang may nakakalokong ngiti sa labi ko. Napatingin si Ranz sa akin at kay Kisha. "Ikaw na pre, lilikod ako para mabantayan yung likuran niyo baka  may biglang zombie na sumugod. " nawala din agad yung ngiti ko sa labi ng sabihin niya iyon. Edi wag! Siya na nga tinutulungan eh ayaw niya pa. "Ayaw pa kasing dumamoves." bulong ko. "May sinasabi ka?" nagulat ako ng marinig kong magsalita si Kisha. Angkas ko nga pala siya, nakalimutan ko. "Wala." sabi ko, natinuon yung pansin sa daan. Kaya ito kami ngayon, binabaybay yung kahabaan ng kalsada. Nasa unahan namin si Johnrey, dahil kabisado niya yung daan habang angkas niya si Sheila. Ako yung nasa gitna habang angkas ko si Kisha at nasa likod naman namin si Ranz na nakasunod lang sa amin. Habang binabaybay namin yung kalsada biglang may zombie na lumabas sa gubat kaya naman iniwasan namin ito, kaso bigla itong nakakapit sa braso ni Kisha. "Rhaniel!" rinig kong sigaw ni Kisha. Shit! Binilisan ko lalo yung takbo ng motorsiklo ko, kaso wala pa din nakahawak pa din yung Zombie. Napatingin naman ako sa side mirror ko. Nagulat ako nang biglang binato ni Ranz yung balisong niya. Pagkakita ko sa Zombie nakabitaw na at head shot pa! Napailing na lang ako sa ginawa ni Ranz. Delikado yun mamaya iba tamaan niya. Natatanaw ko na din yung Gas Station hindi na ito malayo sa amin.  Bumaba na kami sa aming mga motorsiklo. Shit! andae palang Zombie dito. Biglang nagsitinginan sa amin yung mga Zombie, mukhang mga gutom ito. Napaatras kaming lahat. "Guys, bumalik kayo! Dali sakay!" sigaw ni Ranz, habang nakasakay sa motorsiklo. Nagmamadali kaming bumalik sa aming motorsiklo at pinaandar pabalik sa daanan. Nakita kong nag-iba ng direksiyon si Ranz, dumiretso siya. Dahilan kaya hinabol siya ng mga zombie. Napailing na lang ako. "Baliw talaga." sambit ko. Napatingin ako sa side mirror, kaunti nalang yung humahabol sa amin. Hindi kumpara kay Ranz na hindi mabilang. Agad kong sinenyasan si Johnrey, mukhang nakuha naman niya yung gusto kong ipahiwatig. "Kisha, humawak ka ng kutsilyo at iwasiwas mo sa mga zombie na dadaan sa gilid." sabi ko. Ganun din yung ginawa ni Sheila. Matapos namin makakuha ng tyempo agad kong minaniobra yung motorsiklo, pabalik sa Zombie at tinodo ko yung speed ganun din yung ginawa ni Johnrey. Sabay naming binangga yung mga Zombie na humahabol sa amin. Matapos namin banggain. Dumiretso na kami sa Gas Station. "Nice Guys!" masaya kong sambit. Hindi namin naabutan doon si Ranz. Mukhang nakain na si baliw. Agad kaming nagpuno ng dalawang Gallon, para na rin kung sakaliman na maubusan ulit kami. "Nasaan na si Ranz?" tanong ni Kisha. Asus nagaalala. "Oonga nasaan na yun?" tanong naman ni Shiela. "Huwag kayong mag-alala. Alam ni Ranz yung ginagawa niya." sabi ko at sumakay na. "Sana nakain na s--ouch!" Pagdaing ni Johnrey sa kurot ni Sheila. Napailing na lang ako. Ayaw pa mag-aminan! Halata naman sa kanilang dalawa. Umandar na yung motor nila kaya naman sumunod na ako sa kanila. Habang binabaybay namin yung kalsada may naririnig kaming pagharurot ng motorsiklo mula sa likuran, kaya naman napatingin ako sa side mirror. Anak ng tipaklong! Si Ranz, may mga pasalubong nakasunod sakaniya. "Bilisan niyo!" Sigaw ni Ranz habang pinahaharurot yung motorsiklo niya. "Tarantado ka Ranz! Hindi mo naman sinabi na may pasalubong ka!" Sigaw ko habang tinotodo na yung bilis ng motorsiklo ko. "Di ko kasi naligaw!" sigaw niya upang marinig namin yung sinasabi niya. Napailing na lang ako. Malapit na kami sa Bus, kung nasaan sila Tasha. Pero nakasunod pa din samin yung mga Zombie. Nakita kong nilalagyan na ni Johnrey ng Gas yung Gas ng Bus, kaya doon na ako tumigil sa tapat ng pintuan. Bumaba agad si kisha at pumasok. Nakita kong si Johnrey na pumasok na, samantala si Ranz kakababa niya palang mula sa Motorsiklo at pumasok. "Niel paandarin mo na!" Sigaw ko. Agad naman pinaandar ni Niel, kaso nahihirapan siyang imaniobra, dahil na rin sa mga Zombie humaharang sa daanan. Biglang inatras ni Niel, kaya muntikan na kaming ma-out of balance. "Hawak!" Sigaw niya habang inaatras at bigla naman niya minaneobra padiretso hanggang sa mapunta kami sa kalsada. Huuu! Buti naman nakaalis na din. Naupo na ako at napapikit, dahil sa sobrang pagod. "Nasaan si Phires?" rinig kong tanong ni Sheila. Kaya naman napadilat ako. "Wala na siya." rinig kong sabi ni Marc, habang nakayuko. Kinuwento naman samin ni Angela yung mga nangyari. Nakakaawang isipin para sa batang katulad ni Jamea. Puro iyakan naman ang narinig ko sa paligid. Haiysst! Kailan ba ito matatapos? "Saan na tayo pupunta ngayon?" tanong ni Niel habang nakatingin sa kalsada. "Mall." napatingin kaming lahat sa nagsalita, si Angela. "Kailangan na natin magpalit ng suot at kumuha na rin tayo ng stock natin duon." pagpapaliwanag niya. Sabagay tama nga siya kailangan na namin magpalit, dahil puro dugo na rin yung suot namin. Bigla naman tumayo si Ranz at may pinakitang notebook sa amin ang pangalan ng notebook ay Project Zombierus. Sinabi niya rin na hindi lang Fast at Slow Zombie ang makikita at makakaharap namin. Katulad na lamang yung nangyari kay Phires, hindi karaniwan na Zombie kung hindi isang Jockey at hindi ito tinatablan ng bala, dahil mamatay lang ito kapag pinugutan ng ulo o pinutulan ng mga braso. Mas natakot naman ako nung pinaliliwanag niya na ang ibang mga Zombie, dahil hindi sila basta-basta. Sa kaunting pagkakamali mo lang pwede mo ng ikamatay iyon. "Nandito na tayo." Pagaanunsiyo ni Niel.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD