[Marc's POV]

Napamulat ako ng mata ko, matapos ko maramdaman ang sinag ng araw na nagmumula sa bintana.
"Umaga na pala." Bulong ko sa aking sarili. Tumayo na ako at nag-unat ng katawan. Uhmm.. Napalingon naman ako sa mga kasamahan ko.
Teka parang may kulang? Nasaan si Ranz at Kisha?
Agad akong naglakad palabas at nakita ko din agad sila. Natutulog si Ranz, sa d**o nang nakaupo habang nakasandal yung ulo niya sa Bus. Samantalang si Kisha naman nakasandal sa braso ni Ranz, habang tulog din.
Hindi ko alam kung bakit bigla ako nakaramdam ng galit.
Ano ba tong nararamdaman ko? Parang may pumipigil sakin para huminga.
Minabuti ko na lang pumasok ng Bus. Saktong nakasalubong ko si Angela, na kakagising lang din.
"Nasaan sila Kisha?" tanong nito, habang kinukusot pa yung mata niya.
"Nasa labas natutulog." sabi ko at nilagpasan na siya.
Nakita ko sa peripheral vision na bumaba si Angela palabas ng bus. Habang naglalakad ako pabalik sa upuan ko, biglang may humawak sa braso ko dahilan para ako ay mahinto sa paglalakad.
"Nagseselos ka no?" tanong ni Niel, habang may ngiting nakakaloko.
"Huh?" sagot ko na naguguluhan sa tanong niya, kahit alam ko ang tinutukoy niya.
"Wala. Wala..." aniya at binitawan na yung braso ko. Dumiretso na lang ako sa upuan ko.
Ilang sandali lang ay pumasok na din sila Kisha, nagpunta sa upuan nila at umupo.
Naramdaman ko, yung pagbuhay ni Niel sa makina ng Bus.
"Saan na tayo ngayon?" tanong ni Niel, habang minamaneobra yung Bus palabas ng bakanteng lote.
Bigla naman kami tumigil at namatay yung makina ng Bus.
"Mukhang hindi ko na kailangan pang tanungin, dahil wala na tayong gas." sabi ni Niel at napatayo sa kinauupuan niya habang napapakamot sa ulo niya.
"Saan ba may malapit na gasolinahan dito?" tanong ni Johnrey.
Napaisip naman si Niel. Kahit kami ay ganon din. Nagiisip kung saan nga ba.
"Meron akong nadaanan na Gas Station pero malayo yun, kung tatansyahin ko, Hindi siya kayang lakarin dahil delikado." sabi naman ni Niel.
Naalala ko na din. Oo, meron nga kaming nadaan kanina pero hindi nga malapit iyon.
"Sino mga sasama? Kailangan lima lang para may maiiwan kahit papaano para magbantay sa Bus." sabi naman ni Johnrey.
Nagtaasan naman sila Shaila, Rhaniel, Kisha at Ranz.
Naghanda na sila ng mga kagamitan, para panlaban nila kung sakaliman na may Zombie silang makasagupa.
Bago pa man sila bumaba may biglang inabot sakin si Ranz. Ewan ko ba't hindi ko maiwasan na hindi magalit at mainis sakaniya.
"Kakailanganin niyo to." sabi niya habang inaabot yung notebook na 'Project Zombierus' yan ang nakalagay na pangalan. Hindi ko naman alam kung ano iyon, kaya kinuha ko na lang at bumaba na sila.
"Magiingat kayo!" rinig kong sigaw ni Angela.
Binuklat ko naman yung notebook. Doon ko nakita na marami papalang uri ng mga Zombie. Hindi lang Fast at Slow dahil marami papala sila.
Nagpatuloy lang ako sa pagbabasa.
Nakalagay din dito kung paano sila mapapatay at ano ang kahinaan nila.

Nasabi din dito kung saan ang parte ng Zombie ang dapat patamaan.
"Ano iyan?" Napatigil ako sa pagbabasa at tinignan kung sino ang nasa likuran ko. Si Phires lang pala.
"Notebook na binigay sakin ni Ranz, bago sila umalis. Tungkol ito sa mga iba't ibang uri ng Zombie" sabi ko, Habang nagpapatuloy sa pagbabasa.
"Nakakatakot naman basahin yan." sabi ni Phires, habang nakatingin lang sa notebook.
Matapos ko basahin ay binigay ko kay Phires yung notebook. Nagtungo ako sa labas para tignan sila Niel, Angela at Tasha, nagsasanay ngayon humawak ng kutsilyo at baril.
Nakita ko si Jamea, naglalaro ng d**o sa hindi kalayuan.
Ilang sandali lang lumabas na din si Phires.
Napatingin ulit ako kila Niel na patuloy pa din sa pagsasanay. Talagang pursigido silang mabuhay.
"JAMEA!!" Natingin naman ako sa kinatatayuan ni Jamea.
Meron isang Jockey, malapit kay Jamea.
Agad siyang pinaulanan ng bala nila Niel at ganon din ang ginawa ko.
Shit! Hindi nga pala yan tatablan!
"JAMEA TAKBO!" Sigaw ko, kasabay ng pagbunot ko ng kutsilyo sa bewang ko.
Napatigil ako sa paglapit nang biglang sumugod yung Jockey papunta kay Jamea.
Nakita ko si Phires na biglang hinarang ang sarili niya kay Jamea.
Sobrang bilis ng galaw ng Jockey at kay phires, siya napakapit nakita ko na lang na biglang kinagat ng Jockey sa leeg si Phires. Agad ko naman nilayo si Jamea na umiiyak na.
Sumugod ako papunta sa Jockey at agad na pinugutan ng ulo nito, dahilan kaya ito ay tumumba sa damuhan.
Napatingin ako kay Phires, napansin kong nanghihina siya.
"P-patayin m-mo na a-ako." sabi ni Phires na halata sa boses niya na nahihirapan siya.
Hindi ko kayang pumatay. AYOKO! Hindi ito pwede. Naramdaman ko, ang pagpatak ng luha ko.
"P-patayin mo na a-ako. B-bago pa ako m-maging katulad n-nila. A-alagaan n-niyo si J-jamea. Bi---grrha." Agad ko binunot yung baril ko at pinaputok na. Paalam Phires.
Narinig ko ang iyakan mula sa likod ko. Agad kong pinunasan yung luha ko at tumayo.
Naglakad ako papunta sa direksiyon ni Jamea, lumuhod ako upang maging kapantay ko si Jamea.
"Sorr---" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng bigla niya akong sampalin. Hindi man ganun kalakas, pero ramdam ko ang galit niya.
"B-bakit mo p-pinatay Ate ko!" sigaw niya, habang umahahagulgol sa iyak. Napailing na lang ako sa pinakita ng bata.
Marami pa siyang hindi alam. Nakakaawa dahil sa murang edad niya, nararanasan niya ito ngayon.
Ang hirap pala kapag alam mong may pwedeng mawala sa mga kaibigan mo. Isang pagkakamali lang, talagang pagsisihan mo ang lahat.
Naramdaman ko ang pagpatong ng kamay sa balikat ko, pagtingin ko kung sino si Niel. "Pre, walang gusto na mangyare ito. Huwag mo sisihin sarili mo." pagpapagaan ni Niel sa nararamdaman ko ngayon.
"Oh." may inabot siya sa akin, isang pala. Kinuha ko ito at pinunasan ang luha na patuloy yung pagtulo papunta sa pisngi ko.
Napag-usapan namin ni Niel, maghukay para sa ganon mabigyan man lang namin ng maayos na libing kahit papaano si Phires.
Habang naghuhukay kami, hindi ko maiwasan ang hindi maluha. Naiisip ko kasi para na akong isang criminal, dahil sa ginawa ko.
Matapos namin maghukay. Tinakpan ni Niel ng kumot yung katawan ni Phires at nilatag na namin siya sa hukay na ginawa namin. Kasabay nang paghagis namin ng mga bulaklak sa hukay.
Paalam Phires. Paalam...
Pumasok na kami sa loob ng Bus at sinarado ang pinto.
Hindi ko inaasahan na mawawalan ulit kami ng kaibigan. Sana hindi na lang ito nangyari. Wala na sanang magsasakripisyo ng sarili nilang buhay.