Niña Guerero
Isang malakas na tunog ng barko na nagpagising sa aking pagkakaidlip. Hinawi ko ang maikli kong buhok at inayos ang aking bagahe, tumayo ako at inayos ang aking mga bagahe. Napahinto ako sa pag aayos ng may humawak sa kamay ko. Dahan dahan akong tumunghay at tiningnan kung sino ito.
"Let me help you Miss." napakunot ako at tiningnan ito mula pababa.
Matangkad ito sobrang payat, pang jeje ang pormahan at nakatsinelas ng spartan. May kwintas na pang rock star buhok na nakatusok na kapag may nalaglag butiki ay patay.
Anong pormahan yan?
"Ah hindi ako na lang." inagaw ko sa kaniya ang bagahe ko at ngitian siya.
"Hi ako nga pala si Sean." inilahad niya ang kamay niya pero hindi ko ito tinanggap at tumungo na lang ako.
"Nice too meet you, thank you." naiilang na tumunghay at tiningnan siya.
"Teka nagpakilala ako sayo tapos ikaw—" pinutol ko ang sasabihin niya ng magsalita ako.
"I'm Niña Guerero." tinanggal ko ang brown na shades ko at hinawi ang buhok ko.
"Writer? My idol? Niña?" hindi siya makapaniwala na nakaharap niya ang sikat na Writer. "Yes." tumango tango ako.
Alam kong hindi secure ang kaligtasan ko sa public place at baka pagkaguluhan ako kaya naisip kong pumunta sa hindi pa sikat na Isla sa buong mundo at ito ang Hiwaga Island. I'm curious kung bakit Hiwaga ang tawag dito samantalang wala namang kahiwahiwaga dito. Sabi nila ang Hiwaga Island ay isa sa makasaysayang isla, dito nila nakita ang pagmamahalan ng isang Sirena at tao. Dahil gusto kong makasiguro na may isla sa lugar na ito ay kasama rin ito sa pag buo ko ng kwento, Kwento kasi ito ni Lolo Jin noong bata pa kami ni Vanelophie.
The King of the Sea..
"Hala owmygod! Please lord kung nanaginip lang ako h'wag mo akong gigisingin." napaluhod ito at hinawakan binti ko.
Shit!
Pinagtitinginan kami ng tao kaya napa-face palm ako. Kahit pala sa hindi kilalang Isla may nakakakilala parin sa'kin. Napakunot ang noo ko ng maraming nagbulong bulungan.
"Magpo-propose yung lalake OMG!!"
"Hindi sila bagay Sis."
"Oo nga."
"Grabe nagmamakaawa na yung lalake."
"Sagutin muna girl."
"Kapag maganda at gwapo ang nagkatuluyan DESTINY! kapag panget at maganda ang nagkatuluyan SUMPA?"
Anong propose? Eh kakakilala ko lang dito tapos propose agad. OA niyo huh! Kung ayan ang makakatuluyan ko diyos ko mamatay na lang ako.
"H'wag dito." mahinang saad ko at pinatayo siya. "Niña please the Hottest Writer pa sign naman po ng Book niyo." biglang nagbago ang ekspresyon niya na parang iiyak?
"Give me my book."
Sumilay ang magandang ngiti sa kaniyang mga labi ng matapos ko ang pagpirma sa kaniyang biniling libro batay sa libro niya ingat na ingat siya rito parang babae. Natawa tuloy ako ng binuklat ko ang Back Page.
Pictures ko? Asawa?
"So, you are my silent reader?" mabilis siyang tumango "Yes po."
May umupo sa lamesa at sinamaan ko ng tingin. "Stupid! kinakausap ko pa ang reader ko." natuptop ko ang bibig ko ng nasa harapan ko ang..
"Sino may sabi sayong hawakan mo ang kamay ng girlfriend ko?" napahinto siya at tumingin sa'kin masama ang awra nito. "You are being rediculous, kinakausap ko pa ang reader ko." sigaw ko at kinuha ang bagahe ko bago umalis.
"Babe!" hindi ko na siya nilingon o kahit harapin manlang dahil ayokong tignan siya marupok ako.
Sa totoo lang, from the past few weeks hindi na ako kinakausap ni John dahil busy siya palagi sa ML lakas pa makapag-selos kapag may kakausapin akong lalake kahit pa pangit I mean yung hindi ko naman talaga magugustuhan eh pagseselosan. Buti pa si ML laging asikaso eh ako? Tch nagtanong pa ako, kaya lagi ko lang sinasabi sa sarili ko na sana mag break na lang kami ni John. Ang hirap ng relasyon namin walang oras para sa isa't isa.
꧁꧂
"Para saan 'yan." duro ni Kate sa niluluto kong Caldereta. "May bisita ako hulaan mo kung sino." kumuha ako ng kaunting sabaw sa niluluto ko.
Bumilog ang mata niya habang iniisip kung sino. Parating ngayon si Niña ang pinsan ko kaya pinagluto ko siya ng masarap na Caldereta ito lang ang alam kong lutuin nagpaturo pa ako kay Jack kung paano, mapasarap ang Caldereta noong una ayaw niya akong turuan pero pumayag narin siya. Syempre may kondisyon kaya siya pumayag. At ang kondisyon na'yon ay papayagan ko siyang mag day off dahil may kailangan lang siyang puntahan.
"Kilala ko ba siya?" mabilis akong tumango at hinalo ng mabuti ang kaldereta. "Oo." pero dahil slow si Kate ay sinabi ko na sa kaniya.
"Si Niña parating siya dito niya idaraos ang birthday niya." walang ganang sagot ko tiningnan ni Kate ang niluluto ko. "Anong lasa? Patikim nga." inagaw niya ang sandok na hawak ko at kumuha siya ng malaking tasa at naglagay siya ng maraming sabaw at karne.
"Anong klaseng tikim 'yan, lamon 'yan eh." angal ko pero patuloy parin siya sa pag ihip ng mainit na Caldereta. "Tamang-tama ito sa mainit na kanin kaya pahingi ng kanin." napataas ang kaliwang labi ko sa inasal niya.
Kumuha ako ng kanin sa kaldero at inilagay sa plato, kahit mapayat siya ang lakas niyang kumain lalo na sa Caldereta jusme! tapos ang usapan.
"Sumasarap na ang mga niluluto mo ano bang sekreto?" patuloy parin siya sa pag subo ng kanin kahit na kamay siya.
#Feel at home
Nakaramdam ako ng pag init ng pisnge sa sinabi niya. Tungkol roon ang masasabi ko ay si Jack ang nagturo sa'kin kung paano mapasarap ang Caldereta. Naalala ko tuloy ng hinawakan niya ang kamay ko sa paghalo ng Caldereta.
"Vanelophie." binatukan niya ako kaya inirapan ko siya. "Bakit?" naiiritang nilingon siya.
Panira ka ng moment eh, iniisip ko pa yung nangyari kagabi.
"Extra Rice." utos niya pero iniisip ko parin talaga si Jack.
Niyapos niya ako nung nagluto ako ilan beses rin kaming nagtama ang paningin at madalas niyang hinahawakan ang kamay ko.
"Extraaa Rice!"
"Ang tamang paggayat ng karne ay hindi pagalit malumanay para malambot sa bibig kapag kinain ito at dapat madahan ang apoy ganun ang sekreto sa pagluluto."
"Ganito ba Jack?"
"Hindi gan'yan ganito.."
"Nangangamoy sunog, Vanelophie sunog na ang niluluto mo.."
unti-unti siyang lumapit at hinawakan ang kanang kamay ko. Napapatingin ako sa mukha niya na sobrang napaka-anghel wala kang maihahalintulad sa kaniyang mukha kundi nag iisa lamang ito.
"Vanelophie." malakas na kutos ang natanggap ko galing sa kaniya kaya nagbalik ako sa ulirat. "Bakit ba?" inirapan ko siya at naiinis kumuha ng tubig.
"Sunog na ang niluluto mo aba." nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at pinatay ang stove "Bakit ngayon mo lang sinabi sa'kin?" puno ang bibig niya kaya patuloy ang pagpi-please sign niya tanda ng mamaya may laman pa ang bibig ko.
Inabutan ko siya ng tubig dahil hindi siya makahinga. "Yan napaka takaw kasi wala naman siyang kaagaw buti nga." pang aasar ko.
"Hak—kanina pa ako nagsasalita dito ika'y tawa-tawa mag isa parang t*nga." inirapan ko na lang siya at sinandok ko ang sunog na Caldereta.
"Tikman mo nga baka pumangit yung lasa." tumawa siya ng pagkalakas lakas kaya napatawa narin ako nakakahawa talaga ang tawa niya.
"Binibiro lang kita hindi 'yan sunog tch, sa hina ba naman ng apoy mo eh masusunog?" napanganga na lang ako at umirap ako. "Luto na 'yan." dagdag niya
Naalala ko nga pala bakit wala sa bahay si Yohan? Saan kaya nagsusuot yung bata?
"Nakita mo ba si Yohan ilang araw na siyang wala sa bahay ko." pang iiba ko ng usapan.
"Hala baka nagalit sayo, kaya umalis yung bata ikaw napakasama mo talaga." dinuro niya ako ng kutsara pumay awang ako at dinuro siya ng sandok. "Hindi naman siguro baka nagpunta sa kung saan-saan, kawawa naman ang bata wala na nga siyang magulang bihira pang ngumiti." ngumuso ako at tinanggal ang apron sa aking damit.
"Na kay Enzo siya inaalagaan niya 'yon magkasundo nga ang dalawa diba mga Hapon sila." napakunot ako at nilingon siya. "Ayaw niya sa bata paano sila magkakasundo?" tanong ko pabalik
May Phobia kasi si Enzo sa mga bata ang turing niya sa mga bata ay Stress nagdidilim ang paningin niya. Dahil may isa siyang pasyente na hindi nakasurvive sa Pneumonia isang bata ito na napalapit sa kaniyang loob palagi niya itong napapanaginipan at dinadatnan siya ng matinding lungkot kaya siya pumunta sa Korea ng dahil roon.
"Ikaw nga eh napamahal sa kaniya paano pa kaya si Enzo?" tumango na lamang ako at ngumiti.
Iba talaga ang karisma ng batang iyon walang makakatanggi sa kaniyang kakulitan. Parehas kaming napahinto sa ginagawa namin ng may kumatok sa pinto baka si Niña kaya ako na ang nagbukas.
"Pasok—" napahinto ako sa pagsasalita ng mapansin kong hindi ito si Niña.