"Ano boss kukunin ba natin kay Jack ang kaluluwa niya?" ikinasa nito ang baril at pinutok sa bulls eye.
"Hindi pa sa ngayon, darating din tayo d'yan." binuga niya ang usok ng sigarilyo "Alam mo ba kung saan siya nakatira?" tanong niya
"Nakatira siya sa bahay ni Vanelophie." maikling wika nito.
Maraming nagkalat na picture ni Jack sa dingding, Matagal nila itong sinusubaybayan dahil gusto nilang manakaw ang kaluluwa ng Sirena upang magkaroon sila ng buhay na walang hanggan. Kung sino man ang taong may ari nito ay magkakaroon siya ng buhay na walang hanggan.
"Malakas ang Sirena, lalo pa't hari siya ng karagatan. Hindi kakayanin ng ordinaryong tao ang kapangyarihan ng hari ng karagatan." salaysay nito at nagbuga ng usok ng sigarilyo. "Paano natin siya matatalo?" anas na tanong kasabwat nito.
"Sa ngayon wala pa akong alam para matalo ang Sirena." sumeryoso ito at tinignan ang mahabang Samurai na may lason.
"Makikipag-patintero tayo sa kaniya para mahanap ang kaniyang kaluluwa." tumawa ito at iniwasiwas ang espada sa hangin. "Ipagpatuloy mo lang ang pagmamasid sa kaniya." hinawakan niya ang balikat nito at umalis palabas.
Vanelophie's POV
"TEKA TAMA NA!" hinawakan niya ang kamay ko. "Bakit isda lang naman ito Ah." angal ko at dinagdagan pa ang chili sa isda.
"NASASAKTAN YUNG ISDA." sinamaan ko siya ng tingin. "Ang isda kinakain, maliwanag." pinagpatuloy ko ang pagpaypay sa inihaw na isda.
"KAWAWA NAMAN YUNG ISDA." narinig ko ang pag singhot niya. "Tiyak na malaking kaparusahan ito sa inang karagatan." napahinto ako sa pag paypay sa sinabi niya.
"Ano bang sinasabi mo Jack?" naiiritang nilingon siya "PAGKATAPOS MO SIYANG KAININ ILIBING MO SIYA NG MAY KAPAYAAN.." suminghot ito.
"Okey ka lang?"
"PAREHAS NATIN ITONG KAKAININ." nanlaki ang mata niya at napalunok siya. "Hahaha! Diba paborito mo yan kaya sayo na lang yan." halos takpan niya ang kaniyang mata sa sobrang pag kaawa sa isda.
Seryoso siya? Abnormal lang
"Taga saan ka bang lupalop ng mundo galing? At hindi mo alam ang pakain ng inihaw na isda?" kinuha ko ang tongs at sinipit ang isda. "UMIIYAK YUNG ISDA OH." napatingin ako sa kaniya.
"Hindi umiiyak ang isda, Jack." wika ko.
"Kainan-na, Yehey!" umupo ako napatingin ako sa kaniya na parang kinakausap ang isda.
Baliw 'ata.
"HAYAAN NIYO MGA ISDA HINDI KAYO SASAKTAN NI VANEL." hindi ko mapigilang matawa sa sinasabi niya. "Kinakausap niya talaga ang isda?" bulong ko.
Hinawakan niya ito ng bigla siyang napaso. "Aray,.." hinipan niya ang kaniyang daliri. "BAKIT MAINIT ANG ISDA?" napahinto ako sa pag sandok ng kanin.
"Malamang niluto." angil ko
"Tignan mo'ko kung paano kumain ng isda." nilakasan ko ang pag kuha sa laman nito. "DAHAN DAHANIN MO NAMAN NASASAKTAN SIYA." naawang tinignan ang isda.
"Tch!"tinignan niya ako kung paano kumain ng isda.
Hala kaloka!
Dumampot siya ng laman ng isda at isinawsaw ito sa toyo. Kinausap niya muna ang isda na parang magpapaalam.
"Isda patawarin mo ako kung kakainin kita." isinubo niya ito at halos di siya makapaniwala sa lasa nito. "Magaling ka pa lang magluto." puri niya
"Parang ihaw lang dali dali lang naman nung lutuin." bulong ko. "Kakaiba ka-ring tao 'no?" dagdag ko.
"May saltik ka na parang baliw lang E 'no?" nagbuga ako ng mainit na hangin, bago sumubo ulit ng kanin.
"Ang sarap ng ulam natin ah." kumuha si Enzo ng kapirasong isda. "Yan d'yan ka magaling sa lamunan." binigay ko sa kaniya ang isang pinggan na may kanin.
"Ano kaba parang ibang tao naman ako sayo." kinuha niya ang hawak kong pinggan. "Maiba ako wala ka bang pasok ngayon?" takang tanong ko.
"Meron ano 'di ako mawawalan."
"Bakit ka pumunta dito."
"Recess naming mga Doktor."
"At dito ka pa kumain?"
"May kape nga pala akong ibibigay sayo—" pinutol ko ang sinabi niya
"Bakit hindi mo agad sinabi? Edi sana nalutuan kita ng inahaw na isda."
"Yan terador ka talaga ng kape." kinuha niya ang sawsawan ko. "Pero thank you huh alam mo talaga ang gusto ko kaya love kita eh." panlalambing ko nagulat kami pareho ng tumikhim si Jack.
"T-tubig." inabutan ko siya ng tubig.
"Akin na'tong tilapia pati sawsawan maiwan ko na kayo d'yan. Dun muna ako sa sala manonood ng TV." patakbo niyang tinungo ang sala.
"Hoy yung sawsawan ko—" naputol ang sinabi ko ng subuan niya ako ng kanin na may tilapia. "Ang daldal mo kumain na nga lang tayo." nakaramdam akong pag init ng pisnge ko.
Jack wag mo 'kong pakiligin.
"Hoy ikaw."
"Ako?" dinuro niya ang sarili niya.
"Nasaan yung kape?" pinandilatan ko siya ng mata. "Nasa kotse." sagot niya.
*Watching Dora the explorer*
"Naku papalapit na si Swiper!" natatakot na saad ni Boots
"SWIPER H'WAG KANG LALAPIT, SWIPER H'WAG KANG LALAPIT."
"SABIHIN NATIN NG MALAKAS..SWIPER H'WAG KANG LALAPIT."
"SWIPER!! H'WAG KANG LALAPIT.." kunot noo akong tumingin kay Enzo na nakatayo at naka-parang stop position.
"Enzo." bulalas ko pero hindi niya ako nililingon. "Enzo, nasaan nga ulit yung kape?" tanong ko.
"SWIPER!! H'WAG KANG LALAPIT." nag awang labi ko.
Isip bata talaga!
"Ayos ka lang? Nakain mo?" natatawa kong saad. Nakita ko ang reaksiyon niya na parang matatae na ewan. "Nasa kotse nga, nanonood pa ako ng Dora pinapakealam mo ako." pumalakpak ito ng parang bata.
♪"I'm the map, is the map, is the map, I'm the map." ♪
Lalo pa akong natawa sa pinag gagawa niya, sumasayaw siya habang kinakanta ang kanta ni Map sa Dora.
"RASENGGAN." malakas kong sabi at tumakbo palabas ng bahay.
Walang katapusan ang pagtawa ko sa ginawa kong kalokohan dahil ginaya ko si Naruto ang kaso lang wala akong kapangyarihan, kaya malakas na itulak ko na lang ang ulo niya.
"Nasaan na ba yung kape?" hinalwat ko ang gamit niya sa likod ng kotse. "Siguraduhin niya talagang may Kape at ma-rarasenggan ko ulit siya." bumilog ang mata ko ng makita ko ang kape na nakasuksok sa gilid.
"KAPENG NANUNUNTOK, KAPENG BARAKO, GAWANG BATANGAS." umiling iling ako dahil alam kong hand written ni Enzo ang nasa paper Tape. Hindi ko muna kinuha ang kape at inilagay ito sa kotse niya.
"Baby kukuhanin ko lang ang lagayan mo, d'yan ka lang." nagtaas baba ang kilay ko
Napahinto ako sa paglalakad papasok ng bahay ng may nag wi-whistle, hindi ko batid kung ano ang tunog nito pero alam kong nakakatakot ito.
"S-sino ka?"
"Yung una sutsot tapos ngayon Whistle?Ano kaba Jack wag mo nga akong takutin alam kong ikaw yan." tumingin ako sa may puno pero wala namang tao roon o kakaibang bagay.
Nag whistle ulit ito kaya mas natakot ako. "Vanelophie." tumawa ito ng parang demonyo at nag Whistle ulit.
Dahan-dahan akong napaatras ng biglang napahinto ako ng may natayo sa likuran ko.
May nakatayo sa l-likuran ko?
"Vanelophie.." mahinang sambit sa pangalan ko. Sa sobrang takot ko nayakap ko si Jack. "Jack may narinig akong sumisipol nakakatakot." hinigpitan ko ang pagkayakap sa kaniya.
"Wala namang sumisipol, guni guni mo lang 'yon." humiwalay siya ng pagkakayakap sa'kin at hinarap ako.
"Hindi, may narinig talaga ako kanina." itinaas ko ang kamay ko at parang nanumnumpa ng 'Panatang makabayan'
"Sino naman kung meron?"
"Ikaw siguro yung sumisipol ano? Tinatakot mo lang ako." akusa ko
"Hindi ako ang sumipol." walang gana niyang sagot. Nakatitig siya sa mata ko na parang nagsasabi ng totoo.
"Baka si Enzo?" bulong ko
"Paanong magiging si Enzo? Samantalang pinapanood niya ang kahon na may lamang tao." napaisip ako sa sinabi niya.
Kahon na may lamang tao?
"Hindi kahon na may lamang tao yun ang tawag d'on ay TV." matawa tawa kong tinignan siya.
"TV?"
"Oo television in short TV." sagot ko
Saang lumapalop ka ng mundo galing!
"Paanong nakapunta sila roon?" tanong niya ulit "it because of the gravity of the earth." naiinis na sagot ko at iniwan siya.
"Huh?"
"Kapag may nagtanong sayo, 'yan ang isasagot mo maliwanag?" ngumisi ulit ako
"Nasaan si Vanelophie?" tanong niya kay Jack, narinig ko ang boses ni Kate. "It because of the gravity of the earth!" nagkunot naman agad ng noo si Kate.
"Ano bang pinagsasabi mo?" tinalikuran ni Jack si Kate.
Nyahaha!