"It's been a long time since nawala ka ng parang bula." ani Margarette
Nagkatinginan kami ni Jerome na parang sinasabi magkakilala sila?
"Kilala niyo ang isa't isa?" magkasabay kaming nagsalita ni Jerome parehas silang dalawa tumigin sa amin.
"Yes!" nakita ko ang reaks'yon ni Jack na para bang may kung anong bagay silang naudlot noon. "Ay wow! Ang saya naman." kunwari akong ngumiti at pumalakpak.
"Kung hindi mo mamasamain, ako lang naman ang dati niyang nobya." nannalaki ang mata ko sa sinabi niya.
Sila? As in?
Tumingin ako kay Jack na nanlulumo.
"Margarette." sumabad si Jack
"Ay sige baka nakakaabala kami sa inyong dalawa aalis na kami see yah!" akma akong hahawakan sa braso ni Jack pero mabilis kong nahawakan ang kamay ni Jerome.
"Let's go Jerome." hinila ko ang kamay niya. "Vanelophie." tawag ni Jack pero hindi ko siya nilingon at binilisan ko ang paglakad ko.
"Enjoy kayo d'yan kami muna ni Vanelophie—" pinutol ko ang sinabi niya at malakas na piningot siya sa tenga. "A-aray!"
"Tara na kasi ang daldal mo."
"Oo na, goodluck guys see yah!" nilakasan ko ulit ang pag pingot sa kaniya. "Aray 'eto na kasi matatanggal ang tenga ko e." protesta niya habang hinahabol ako.
"May girlfriend pala si Jack sabi niya dati single siya tapos 'eto naman si Ate girl umeeksena, dapat kaming dalawa ang may happy ending Eh! Hindi sila ni Margarette." naiinis na inagaw ko ang Piatos na kinakain niya.
"Woah!" sinamaan ko siya ng tingin.
"Pati ba naman ikaw? Sitserya lang pinagdadamot mo pa?" inirapan ko siya at kumuha ng kapirasong Piatos.
"Antakaw mo talaga." usal niya
Jackxon's Pov
"Vanelophie." tawag ko sa pangalan niya pero hindi niya ako nilingon o tiningnan manlang.
Bakit Vanelophie?
"Hayaan mo siya kung umalis, edi umalis siya napaka-arte." mapaklang tiningnan niyang paalis si Vanelophie. "Anong karapatan mo para pagsabihan siya ng ganyang salita, Margarette?!" hinarap ko siya at hindi ako nagpadaig sa nararamdaman ko.
"Jack, sino ba siya sa buhay mo sabihin mo nga sa'kin?" lumapit ito at hinawakan ang aking kamay.
Bumagal ang salitang binitiwan niya sa isip ko. Sino ba siya sa buhay mo sabihin mo nga sa'kin?
"Hindi na mahalaga kung ano bang parte siya sa buhay ko, kailangan ko siyang sundan." akma akong aalis ng hinawakan niya ang braso ko.
"Jack hindi mo ba ako namiss?" sinseryo ang mga matang tumingin ito.
"Hindi." tinanggal ko ang kamay niya sa braso ko at naglakad. "Bakit ka umalis, bakit mo'ko iniwan?" napahinto ako sa paglalakad ng nagsimula siyang umiyak at nilingon ko mula rito ang inosente niyang mukha."Wala kang karapatan para umiyak dahil alam mo mismo sa sarili mo kung anong dahilan." saad ko at naglakad papalayo.
Nalaman niya ang pagkatao ko bilang isang sirena, pinandirihan niya ako at nilait, inilayo niya ako sa kaniya. At dahil roon nilisan ko ang kanilang Isla at pumunta sa pinaka ilalim ng karagatan kung saan ako nakatira. Nagmahal ako ng mortal na tao at hindi niya natanggap ang pagkatao ko. Makapangyarihan ang sinasabi nilang Pag-ibig na kapag nagawa mo ay hindi kana makakatakas pa rito. Umahon ako sa Dagat ng dahil sa isang misyon ang makuha ko ang ninakaw na kaluluwa ko sa kaniyang Ama na pinagkanulo ang kaniyang pagiging Sirena para maging mayaman.
Namatay kalaunan ito ng muling makuha sa kaniya ang kaluluwa ko. At hinahanap ko kung sino ang nagnakaw nito mula sa akin, tanging pala-isipan pa sa amin kung sino ang kumuha nito. Si Margarette ay hindi nito tunay na anak kaya wala itong bahid na Sirena o anumang kapangyarihan ng Sirena.
"Vanelophie."
Sinundan ko ang babaeng mahaba ang buhok na may hawak na Doraemon at hinawakan ang balikat nito pero nabigo ako hindi siya ito.
"Bakit pogi, hindi ako yung sinabi mong Vanelophie ako si Faye." inilahad niya ang kamay niya.
Kung magiging si Vanelophie kaman ang layo ng pagkakaiba niyong dalawa.
Mabilis akong tumalikod at naglakad palayo ng marinig ko ang sinabi nito.
"Sayang Pogi ka pa naman sana kaso ang sungit." bumuntong hininga ito at inikot niya ang kaniyang mga mata."Vanelophie nasaan kana ba?" hinanap ko siya sa kung saan pero nabigo ako wala siya roon.
"Miss."
"Bakit po?" nahinto siya sa pagkuha ng lobo. "May nakita po ba kayo na babae maganda mapunti parang model may hawak ng Doraemon?" tanong ko sa babae at hinarap ang Cellphone ni Vanelophie.
"Seryoso po kayo? Model yan diba?" ngumiwi ako
"Model?"
"Opo yan idol nga po yan e."
"Kilala mo?"
"Ay kaso nakalimutan ko yung pangalan niya."
Dejavu!
"Kilala ko yan e teka iisipin ko lang idol ko nga yan e." dagdag niya
"Tapos yan pa nga yung kasama nung mga gwapong sikat nung mga annyeonghaseyo..." hindi kuna pinakinggan ang sumunod na sinabi na babae ng may narinig akong boses ng babae hindi ako magkakamali si Vanelophie 'yon.
"Tulong! Tulong! Tulungan niyo ako, Ano ba bitawan mo nga ako Tulong!!" mabilis akong tumakbo papunta roon.
"Bakit magka-dugtong ang puso namin ni Vanelophie? Naririning ko siya pero hindi niya ako naririnig pero nararamdaman niya ako." naibulong ko sa sarili ko.
"Ano ba bitiwan niyo nga ako." habang palapit ako ng palapit ay palakas ng palakas ang sinasabi nito sumisigaw siya.
"SHSS! H'WAG KANG MAINGAY, SAGLIT LANG ITO."
"JACK, TULONG! TULUNGAN MO AKO." pagmamakawa niya.
Hinawi ko ang kamay ko sa hangin at bumuo ng malaking buhawi na sinabayan ng kulog at kidlat maraming tao ang takbuhan sa aking ginawa.
"Boss may malaking buhawi." natatakot na saad ng lalake sa kaniyang leader. "Dalhin niyo ang babae sa kotse." utos nito.
Hindi na ako nakapag pigil at ginamit ang malakas na buhawi sa gitna nila. Tumagal ang unos mahigit tatlong minuto. Hindi ko naririnig ang pagtibok ng puso niya kaya mabilis kong ibinaba ang kamay ko.
"Vanelophie.." inilagay ko sa kanlungan ko ang ulo niya. Ilang beses ko itong hinaplos sa mukha at tinapik tapik.
Pinulsuhan ko siya sa leeg at doon lang ako nakahinga ng maluwag. Buhay siya dahil hindi ko tinamaan siya ng malaking buhawi bagkus tinakluban ko siya ng kaunting tubig para hindi masama sa unos na ginawa ko. Ginamit ko ang kapangyarihan kong makapaglaho at dinala ko siya sa ilalim ng karagatan upang painumin ng isang mabisang gamot.
"Vanelophie kailangan mong magising, kailangan pa kita."
꧁꧂
Vanelophie's Pov
"Vanyeelowphiee." tinapik tapik nito ang mukha ko. Medyo slow motion ang pagtawag nito sakin.
Minulat ko ng kaunti ang mata ko at sumilay sa'kin ang inosenteng mukha ni Jack. Mabilis ko itong niyakap at humagulgol ako.
"J-jack may nagtangkang gumahasa sa'kin p-pero may buhawing dumating at niligtas ako ng isang bulang tubig." humigpit ang pagkayakap ko sa kaniya. "Ayos na ang lahat, h'wag ka ng mag alala." hinaplos niya ang mahaba kong buhok. Mahinang tinulak ko ang baywang niya
"Jack dito ka lang sa tabi ko, h'wag mo 'kong iiwan." tumango siya at hinawi ang mga luha ko gamit ang palad ko. "Dito ka lang huh." pang uulit ko at tumango ulit siya.
Bumago ang itsura ko ng maisip ko si Jerome na napuruhan sa pagtatanggol sa'kin kanina.
"Si Jerome.. Jack 'asan siya?" pag aalala ko. "Dinala siya nina Enzo at Kate sa Hospital." sagot nito
"Hys! Hindi ko nga alam kung paano tatakasan ang napakaraming lalake na nagtatangkang gahasain ako napalakas nila." tumingin ulit ako sa kaniya.
"Ang mahalaga nailigtas ki—Buhay ka at magpasalamat ka sa buhawing dumating dahil niligtas ka niya." nayukot ang noo ko at niyakap si Doraemon.
Nailigtas ki?
Nailigtas kita?
"Paano yung bula?"
"Hindi na'yon mahalaga ang mahalaga ligtas ka at walang nangyari sa'yong masama." paliwanag niya at akmang yayakapin niya ako pero tinulak ko siya.
"H'wag mo nga akong yakapin, may Margarette kana." iniripan ko siya.
"Hindi kita maintindihan."
"H'wag ka nang magmaang maangan pa, kakasabi lang niya kanina tapos itatanggi mo." tinusok ko ang matangos niyang ilong
"Tch!"
"Wala na kami—" parehas kaming nagulat ng may pumasok sa loob at nakita namin ang pagang mata ni Margarette
"JACK AYOS KA LANG?" nagulat ako ng niyakap niya ito.
"Magsama kayong dalawa, tch!"
"Wala akong pake."
"Talaga ba?"
"Talaga."
"Wala kang—"