Kabanata Labing Pito

1312 Words
Balot ng takot ang nararamdaman ko. Dahil nakita ko ang lalakeng nagwasak ng aking puso noon. "Hi John!" kumaway si Kate habang kumakain ng niluluto ko. "Vanelophie hindi mo ba ako kakamustahin?" tinanggal niya ang headphone at hinawi ang buhok. "Bakit kita kakamustahin sino ka ba?" napaawang ang labi niya na parang sinasabi Ako 'to si John yung minahal ka pero hindi pinili. Past is past, si John ang dati kong nobyo nagmahalan kami noon pero syempre ang love story hindi napupunta sa Happy Ending. May kahati ako sa puso ni John at walang iba kung di si Niña hindi ako bumabase sa panlabas na anyo pero iba si John sa lahat ng nakilala ko. Marunong siyang rumespeto, hindi siya babaero pero nagkamali ako. Parehas lang silang mga lalake magaling lang silang magpakilig pero ang kakapal mukha kapag maglalandi. Nakaranas ako nang kantang sino ang pipiliin mo siya ba o ako? Ako na lang ang nagparaya dahil mahal ko si John binigay ko lang ito sa kaibigan ko. Saklap! "You didn't know me—" naputol ang pagsasalita niya ng magsalita ang nasa likuran niya. "Beshie kamusta kana." sinunggaban niya ako ng mahigpit na yakap nakita ko ang reaksiyon ni John na parang may sinabi ang kaniyang mga mata. Sana ikaw na lang ang minahal ko.. Hindi alam ni Kate ang nangyari sa'min tinago na lamang namin ito sa kaniya ayokong umabot sa awayan pa naming magkakaibigan ang pag aawayan namin. Kaya nilihim ko lamang ito sa kaniya, masakit mang isipin na walang umaalo sayo sa pag iyak na nagsasabi na.. Kaya mo yan Vanelophie hindi lang siya ang lalake sa buong mundo. Pinapasok ko sila sa bahay ko ng ngiti na nababalutan ng paghihinakit. Kahit pa siguro anong tagal ng relasyon mo hindi mo ito tuluyang mababaon sa limot, magiging isang paalala ito na dapat mong pakantandaan. Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang mga luha ko sa aking pisngi. Mabilis ko itong pinunasan para hindi nila makita. "Umiiyak ka ba?" tanong ni Niña pero umiling ako at sinabing.. "Tears of joy lang ito." tumawa ako pero pinisil ang ilong ko. "Okey lang 'yan si Vanelophie, oh siya magsikain na nga tayo." nilapitan ako ni Kate at kumapit sa braso ko bago dinala ako sa labas sakto naman ang pagdating ni Enzo. "Enzo ikaw na ang bahala sa kanila mag uusap lang kami ng masinsinan ni Vanelophie." tinulak niya si Enzo at hinila niya ang kamay ko. Dinala niya ako sa labas at pinaupo tinapunan niya ang tissue at inilagay niya sa harap ko ang kape. "Ano ba ang pag uusapan natin Kate?" nakakunot na tiningnan siya "Sis kita sa mata mo na mahal mo parin si John." sarkastiko niyang saad at umupo sa tapat ko. Paano niya nalaman? "Kung tinatanong mo kung paano ko nalaman? Una sa lahat hindi mo ako mapagtataguan ng sekreto aalamin at aalamin ko lang ang lahat kaya kung ako sayo h'wag ka ng magtatago ng bagay na ikakagalit ko." biglang sumeryoso ang mukha niya at tumitig sa'kin. "Oo na naging kami ni John at pinagsisihan ko ang bagay na 'yon, nang dahil doon ay nag away kami ni Niña." binatakan niya ako pinunit niya ang tissue. "Aray naman." tumulo ang luha ko hindi dahil sa pagbatok niya kundi sa sakit ng nararamdam ko. "Sorry mahal." ngumuso siya at pinahid ang mga luha ko sa pisnge. "Alam mong ayaw ko namang nakikita kang umiiyak bakit mo pa kasi ako pinaglihiman alam mong magagalit ako sayo, kaibigan mo ako Vanelophie hindi ako ibang tao pwede mo akong lapitan kahit anuman ang mangyari." salaysay nito wala akong ibang ginawa kundi tumayo at yakapin siya patalikod. "Thank you kasi nand'yan ka parati sa tabi ko, sorry kung pinaglihiman kita." ramdam ko ang inis niya dahil pinagtaguan ko siya ng lihim. "Basta h'wag mo nang uulitin huh." malungkot niyang saad patuloy parin ang pagragasa ng luha ko sa pisnge. "H'wag kang umiiyak iiyak rin ako." pang aalo niya "Magkwento ka para hindi na ako magtampo sayo alam kong kulang ang inpormasyon ko na nakalap." nagbuga ako ng mainit na hangin at tumingin sa langit. Oras na naman para ungkatin ang nakaraan. Mahirap para sa'kin ang sinasabi niya umiiyak ako kapag nag kukwento alam yon ni Kate kaya hinagisan niya ako ng malaking tissue dahil alam niyang kalahating pad ang masasayang ko. Ayaw ko talagang nagku-kwento ako dahil may troma ako sa pagku-kwento lalo na kapag masakit para sa'kin ang kinekwento. Naiimagine ko kasi na naroon ako sa isang storya katulad na lang ng kwinento ko kay Yohan nung kwinento sa'kin ni Lolo Jin ang istoryang yon umiyak talaga ako. Paano pa kaya ang sarili kong kwento? Na walang happy ending? Natapos ang dalawang oras na pagku-kwento ko sa kaniya parehas kaming umiyak kaya kulang ang tissue na kinuha niya pati siguro sipon ay naghalo-halo na hindi na mapaglalagyan ang mga mata namin sa pag iyak. Para na kaming kinagat ng ipis sa magkabilang mata matapos ang kwento ko, patuloy parin ang pagsinok ko dahilan para umiyak ulit ako. Nakita kong paparating si Jack kaya nagpunas ako ng damit, tumungo ako at tumayo. Pupunta muna ako sa kwarto at matutulog magpapagaling muna ng puso. ꧁꧂ Jackxon's POV Nakita ko si Vanelophie na umiiyak pinakinggan ko ang paglabas niya ng sama ng loob hindi ko alam kung bakit pati ako ay gusto ko siyang patahanin pero hindi ko alam kung paano. "Kailangan niya lang magpahinga h'eag mo muna siyang kausapin magagalit yun sayo—teka saan ka pupunta Jack?" hinabol niya ako pero pumutik ako sa hangin para hindi siya makagalaw at umuwi na lang sa bahay. "Pasensiya na pero kailangan kong patahanin si Vanelophie ayaw kong umiiyak siya sa maling tao." naramdaman ko na may babatiin ako ni Enzo kaya huminto ako. "P're." "Kung hinahanap mo si Vanelophie nasa kwarto siya puntahan mo siya p're mukhang may problema yung tao." napagawi ang tingin ko sa lalakeng nakaupo sa sofa kasama ang babae. Sinamaan ko siya ng tingin hindi ko alam kung bakit pero may dahilan kung bakit ako magagalit sa kaniya. "Vanelophie." kumatok ako sa pinto ng ilang beses bago niya ito pagbuksan sumilay ang mapait na ngiti sa kaniyang labi. "Jack bakit anong ginagawa mo dito?" hindi ko napigilan ang sarili ko at niyakap siya. Ang alam ko lang ay nasaktan siya sa maling tao lang sana dumating ang araw na iba ang ibigin niya yung hindi siya papaiyakin at sasaktan. Nakaramdam ako ng bagay na minsan ko nang naramdaman ang pagtibok ng aking puso. "Jack." "Shs hayaan mong yakapin kita." "Hindi mo kasalanan ang umiibig, umibig ka lang pero sa maling tao." salaysay ko at hinagod ang kaniyang likod. "Jack." pang uulit niya sa pangalan ko pero hindi ko siya pinakinggan at niyakap ko lang siya. Mahina niya akong tinulak at pinunasan ang kaniyang luha sa pisngi. "Salamat Jack." humikbi siya at pilit na ngumiti. "Vanelophie h'wag mong iyakan ang lalakeng yon, ayokong umiiyak ka sa maling tao naiintindihan mo ba ako." napahinto siya at napanganga. Galit na tiningnan siya at mabilis siyang tumayo nakita ko ang masama niyang awra. "Bakit mo 'ko tininitingnan ng gan'yan anong gagawin mo?" umatras siya patuloy parin ang pagsama ng tingin ko sa kaniya. "Ayoko sa lahat.." nanlaki ang mata na parang kinakabahan. Malakas na sinuntok ko ang pader gamit ang kaliwang kamay ko at tiningnan siya ng masama sa mata. Hinapit ko ang kaniyang baywang at sinabing.. "Mahal kita Vanelophie pero.." hindi ko naituloy ang pagsasalita ko at hinalikan ang kaniyang labi. Mas lalo ko itong pinag-igi at hinapit ang baywang naramdaman ko ang labi niya sobrang lambot. Ang sarap ng labi niya lasang Cherry hindi pa ako nakahalik ng babae kahit pa isang libo na babae na ang aking naging nobya. Gumanti siya ng halik na ikinagulat ko dahan dahan ko siyang binaba sa kama at doon tinuloy ang paghalik.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD