[Angela's POV]

Nandito na kami ngayon sa tapat ng Mall. Gaya ng sinuggest ko kanina.
Napag-usapan namin na apat, maiiwan sa bus. Kasama na sa apat na maiiwan sila Niel, Ranz, Tasha, Sheila at pati na rin si Jamea.
Palabas na ako ng bus nang bigla akong hinawakan ni Niel braso ko.
"Magiingat ka ah." Sus si Babe ko hehe. Naramdaman kong umakyat yung dugo ko. Shemay namumula pa yata ako.
Hinalikan ko na lang siya sa pisngi at bumaba na. Hindi ko naman mapigilan mapangiti.
Bumaba na din sila Marc, Kisha, Johnrey at Rhaniel. Napagdesisyonan namin na maghiwalay kaming lima upang makarami kami ng makukuha.
Ang kasama ko ngayon ay sila Marc at Kisha kami na yung nagpresintang kumuha ng pagkain, samantala sila Johnrey at Rhaniel naman sila na ang bahala sa mga damit.
Habang naglalagay kami ni Kisha ng pagkain sa basket. Nakaantabay naman si Marc kung sakaliman na may biglang sumalubong na zombie.
Hindi ko maiwasan na mangamba para bang may mangyayaring hindi maganda.
"May problema ba?" tanong ni kisha, halatang nagaalala siya. Nginitian ko lang siya at umiling.
Nagpatuloy lang kami sa paglalagay ng pagkain sa basket.
Napatigil ako sa paglalagay ng pagkain sa basket ganun din si Kisha.
Nakarinig kami ng ilang putukan at papunta ito sa direksiyon namin pero agad din ito nawala at lumagpas na yata sila. Mukhang sila Johnrey ang may pakana ng ingay.
Hindi ko mapigilan mangamba. Napatingin ako kay Marc, na humarap samin.
"Kailangan na nating umalis." Sabi niya at binitbit yung isang basket. Sumunod kami sakaniya dala yung ibang basket.
Kaso napatigil ako sa kinakatayuan ko, ganun din sila Kisha nang makita namin na marami ng Zombie ang nasa paligid namin.
"Magtago tayo." bulong ni Marc at naglakad na. Kaya sinundan namin siya.
Bigla ko naalala yung sinabi ni Ranz, na binalaan kami na huwag gumawa ng anumang ingay noong nandoon pa kami sa Grocery.
Mukhang nakalimutan yata nila Johnrey iyon.
Dito kami dumiretso sa stock room. Wala din naman kami nakitang Zombie sa loob kaya dito na muna kami mananatili.
Nakarinig ako ng ingay mula sa kabilang bahagi ng pinto. Hindi siya actually na pinto dahil hinaharangan lang ito ng parang kurtina yung pinaka pintuan.
Nanginig naman bigla yung mga paa at binti ko.
"Huwag tayo gagawa ng ingay. Mas lalong huwag na huwag niyo gagamitin yung baril niyo." Bulong ni Marc. Habang hawak niya yung kutsilyo niya, kaya naman binunot narin namin ni Kisha yung kutsilyo namin.
Nakatingin lang ako sa may pintuan, dahil nakita namin na may zombie na nakatambay mula sa likod ng kurtina.
Nakita kong lumapit si Marc sa pintuan at nagtago sa gilid ng nito.
Biglang tumingin yung zombie sa kurtina. Mas lalo naman akong kinabahan.
Nagulat ako sa biglaang talon ng zombie papunta direksiyon namin.
Hindi ko naman napigilan na hindi mapasigaw at ganun din si Kisha. "Wahhhhh!!"
Agad naman hinila ni Marc yung zombie at ginilitan sa ulo.
"Kailangan na natin umalis." Binitbit na niya ulit yung basket at ganun din yung ginawa namin.
Nakarinig kami ng mga alulong at ingay ng paa, tila ba nag-uunahan ang mga itong makapasok sa stock room.
"Kisha!" Napatingin kami sa sumigaw, si Ranz nasa taas sa gilid ng stock room. Ngayon ko lang napansin na may daan pala papunta sa taas
Agad ni Ranz, binaba yung hagdan.
Tumakbo na kami papunta sa hagdan at umakyat.
Nakita ko na rin ang pagpasok ng mga zombie mula sa kurtina. Isa lang ang masasabi ko yun ay SOBRANG DAMI NILA!
Habang umaakyat kami, naririnig kong pinapaulanan ng bala ni Ranz, yung mga zombie na gustong umakyat.
Nakaakyat na din kami sa wakas. Pero imbis na tanungin namin siya kung paano niya kami nahanap. Tumakbo kami kaagad sa pinto at sinarado ito ni Ranz.
Naandito kami ngayon sa pinakataas na palapag ng Mall na kung saan ang sahig nito ay gawa sa bakal na may maliliit na butas. Talagang kita mo talaga yung super market sa baba at pati na din yung mga zombie na patuloy lang na tumatakbo patungong stock room.
Mabuti na lang talaga naligtas kami ni Ranz, dahil kung hindi baka isa na kami sa mga zombie ngayon.
Hindi ko na mapigilan pang hindi magtanong kay Ranz.
"Paano mo naman nalaman na nandun kami sa stock room?" tanong ko, kaya naman napatigil siya sa paglalakad at ganun din sila Marc at Kisha.
"Habang hinahanap ko kayo, bigla ako nakarinig ng sigaw at hindi naman madali sakin na hanapin kayo dahil sa mga yan." Turo niya sa mga zombie, nasa baba.
"sensitive kasi masyado yung pandinig ng mga iyan kaya talagang inalam ko kung saan sila papapunta at iyon nga hindi ako nagkamali na sundan yung takbo nila." sabi niya. Hindi ko naman maiwasan humanga kay Ranz, dahil kahit papaano nagagawa niya pa rin mag-isip kahit nasa delikadong sitwasyon na kami.
Isa lang talaga masasabi ko. Isa siyang Positive thinker. Na kahit gaano kahirap yung mga balakid basta may malinaw siyang pag-iisip walang duda. Masosolusyunan niya iyon.