ANTARJIA
ISINULAT NI: AKOSIGUERERO
UNANG BAHAGI
Third Person’s Point of View
Isang malakas na kidlat ang yumanig sa buong Antarjia. Simbolo ito na may masamang mangyayari sa Antarjia. Na naging dahilan upang magising ang apat na diyos sa iba't-ibang panig ng kaharian.
Tumingin ang diyos ng araw sa labas ng bintana malapit sa kaniyang silid. Nanlaki ang kaniyang mga mata dahil sa kaniyang nakita. Mula sa kaniyang silid ay nagtatakang tinanaw niya ang tuktok ng tore sa kaharian ng Antarjia.
Napansin niya ang kulay ng kalangitan na dati'y luntian ay nagmistulang lila. Maraming mga askesa ang nagwawala sa himpapawid . Ang askesa ay isang itim na ibon na mula sa exotaljia. Ito ay masamang ibon na nakakamatay kapag ikaw ay dinapuan sa iyong katawan. Ito ay simbolo na may parating na panganib sa Antarjia.
"Mahabaging Demviada!" Sigaw ni Amaru ng makita ang kalangitan.
Dali-dali siyang pumaroon sa kaniyang sikretong silid kung saan niya tinago ang kaniyang sandata. Nararamdaman niya na may paparating na panganib.
Madali niyang sinirado ang bintana sa isang kumpas niya. Ang kaniyang silid ay napoprotektahan ng napakalakas na mahika. Kaya walang sinuman ang nakakapasok rito.
Dahil ang mga diyos ay natulog ng isang libong dekada. Hindi sila nakaramdam ng panghihina bagkus napakalakas ng kanilang katawan at puno ng kapangyarihan.
Napahinto siya ng marinig niya ang maingay na kuliling ng isang maliit na kampana. Para sa mga diyos ng Antarjia kapag tumunog ang kampana na mula sa langit ay may nagbabadyang panganib na mangyayari sa Antarjia.
"Kailangan kong magtungo sa aking sikretong lagusan," bulong ni Amaru sa kaniyang sarili.
Pasikot-sikot ang kaniyang silid. May limang malaking dyamante ang nakalagay sa kaniyang silid iba-iba ang kulay nito at disenyo. Ang buong haligi nito ay purong ginto. Ang upuan ay gawa sa perlas. Ang halaman nito ay mas lalong nagpapaganda sa kaniyang silid.
Dali-dali siyang pumaroon sa pintuan. Huminto siya ng makarating na siya. Inapakan niya ang bilog sa sahig na kasya para sa kaniyang mga paa. Ito'y gawa sa mamahaling perlas sa gitna ng dagat na kayaman ng mga sirena.
Ikunumpas niya ang kaniyang kamay at sinimulan ang kaniyang engkantasyon.
"Oktabia Libuenara," sambit ni Amaru. Ito ay isang dating engkantasyon ng kaniyang hedja ang mga ninuno niya.
Kasunod ng kaniyang engkantasyon ay inilabas niya ang kaniyang kapangyarihang araw. Nagsimula na siyang mag init na halos masunog ang halaman sa kaniyang paligid ngunit nakontrol niya ang paggamit nito. Lumabas sa kaniyang kanang kamay ang apoy at sa kabila naman ay nyebe.
Siya si Amaru ang diyos ng araw at nyebe. Ang anak ni Minervah at Hikarus. Siya ang pang-apat sa limang magkakapatid na diyos sa Antarjia.
Ang kristal ng apoy at nyebe na lumalabas sa kaniyang palad ay ang kaniyang kapangyarihan. Ang kristal na ito ay kalimitang ginagamit sa mga kalaban upang maprotektahan ang kaniyang sarili.
Ito'y pamana ng kanilang yumaong magulang na si Minervah at Hikarus. Namuno ng isang libong dekada sa buong Antarjia. Namayao ang magulang niya dahil may pumatay sa mga ito na tila hanggang ngayon ay pala isipan parin sa kanila kung paano namatay ang kanilang magulang. Kaya ang namuno sa kaharian ng buong Antarjia ay si Amang Demviada ang kanilang lolo.
Humarap siya sa kaniyang dalawang kristal at sinimulang humiling sa mga ito. Noong bata pa siya ay pinamanahan na siya ng kaniyang ama ng sikretong silid at ng kapangyarihan. sa loob ng kaniyang sikretong silid dito niya makikita ang naiwang sandata ng kaniyang ina.
"Kristal ng araw at nyebe Nagsusumamo ako, Ngayong nasa kapahamakan ang Antarjia ako'y papasukin sa aking sikretong silid," utos ni Amaru sa kaniyang kristal.
Tinutok niya ang kaniyang kristal kapangyarihan promoprotekta sa haligi ng kaniyang sikretong silid. Bumukas ang silid at pumasok siya roon.
Namangha siya sa ganda ng silid. Ang bilin kasi ng kaniyang magulang sa oras na nangangailangan ang Antarjia ay mawawasak niya ang salamangka ng buwan para sa kaniyang sikretong silid.
May gintong bintana na nakadungaw sa Antarjia. Isang malaking lagayan ng libro na tila gawa sa mamahaling dyamante, upuan na gawa rin sa ginto at ang kaniyang natatapakan ay isang ginto rin. May malaking salamin na kita ang kaniyang buong repleksiyon. May malaking higaan na pangmaharlika puti ito at napakalambot. May malaking aranya na nakasabit sa kisame. Mas lalo pa siyang humanga sa lawak nito. Sa matagal na panahon hindi ito nagkaroon ng dumi o anumang kalat.
Napakabango ng paligid na halimuyak ng bulaklak ni Hades. Unti-unting lumitaw sa kaniyang harapan ang isang paikot na hagdan paitas at may gintong pintuan paroon.
Mabilis niyang inapakan ang unang baitang ngunit ng aapak siya sa kasunod ng baitang ay lumipad ito papunta sa gintong pintuan.
Nang makarating na siya sa gintong pintuan ay naglaho ang dyamanteng hagdan. Bumukas ang gintong pintuan sumilip sa kaniya ang napakaliwanag na ilaw na nagsenyales para siya ay mapaupo.
Ilang saglit pa ay tinanggal niya ang kaniyang braso na nakatabon sa kaniyang mga mata. Nanlaki ang mata niya sa ganda ng nakikita niya ang isang kalangitan na puno ng napakaraming planeta at mga bituin.
Dumiretso siya papunta sa sentro ng kaniyang sandata. Ang kaniyang silid ay nababalutan ng hiwaga na tanging siya lamang at ang dating reyna ng buwan ang nakakaalam nito.
"Ang aking sandata," natutuwang wika ni Amaru sa kaniyang sandata.
Kinuha niya ang kaniyang sandata sa sentro ng buwan. Nangmakuha niya ito ay lumabas ang dating reyna ng Antarjia mula sa kaniyang tirahan sa buwan.
"Amaru anak ni Minervah at Hikarus diyos ng araw at nyebe,” wika ni Reyna Yamrah.
Tumungo ang dating reyna tanda ng kaniyang pag-galang rito. Lumapit agad si Amaru sa kaniya upang siya ay pahintuin sa pagbibigay ng galang.
"Masaya akong makita kang muli reyna Yamra," sagot ni Amaru kay Yamrah.
Nagbigay ng galang ang diyos sa dating reyna ito'y ginagalang niya ng lubos dahil siya ang dahilan kung bakit nabuo ang Antarjia.
"Hindi ako nabigo sa aking Yara," puri ni Yamrah sa kaniyang pamangkin na si Amaru.
Tumungo ulit siya at ngumiti. Ang salitang yara ay salita ng Antarjia kung saan nangangahulugan ito bilang pamangkin. Siya ang kaisa-isang pamangkin ng dating reyna.
Lumuhod ako sa kaniyang harapan saka tumungo. Nawala ang aking sandata at napunta sa kaniya ito.
"Evitnewe Amang Demviada dao Amaru ive muste nara Antarjia," engkantasyon ni Reyna Yamrah.
Pinatong niya sa ulo ko ang espada upang bigyan ako ng basbas. Ang ibig sabihin ng kaniyang sinabi ay 'sa basbas ko at ni Amang Demiaviada ikaw ay iingatan nitong sandata sa mga panganib.