Chapter 9

968 Words
[Shiela's POV] Isang putok ng baril ang narinig naming lahat. Nagulat na lamang kami ng biglang bumagsak si Ranz sa lupa. Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. Nakita kong tumakbo na sila Johnrey papunta kay Ranz kaya naman tumakbo na rin ako. Habang papalapit ako naririnig kong umiiyak na sila. Hindi ko na rin mapigilan ang mapaluha sa mga nangyayari. "RANZ!!!" mga sigaw nila. Patuloy lang kami sa pagiyak. May ilan na pinipilit gisingin si Ranz. Napatigil ako sa pagiyak ng may maramdaman akong napakalakas na hangin. "Hello! Wala ba kayong kagat!?" Napatingin naman ako sa nagsalita, nasa isang helicopter siya at nakasuot ng pansundalo. "Wala! Tulungan niyo! Kami! May nabaril dito!" Sigaw ni Johnrey. Agad naman sumenyas yung sundalo na maghintay lang kami. May bumaba na dalawang sundalo. Gamit yung hagdan na gawa sa tali. lumapit naman yung sundalo sa amin. "I'm Sheron. I'll take care of him." sabi nung sundalo na matangkad at lumapit na sa nakahigang si Ranz. "He's still breathing. We need to bring him immediately to the camp." Sabi ni Sheron at nagpatulong sa kasama niya para buhatin si Ranz. "Guys, sasamahan ko na lang kayo papunta sa camp. Kailangan na kase ng kasama niyo na malagyan ng dugo kaya papaunahin na namin siya sa camp." Napatango na lang kaming lahat. Naidala na nila si Ranz sa helicopter at bumaba ulit yung kasama ni Sheron. Sumakay naman kami sa Bus namin si Niel ang nagdrive nito samantala nasa tabi naman niya yung sundalo para ituro kung saan kami dadaan. Ilang sandali lang narating na namin yung camp nila. Puro tent ang makikita dito. Halos lahat ng nakikita kong tao dito ay nakasuot ng pansundalo. Bumaba na kami sa bus at naglakad na kami papunta sa camp. Napatigil kami sa paglalakad ng tumigil yung sundalo na kasama namin na nasa harapan. "Guys, ako nga pala si Paolo at tsaka hindi kami lahat sundalo dito ah. Iilan lang." sabi niya at nagpatuloy na sa paglalakad. "Shiela, may masama akong pakiramdam dito." bulong ni Angela ng makalapit sa akin. "Anong ibig mong sabihin?" naguluhan naman ako sa sinabi niya. Nagkibit-balikat na lang siya. Siguro ibig niyang sabihin na may masamang mangyayari sa pagstay namin dito sa camp. Pero sana naman wala. Habang papasok kami may mga nakakasalubong kaming mga taong nakasuot ng pansundalo. "I'm glad. All of you get here safe. Your friend is now in stable condition, but he is still resting or easier for all of you to understand he is in the state of comatose." Napatingin naman kami sa nagsalita. Si Sheron. Kinatakot naman namin ng marinig namin na comatose si Ranz dahil ilang araw pa ang dadaan bago siya magising or hindi na siya magigising pa. Umalis din naman kaagad si Sheron. "Guys, hatid ko muna kayo sa tent niyo. Huwag kayong magalala sa kaibigan niyo alam kong hindi siya susuko." sabi ni Paolo at nagpatuloy na kami sa paglalakad. Napatingin naman ako sa paligid ko. Puro masasayang tao nakikita ko. Hindi mo iisipin na may mga dinadala silang problema. Yung iba naman kasama nila yung pamilya nila. Naalala ko tuloy mga magulang ko at kapatid ko kamusta na kaya sila? Napatigil naman ako sa paglalakad ng may humawak sa kamay ko. Napatingin naman ako kung kaninong kamay iyon. "Naiiyak ka nanaman eh." sabi ni Johnrey habang hawak yung kamay ko. Napangiti naman ako. "Guys, ito na yung tent. Kung may kailanganman kayo huwag kayong mahihiyang tawagin ako." sabi niya at iniwan na kami Pumasok na sila sa loob ng tent at nilagay na din nila yung ilan nilang dalang gamit. Napatingin naman ako sa pwesto ni Marc na nakatingin lang kay Kisha. Parang ibang iba yung tingin niya. Naramdaman ko na humigpit yung hawak sa kamay ko kaya napatingin ako sakaniya. "Tara? Sa labas?" Tumango na lang ako kay Johnrey. Naglakad lang kami hanggang sa nakarating kami sa dulong bahagi ng lugar. Kung titignan ito para akong nasa bundok dahil kita ko mula sa pwesto ko ang mga bahay na nasa ibaba. Umupo naman ako sa damuhan at ganun din si Johnrey. Napaka ganda ng tanawin. May mga ibon pa din akong nakikitang nagsisiliparan. "Ang ganda." sambit ko habang nakatingin lang ako sa tanawin. "Oonga ang ganda." napatingin naman ako sakaniya habang nakatingin siya sa'kin. Napayuko naman ako bigla. Shemay naramdaman ko na tumaas yung dugo ko papunta sa mukha ko. "Namumula ka ah." pangaasar ni Johnrey. Sinapak ko siya sa braso. Mahina lang naman pero umarte pa siya na sobrang nasaktan. "Andrama mo!" sabi ko habang natatawa dahil sa kunyareng nasaktan siya. Napatingin ako sa haring araw na papalubog na. Wow! Sunset na! Kitang kita dito sa pwesto namin yung paglubog na araw. Napangiti naman ako. Kahit pala sa simpleng bagay na ito mapapangiti ka pa din. "Tara na?" sabi ni Johnrey na tumayo na at nilahad yung kamay niya para itayo ako. Naglakad na kami pabalik ng tent at nakita namin na iba na yung damit nila. Nakasuot na sila ngayon ng pangsundalo. "Oh. Magsiligo na kayo at magpalit." sabi ni Marc habang inaabot samin ni Johnrey yung damit. Lumabas na kami ng tent para magpunta sa CR. Nakita ko naman si Jamea nakikipaglaro sa kapuwa bata. Nakakalungkot isipin na isang walang kamalaymalay na bata nakakaranas ng ganito. Imbis na puro kasiyahan lang ang nararamdaman niya. Puro kalungkutan na. Nagtungo na kami sa CR para maligo. Matapos naming maligo nagtungo na kami ni johnrey sa tent para kumain. Pagdating namin sa loob ng tent naghahanda na sila Kisha at Tasha ng pagkain. "Johnrey, inuman daw tayo mamaya sabi ni Sheron." rinig kong sabi ni Rhaniel habang kumakain na kami. "Sige lang." sabi ni Johnrey. "Ikaw din Niel at Marc." Nakita ko naman na tumango lang si Marc at Niel. Habang yung mga lalaki magiinuman kami naman mga babae napagusapan namin na dalawin si Ranz. Halos okay naman ang unang araw namin dito. Sana araw-araw na lang ganito. Yung tipong malaya kaming nabubuhay. Walang takbo doon, takbo diyan sa mga lintik na Zombie na iyan. Sana dumating ang araw na malaya na ulit kaming mamuhay. Yung wala na kaming problema kung paano kami mabubuhay sa pangaraw araw namin...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD