Kabanata Dalawa

1164 Words
ANTARJIA ISINULAT NI: AKOSIGUERERO UNANG BAHAGI                                  Babala: Ang Nobelang ito ay pinaghirapang isulat ng Awtor.   Ang pananaw ni Amaru     Inilahad ko ang kamay ko sa kaniyang harapan upang ibigay ang aking sandata. Nang ibinigay sa akin ang sandata ko ay tumayo ako.   “Doje ibwa reyna Yamra,” pasasalamat ko kay Reyna Yamrah.   Tumungo ako sa kaniya upang igawad ang pasasalamat na nararapat para sa isang reynang katulad niya. Ang salitang sinabi ko sa kaniya maraming salamat Reyna Yamra. Ano kaya ang nangyari sa labas at tila ba nag-aaway ang kalangitan at mga askesa na nasa himpapawid.   Siya si Reyna Yamrah ang dating reyna ng Antarjia. Ang unang reyna na bumuo sa Antarjia. Kapangyarihan niya ay kahindik-hindik na tila magiging abo ang kaniyang kalaban kung ito ay kakalabanin mo. Siya ang pangalawang pinaka-malakas sa loob ng Antarjia. Siya ang may hawak ng pinaka-malakas na salamangka sa buong Antarjia. Kakayahan niyang makabasa ng iniisip ng diyos, diwata at askesa. Nagsasalita siya sa pamamagitan ng kaniyang isip.   “Mag-iingat ka may taksil sa Antarjia na kahit sarili nitong kadugo ay magagawang paslangin nito makuha lang ang kaniyang nais na kapangyarihan,” babala sa akin ni Reyna Yamrah.   Hinawakan ko ng mahigpit ang aking sandata.     “Ano ang iyong tinuran reyna Yamra?” Tanong ko sa reyna.   Humalukipkip ako ng nilahad niya ang kamay niya sa aking harapan. Lumitaw ang isang lilang bola na nagliliyab. Ngayong alam ko na ang nais niyang iparating, Nais niyang makita ko kung sino ang taksil.   Malakas na hangin ang umikot sa paligid namin na kapag nahawakan mo ay tiyak na masusugatan ka rito. Mga planetang nawawasak, Nagkakagulo na mga diwata. Anong mangyayari sa Antarjia?   “Sa mata ng iba siya ay mabuti sa lupa’y may sumpa, Bagsik niya’y makatago sa itim niyang nagngitngit na puso-“ Naputol ang sinabi ng reyna dahil nabasag ang lilang nagliliyab na bola. Hindi mapakali ang reyna dahil sa nangyari sa kaniyang bola.   “Anong nakita mo sa iyong pangitain reyna?” Tanong ko sa reyna.   Tumingin lamang siya sa akin na akala mo ay kung sinong askesa ang galit na galit. Nanlaki ang mata ko ng lumipad siya sa himpapawid. Nagniningas ang kaniyang katawan dahil sa galit.   “Sherapo duwe sun tale podra dorehe Antarjia iskabe newar daro!” Sigaw ni Reyna Yamra sa kalangitan.   Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi ng reyna galit na galit siya sa gumawa nito. Tila hindi niya nababatid kung sino ang taksil dahil sa malakas ang kapangyarihan nito kaysa sa kaniya. Sa tingin ko ay malakas itong salamangka upang maitago kung sino man ang nasa likod nito.   “Hindi maari nawawala ang susi ng Antarjia at sa oras na ito nagsisimula na planuhin ang pagkamatay ninyo,” banta ng reyna sa akin.   Kumapit siya sa balikat ko nagsimulang magdilim ang kaniyang paningin sa poot at galit ng reyna ay halos mawasak ang aking silid dahil sa sunod-sunod na kidlat, pagyanig ng lupa, pag-ulan ng mga apoy sa paligid.   “AAHHHHHHHH!” Sigaw ni Yamrah.   Malakas na sigaw ng reyna sa kawalan. Nagdulot ito ng malakas na liwanag na naging dahilan upang masugatan sa aking katawan. Dumugo ang balikat ko saka lumuhod sa sahig na nagdulot upang lumabas ang kapangyarihan kong nyebe na nakatago sa aking kaibuturan ng puso.     Ang nyebe ay sumisimbulo sa malinis na budhi. Mapapaamo ko ang sino mang may masama ang hangarin sa akin. Itinarak ko ang sandata ko sa lupa’t nagsimulang tumayo ngunit bumigay ako dahil sa lakas ng kapangyarihan niya.   Umilag ako dahil may malaking bato na tatama sa akin. Nagningas ang aking buong katawan dahilan para labanan ko ang reyna. Ito lang ang tanging paraan upang tumigil siya sa kaniyang masamang pangitain. Kapag hindi ko siya napahinto ay mamamatay siya at kasamang mawawala ang buong Antarjia.   “Reyna Yamrah gumising ka!” Sigaw ko at inuga ko ang balikat ng reyna.   Pinagsama ko ang dalawang kapangyarihan upang makabuo ng malakas na engkantasyon. Kailangan magising ang reyna dahil ang mga nilalang dito sa mundo na ito ay mamatay kung mamamatay ang reyna. Maagnas ang mga diyos sa loob ng Antarjia at mawawasak ang mga planeta sa buong mundo.   Akma akong lalapit sa reyna ng biglang may sumulpot sa aking tabi. Ang kapangyarihan niya ay walang katapusang mahika at batid ko kung sino ito.   “Kay tagal kong hindi ginamit ang aking kapangyarihan dehar,” sambit ni Ampyanah habang winawasiwas ang kaniyang sandata.   Lumapit siya sa reyna at mas lalong tinutok ang kaniyang kapangyarihan doon. Siya ang kapatid kong diyos na si Ampyanah ang may hawak ng makapangyarihang mahika. Anumang mahika ay kaya niyang tanggalin gamit ang kaniyang magandang tinig. Ang dehar ay salitang Antarjia na ang ibig sabihin ay kapatid.   “Pakinggan ang aking tinig reyna ng buwan,” utos ni Ampyanah sa reyna. Tinakpan ko ang tenga ko dahil nakakabingi ang kaniyang tinig.   Kinausap niya ang reyna sa kaniyang isip upang itigil niya ang ginagawa nito. Ngunit naglaho ang reyna dahil hindi niya nakayanan ang kaniyang pangitain. Nagkatinginan kami ng dehar ko dahil sa nangyari.           “Reyna bakit tila ika’y naglaho?” Tanong ko sa reyna at tumingin kay Ampyanah.   Lumipad ako papunta sa buwan ngunit malaking bilog na bato na lamang ang nakita ko. Walang buwan rito.   “Ano ang iyong tinuran sa akin?” dagdag ko ulit.   Nawala ang malakas na ipu-ipo sa paligid ko at nagsimulang yumanig ang inaapakan namin. Hinawakan ko ng mahigpit ang sandata na pamana sa akin ni ama. Tumingin ako sa kalangitan na halos manlaki ang mata ko. Nawala ang mga planeta sa buong mundo at ang natitira na lamang ay ang Antarjia.   “Masamang pangitain ito,” bulong ni Ampyanah.   Kinumpas ko ang kamay ko sa hangin saka itinaas ang sandata ko sa kalangitan. Inilabas ko ang dalawang kapangyarihan ko upang ayusin ang mga nasirang planeta. Napansin kong may itim na bagay ang nakabalot sa mundo ng Antarjia.   Nabuo ko ulit ang mga planeta sa tulong ng dehar kong si Ampyanah. Kung wala siya siguro naging abo na ako.   “May kailangan akong ipakita sayo,” saad ni Ampyanah.   Kumapit sa braso ko si Ampyanah at nagalaho kaming pareho. May nais siyang ipakita sa akin. Narito kami ngayon sa gitna ng kagubatan. Tanaw namin ang tuktok ng Antarjia. Napakaraming mga askesa sa himpapawid kaya dapat kaming mag-ingat sa mga ito dahil kung hindi kami mag-iingat ay magdudulot ito ng malalang sugat sa aming katawan. O mas malala ay magiging abo kami.   Iniligtas namin ang mga diwata na umaalis sa kanilang sariling tirahan. Ginamit ko ang espada upang patayin ang mga askesa.   “Tila napopoot ang kalangitan. Ito’y nagbabadya na mayroong panganib na darating sa atin,” turan ko.   Kinumpas ko ang kamay ko dahil may askesa ang lalapit sa akin. Hindi mabilang ang mga askesa sa himpapawid. Nawala na rin ang magandang paraisong tinitirahan ng mga diwata.   Nanlaki ang mga mata ko ng may nehara na nalaglag sa lupa. Ang nehara ay isang sanggol ng mga diwata at papunta sa kaniya ang mga askesa.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD