ANTARJIA
ISINULAT NI: AKOSIGUERERO
UNANG BAHAGI
WARNING: Ang Nobelang ito ay pinaghirapang isulat ng Awtor.
Pananaw ni Amaru
Binato ko ng aking espada ang mga askesa upang hindi nila madapuan ang nehara. Kinuha ko ang nehara at dinala sa mga kawal.
“Ingatan niyo itong nehara,” utos ko sa Yera. Ang pinuno ng hukbo na tapat sa Antarjia.
Ibinigay ko sa isang kawal ang nehara. Dumating ang kaniyang magulang na tumatangis. Kinuha nila ito sa kawal at pinatahan ito ng kaniyang ina.
“Doje ibwa Amaru,” utos ko kay Yera.
Sa pamamagitan ng kaniyang pasasalamat sa akin ng magulang ng nehara ay niyakap niya ako ng mariin habang humahagulgol. Nakita ko sa kaniyang mga mata ang pag-aalala na muntik na patayin ng mga askesa ang kanilang nehara. Tumango lamang ako saka ngumiti sa magulang ng nehara.
“Mga kawal isarado niyo ang pinto sa oras na nakapasok na ang lahat madali,” utos ko sa mga kawal.
Sigaw ko sa mga kawal habang winawasiwas ang espada sa langit. Sinunod ng mga kawal ang tinuran ko. Lumabas ako sa kaharian tinutok ang espada sa himpapawid nagbuo ito ng malakas na apoy upang maging panakot sa mga askesa.
“Huwag niyong hahayaang may isang makapasok na askesa sa loob ng kaharian,” dagdag ko.
Hiniwa ko ang isang askesa na papalapit sa akin. Mas lalo silang dumadami kapag namamatay sila. Kailangang makaisip ako ng paraan.
“Masusunod kamahalan,” sagot nila.
Sinunod nila ang tinuran ko kinandado nila ang pintuan ng kaharian laban sa mga askesa. Pagkatapos nilang gawin ang tinuran ko ay tumakbo ako sa sentro sa labas ng kaharian. Naroon ang kapatid kong si Ampyanah na prinoprotektahan ang kaniyang sarili laban sa mga askesa. Nang makalapit ako sa kaniya ay nadapuan siya ng isang askesa sa balikat.
Hinila ko agad siya papalayo sa mga askesa. Ngunit nagkaroon agad siya ng malalang sugat na nagpawala ng kaniyang malay.
“Ampyanah!” Tawag ko sa kapatid kong si Ampyanah.
Sigaw ko na halos mawasak ang aking puso. Bumagsak ang sandata ko sa lupa na may bahid ng dugo ng mga askesa. Kinuyom ko ang aking kamay dahil sa poot ko sa mga askesa. Sa galit ko ay humiling ako sa aking kristal.
“Kristal ng nyebe at araw iparamdam mo sa kanila ang aking galit,” Nag-ngingit na utos ko sa aking kristal.
Hinawakan ko ng mahigpit ang aking kapatid saka tumangis. Gumawa ng unos ang aking kristal at gumawa ito ng nilalang na papatay sa mga askesa na lumilipad sa himpapawid. Pinaramdam ng aking kristal ang umuulan na apoy sa kalangitan at nyebe na nakakapaso sa lamig.
“Ampyanah, Imulat mo ang iyong mga mata,” utos ko.
Hinaplos ko ang kaniyang mukha tinignan ko ang kamay ko na may kauting abo. Nagsisimula na siyang maagnas. Kailangan kong makagawa ng paraan. Kailangan kong gamitin ang sandata ko upang ihiwa sa aking palad.
Huminga ako ng malalim. Tumingin sa sandata na nasa kanang kamay ko. Gumamit ako ng kapangyarihan ng nyebe upang maging malinis ang dugo na gagamitan sa aking engkantasyon. Noong bata pa ako ay tinuruan ako ng aking ama kung paano gamitin ang aking sandata. Kailangan kong gumamit ng kapangyarihan ng nyebe upang sugatan ang palad ko. Ang papatak na dugo na galing sa aking palad ay itatapat ko sa natamong sugat ng nangangailangan.
“Sa ngalan ng aking dugo ikaw ay muling mabubuhay at manunumbalik ang iyong lakas,” sambit ko sa kalangitan.
Pumikit ako’t tiniis ang hapdi ng hiwain ko ang aking palad. Minulat ko ang mata ko’t pinagmasdan kong tumulo ang dugo sa aking palad papunta sa kaniyang balikat. ito’y kuminang na parang isang bituin sa kalangitan. Ilang sandali pa ang hinitay ko sa kaniyang pagbabalik unti-unting nawala ang kaniyang sugat sa kaniyang balikat.
Pagkabukas ng kaniyang mata ay dali-dali kong niyakap ang kapatid ko.
“Doje Ibwa Amang Demviada inilayo mo ang aking dehar sa kamatayan,” wika ko.
Hinaplos ko ang mukha niya at dinampian siya ng init ng aking kapangyarihan. Napakalamig ng kaniyang katawan at may nakikita akong pasa sa kaniyang balikat ngunit naglaho ito ng gamitan ko ito ng apoy.
Tinulungan ko siyang tumayo at nakita namin ang paligid na patay na ang lahat ng askesa. Dumating ang dalawa ko pang dehar sina Zedamyah at Yonaphia. Pinuntahan kami nito at kinamusta nila ang kalagayan namin dalawa.
“Kamusta ang kalagayan niyo?” Tanong ko rito.
Tanong ni Yonaphia ang panganay na dehar. Si Yonaphia ay sumusundo ng mga kaluluwa ng diwata dito sa Antarjia. Siya ang may kakayahang ibalik ang kaluluwa sa diwatang pumanaw na. Ang ibig sabihin kaya niyang bumuhay ng patay.
“Maayos naman aking dehar,” sagot ko kay Yonaphia.
Inilahad niya ang kamay niya sa aking harapan upang ako ay kaniyang tulungang makatayo. Kaming apat na diyos ay nagising ngunit bakit?
“Doje Ibwa aking dehar,” pasasalamat ko kay Yonaphia.
Tumungo ako sa kaniya at lumuhod ngunit ako ay pinatayo niya.
“May lapastangan sa atin, Narito lamang siya sa loob ng Antarjia,” mahinang bulong ni Yonaphia sa amin.
Kinapitan ko ng mahigpit ang aking sandata. Maging sila ay malalim rin ang kanilang iniisip. Tumingin ako sa kalangitan na halos magdilim ang buong sangkalangitan.
“Ngunit sino ang lapastangan na tinuturan mo?” Tanong ni Yonaphia sa akin.
Maging sila ay nagulat sa aking sinabi. Simula ng matagal na panahon walang kaguluhan ang nangyayari sa Antarjia. Namuhay ng mapayapa ang mga diwata maging ang mga mabubuting askesa.
“Hindi ko alam sinabi lamang ito sa akin ni Reyna Yamrah,” sagot ko.
Hinawi ko siya ng may paparating na askesa malapit sa kaniya. Hindi dapat kami rito nag-uusap nararapat na pumasok kami sa loob ng kaharian para pag-usapan ang dapat naming gawin. Ngayong kailangan kaming lubos ng Antarjia ay gagawin namin ang lahat ng aming makakaya upang mailigtas ito sa gunaw.
“Mas mabuting ipagpatuloy natin ang ating pinag-uusapang ito sa tagong lugar na alam ko kung saan,” saad ko.
Kumapit sila sa mga braso ng bawat isa upang maglaho kaming lahat. May tagong bulwagan sa loob ng silid ni Amang Demviada at alam kong siya mismo ang unang nakakaalam sa nangyayari sa Antarjia.
“Walang lalayo may napakalakas akong nasasagap na kapangyarihan mula sa kabilang pasilyo,” babala ni Yonaphia sa amin.
Inilabas ni Yonaphia ang kaniyang kristal habang kami naman ay ganoon rin ang aming ginawa. Isa sa kapangyarihan ni Yonaphia ang makasagap ng kapangyarihan mahina man ito o malakas.
Bukod kay Amang Demviada at reyna Yamra sino pa ang may hawak ng malakas na kapangyarihan.
Narito kami sa loob ng bulwagan. Hindi kami umalis sa aming pwesto hanggang hindi pa namin nalalaman kung ligtas ba rito sa bulwagan baka nakapasok ang mga askesa.
“Hekada!” Isang malakas na tungayaw ni Yonaphia sa mga diwatang askesa.
Tila may kumokontrol sa kanila at sino ang may malakas na kapangyarihan ang komokontrol sa kanila?