Chapter 8

1439 Words
[Ranz's POV] Naiwan kaming lima dito sa loob. Napatingin naman ako kila Sheila at Tasha na inaaliw ang bata na si Jamea. Nalipat naman ang tingin ko sa Mall hindi ako pwede magkamali narinig ko ang mga putok ng baril. Napaka tigas ng ulo! Sambit ko sa aking isipan. Nakita kong patakbo na dito sila Johnrey at Rhaniel pero teka! Nasaan sila Kisha?! Inaabangan kong lumabas ng Mall sila Kisha pero wala! Nang makasampa sila Rhaniel at Johnrey sa Bus agad ko silang tinanong. "Nasaan sila Kisha?!" Hindi ko na maiwasan hindi mapasigaw. Dahil na rin sa pagkataranta. Baka kung ano na nangyare sakanila. Nagkatinginan naman silang dalawa at nakita ko ang pagsampal ni Johnrey sa sarili nila. Spell TANGINA! Nilang dalawa! Agad ko naman binulsa yung dalawa kong baril at nilabas yung balisong ko na kinuha ko ulit ito matapos ko ibato sa ulo ng Zombie na nakahawak sa braso ni Kisha. Nakita ko naman napatakbo na dito yung mga zombie kaya hindi na ako nagsayang pa ng oras Bago ako bumaba sinabihan ko sila Niel na pumunta sa Simbahan ng Antipolo at wala na akong naisip pang lugar kung hindi iyon. "Ranz." Napatingin naman ako kay Niel. "Huwag mong pababayaan si Angela." sabi niya at nakita ko naman sa mata niya na ang pagaalala. Talagang mahal na mahal niya si Angela. Kaya naman tumango ako. "Oo pre pangako dadalhin ko silang ligtas sa simbahan. Sa ngayon umalis na kayo agad bago pa kayo maabutan ng mga Zombie dito at mahihirapan ka pang makalabas." sabi ko at bumaba na. Tinignan ko naman sila na tuluyan ng paglayo ng bus. Agad na akong pumasok sa Mall pero imbis na sa harapan ako dumaan para makapasok mas pinili kong dumaan sa likod ng mall kung nasaan ang daan papunta sa pinakaitaas ng mall. Habang naglalakad ako may mga ilan akong nakasalubong na zombie. Agad ko naman ito pinatumba dahil wala na dapat akong sayangin na oras. Habang naglalakad ako sa taas. Tinitignan ko naman yung mga nasa baba pero bigo akong makita sila Kisha, dahil puro zombie lang nakikita ko sa baba. Nakarinig naman ako ng sigawan. Hindi ako pwedeng magkamali kay Kisha ang sigaw na iyon. Agad naman akong sumilip sa baba at hinahanap kung saan, pero wala bigo pa din akong makita sila. Napansin ko naman na nagsitatakbuhan yung mga zombie papunta sa storage room. Kaya naman hindi na ako nagsayang pa ng oras at agad kong sinundan kung saan tumatakbo yung mga zombie. Pagbukas ko ng pinto sa itaas hindi ko akalain na tama ang ginawa kong pagsunod sa mga zombie, dahil nakita ko sila Kisha nasa baba. "Kisha!" sigaw ko mula sa kinatatayuan ko ngayon. Napatingala naman sila sa akin. Tumingin ako sa paligid ko para maghanap ng paraan kung paano sila makakaakyat. Nahagip naman ng mata ko yung hagdan sa gilid. kaya naman ibinaba ko na kaagad yung hagdan. Napansin naman nila yung hagdan na binaba ko kaya tumakbo na sila papunta sa hagdan at umakyat. Binunot ko yung baril sa bulsa ko at pinaputukan yung mga Zombie na umaakyat sa hagdan. Matapos nilang umakyat agad naman kaming tumakbo papunta sa pinto at sinarado ito. Habang naglalakad kami biglang nagtanong si Angela. Kung paano ko sila nahanap at ayun sinabi ko sa kanila kung paano sila nahanap. Sinabi ko na din sakanila na pinauna ko na sila Niel sa Simbahan ng Antipolo kaya kinakailangan na namin pumunta doon dahil doon kami magkikita-kita. Lumabas naman na kami ng Mall pero imbis na sa harapan ng Mall kami lumabas. Mas pinili pa namin na sa parking lot kami magpunta at para na rin may masakyan kami papunta sa simbahan. Nandito na kami ngayon sa parking lot at bitbit pa din nila yung mga basket. Napatigil naman kami sa paglalakad ng may narinig kaming yapak ng paa. Dumapa naman ako sa sahig para masilip sa ilalim ng kotse kung kanino galing yung yapak na narinig namin. Nakita ko yung sapatos nung naglalakad. Hindi naman ito kalayuan sa pwesto ko at kung pagmamasdan yung sapatos mukhang isang guard ito ng Mall. Agad ko silang sinenyasan na huwag gumawa ng ingay para hindi kami mapansin. Naglakad na ako patungo dun sa sa pwesto nung guard at patago lang ako lumapit dito. Nakita ko naman yung hawak nung guard, isa itong baril pero ang ipinagtaka ko may silencer ito mukhang nakagat lang siya ng ibang zombie dahil na rin sa nakita kong kagat nito sa may leeg. Bigla naman pumasok sa isip ko yung Jockey. Sa tingin Jockey ang kumagat dito. Pinakiramdaman ko naman yung paligid baka nasa paligid lang din yung Jockey, pero wala naman akong narinig na kakaibang tunog maliban na lang sa guard na nasa harap ko ngayon. Naglakad naman ako ng tahimik papunta sa likod nito. Laking gulat ko ng bigla itong humarap at ngumiti sakin, pasin ko rin ang mata nito na may bilog na itim pa. I-ibig ba nito sabihin hindi pa siya Zombie??? Napatigil naman ako sa kinatatayuan ko at nakita ko ng bigla niyang pagtutok sa akin baril at kaniya ito kinalabit. Hindi na ako nakailag pa at tumama na lang ito sa tagiliran ko. "Agh.."pinigilan ko ng gumawa pa ng anumang ingay. Napatingin ako sa tagiliran ko na patuloy lang ang pagtulo ng dugo. Pinilit kong tumakbo palapit sa guard at hinawakan ko kaagad yung baril niya. Bigla naman nagiba yung mata niya at naging all white na yung mata niya. Tinutok ko na yung baril niya sa ulo niya at ako na ang kumalabit nito. Tuluyan naman lumuwag ang pagkakahawak niya sa baril at tumumba na siya ng tuluyan sa sahig. Naglakad na ako pa balik at nahagip ng mata ko ang nakahandusay na Jockey sa sahig. Naglakad na ako papunta kila Kisha, paglapit ko. Nakita kong nakatingin sila sa tagiliran ko. "Okay lang ako huwag kayo magalala." sabi ko at pilit na ngumiti. Naghanap na kami ng masasakyan. Habang naglalakad kami hindi ko maiwasan mapaaray sa sakit. Nakita ko naman sa peripheral vision ko na nakatingin sakin sila Kisha sa tuwing mapapaaray ako. Ngumiti na lang ako sakanila para hindi na sila magalala pa. Matapos namin makahanap ng masasakyan. Mabuti na lang at may sasakyan dito na naiwan at pati yung susi naiwan din sa loob ng saksakan ng susi. Si Marc na ang nagdrive ng sasakyan. Samantala doon ako umupo sa shotgun seat para ituro sakaniya ang papunta sa simbahan. Nanghihina na ako mukhang hindi ko na kakayanin pa. Mukhang madami na din ang nawalang dugo sa katawan ko. Nakita ko sa rear mirror na nakatingin lang sakin sila Kisha at Angela. Ngumiti naman ako kahit alam kong pilit na pilit lang iyon. Ilang sandali lang nakarating na din kami sa simbahan at nakita ko yung Bus nasa tapat ng simbahan mukhang inaantay talaga nila kami. Napapikit na lang ako matapos maramdaman ko yung sakit. Konting tiis na lang sabi ko sa sarili ko at bumaba na ganun din naman sila. Nauna ng naglakad sila Kisha at Angela samantala nakasunod naman kami sa likod nila. Napatigil ako sa paglakad at ganun din si Marc. Dahil may lumipad na kotse sa harapan namin at biglang tumama ito sa isang building na nasa tabi namin. Hinanap ko kung saan nanggaling yung kotse at nakita ko din naman yung bumato nung kotse. Isa itong Tanker na mas malaki ito sa inaahan kong laki niya. Agad kong binunot yung baril ko. Nakaramdam ko ang p*******t ng tagiliran ko, pero binaliwala ko lang yung sakit at kinuha ko na yung natitira kong lakas. Pinaputok ko na yung baril ko papunta sa Tanker, nakita ko naman na tinamaan ito sa ulo. Bigla na lang ito tumumba. Hindi ko inaasahan na ganon lang siya kabilis na mapatumba. Nabitawan ko na ang baril ko. "Aghh!!!!" Hindi ko na kinaya pa yung sakit. Napahawak na ako sa ulo ko. Piling ko umiikot na yung mundo ko. Dumidilim naman na yung paningin ko. Napaluhod na ako sa sakit. Naradaman ko na lang ang paghiga ko sa sahig. "RANZ!!!" "RANZ!!!" "RA---" Mga sigaw nila na unti-unti ko ng hindi marinig at lumalabo na din ang aking paningin. Hanggang sa tuluyan na akong napapikit. Pagdilat ko puro puti ang nakikita ko sa paligid. Kahit saan ako tumingin. May naaninag naman ako teka ba't nasa classroom ako? Nakita ko din yung pagkuha ko kay Jamea sa cabinet. Yung pagpatay ko sa Zombie na muntikan ng kagatin si Sheila. Habang kausap ko si Kisha at pareho kaming nakatulog. Kabaliwan kong ginawa yung pagpapahabol ko sa mga zombie habang nakasakay ako sa motor. Hanggang sa pagpasok ko sa loob ng mall. Kaharap ko yung guard na binaril ako sa tagaliran. Nakasakay na kami sa kotse. Hanggang sa nakarating na kami sa Antipolo Nakaharap kami sa Tanker. Bigla na lang dumilim ang lahat at wala na din akong makita. Eto ba yung sinasabe nila na magfaflashback sayo lahat ng bagay bago ka mamatay? Hindi ako mamatay! Hindi! Gusto ko pa siyang makita! Gusto ko pa siyang makasama...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD