Kabanata Apat

1076 Words
Amaru “Napakalakas ng mga askesa,” walang emosyong ani nito. “Walang sino man ang magtatangka sa inyong kalabanin mag-isa ang askesa kung ayaw niyong kitlin nito ang buhay niyo,” seryosong turan ni Yonaphia sa aming tatlo. “Masusunod,” sagot naming tatlo. Hindi kami uumalis sa pwesto namin kung kaya’t ang pananggala lamang namin ay ang aming mismong kapangyarihan. Ilang minuto ang nakalipas at bumilang si Yonaphia ng tatlo. “Pagkabilang ko ng tatlo isa-isa nating kalabanin ang mga askesa.” Iniwasiwas niya ang kaniyang kalasag sa hangin. Parehas kaming napatingin sa kaniya na nagtataka. “Ano?” gulat na tanong naming tatlo. “Iwa, dowe, madja!” Sigaw ni Yonaphia kaya kumilos kaming lahat ngunit si Ampyanah. Hindi ko namalayan na dumapo kay Ampyanah na isang Pohar. Ang malaking askesa. “Ilra dehar!” Sigaw naming tatlong magkakapatid. Nakita namin na pinagtutulungan ng mga askesa si Ampyanah. Akma kong pupuntahan kung saan naroroon ang aking dehar ng ako naman ang sugurin ng mga askesa. Tinaas niya ang kanang kamay niya upang gumamit ng kapangyarihan. Ngunit nakita kong may tatlong askesa ang pasugod sa kaniyang kinalalagyan. “Ampyanah!” Dagundong ang malakas na sigaw ko. Huli na ang lahat dahil nadapuan siya ng tatlong askesa sa balikat. Nagdulot ito ng pagkawala ng kaniyang malay dahil maraming lason ang bumaon sa kaniyang katawan dulot ng mababangis na askesa. “Hekada!” Bulyaw ni Zedamyah sa inis. Tumingin sa’kin si Zedamyah at tumango ito sa akin. “Ako na ang bahala sa ating dehar.” Ngumiti ito bago umalis. Akma akong tatakbo ng biglang may susugod na pulang usok papunta sa harapan ko. “Ano itong bagay na ito?” Tanong ko sa sarili ko. Umilag ako ng dadapuan ako ng pulang usok. Hinawi ko pa ito gamit ang sandata ko ngunit mabilis itong pumulupot sa leeg ko. Nabitawan ko ang sandata. Hindi ako makahinga. Mas lalo pang humihigpit ang pagsakal nito sa leeg ko. Napaluhod ang kaliwang tuhod ko. Nanginginig man ang kamay ko ngunit nilahad ko parin ito upang gumamit ng kapangyarihan. Lumabas roon ang nagniningas kong kapangyarihang araw. Ngunit nawala rin ito kinalaunan dahil umaligid rito ang pulang usok. Nakita kong nakikipagbuno sa pulang usok si Yonaphia upang iligtas ako. Ngunit unti-unting kinakapos ako ng hininga. Tuluyang lumuhod ako sa lupa dahil hindi ako makahinga. Hindi na nag-alinlangan si Yonaphia at gumamit na siya ng balintataw ng mga Ladowa. Ang Ladowa ay isang sandatang tahanan ng mga sahal o mga kaluluwa ng mga patay. Itinutok niya ang Ladowa sa aking leeg upang kunin ang pulang usok papunta sa kaniyang balintataw. Unti-unting lumuwag ang paghinga ko dahil nilalamon ng Ladowa ang pulang usok. Kaunti na lamang makakahinga na ako ng maluwag. Kaunti pa. Sige pa. Sa wakas natanggal na rin ang pulang usok sa leeg ko. Akma akong matutumba ngunit sinalo ako ni Yonaphia papunta sa kaniyang bisig. “Doje ibwa dehar,” naghihingalong pagpapasalamat ko sa kaniya. Tumingin siya sa akin at tumango inilahad niya ang kamay niya sa tapat ng dibdib ko. Pumikit ako ng kaunti dahil gumamit siya ng kapangyarihan. Kapangyarihang mapagaling ang karamdaman ng sino man. May ibinulong siya sa hangin ngunit hindi ko ito narinig. Siguro ay dahil sa pulang usok kung bakit ako nanghihina at nawalan rin ng pandinig. Umangat ang katawan ko sa himpapawid at naglabas ito ng kinang hanggang sa bulwagan. Pagkamulat ko ng aking mata ay nakatayo ako sa kaniyang harapan at nakangiti. Magaling na ako. Niyakap niya ako ng mahigpit at natuwa ako ngunit hindi ito ang panahon upang magyakapan may nararapat kaming tapusin na misyon. “Dehar hindi ito ang oras upang tayo ay magyakapan may kailangan pa tayong dapat tapusin,” taas kilay kong ani sa kaniya. Kinalaban ko ang isang malaking askesa na papalapit kay Yonaphia panahon naman para ako ang magligtas sa kapatid ko. “Ako ang kalabanin mo bohar!” Sigaw ko sa malaking askesa. Walang katapusang laban. Tumingin ako kay Zedamyah. Namangha ako. Lumipad ng mataas si Zedamyah at naglabas ito ng napakaraming kidlat na nagpayanig sa kinalalagyan namin ni Yonapia. Sa lakas ng kapangyarihan ni Zedamyah ay nawasak niya ang kalahating bahagi ng bulwagan kung saan naroon si Ampyanah na nakahiga. Kaya’t si Yonaphia ay tumalsik sa dulo ng bulwagan kasabay ng sandatang ibinigay sa akin ng dating reyna. Ngunit gumamit ako ng kapangyarihang yelo upang ito ay maging silbing pananggalang ko.   “Napakalakas ng mga askesa,” walang emosyong turan ko. “Tila napakalakas ng kapangyarihan ni Zedamyah upang patayin ang mga askesa,” seryosong bulong ko sa sarili ko. Tumakbo ako papapunta kay Yonaphia upang siya ay iligtas ko. Napansin kong may dugo siya sa labi dahil sa malakas na paghampas sa kaniya papunta sa pader. Alam kong susunod sa akin ang mga askesa kaya gumawa ako ng malaking puting pohar upang ilaban sa kanila. Ginawaran ko ito ng sapat na kapangyarihan upang makipagsabayan na lumaban sa mga askesa. “Wala kang ititira ni isang askesa dito sa Antarjia,” utos ko sa puting pohar. “Masusunod,” sagot ng puting pohar. Hindi ako umaalis sa pwesto ni Yonaphia kung kaya’t ang pananggala ko lamang at isang sandata laban sa libu-libong askesa. “Yonaphia,” tawag ko rito. Tumingin siya sa’kin na halos hinang-hina na ang kaniyang katawan. Hinawakan ko ang kamay niya. “Malalagpasan rin natin ito magtiwala ka sa iyong sarili,” seryosong turan ko. Pinunit niya ang kaniyang laylayan upang ipakita sa’kin ang bagay na ikakawasak ng aking damdamin. “H’wag kang mag-alala kaunting galos lamang ito,” turan niya at ngumiti siya. Dumurugo ang parte ng kaliwang hita niya na may maraming galos. Alam kong hindi ito basta-basta galos ng isang askesa kundi ng isang pulang usok. Usok nagiging lason kapag ito’y dumapo sa iyong katawan. “Hekada!” inis kong tingin sa kaniya. “Patawad dehar.” Yumuko siya sa harapan ko. Inilabas ko ang kapangyarihan kong yelo at araw upang ipagsama ito at matanggal ang lason sa kaniyang buong katawan. Dahil ikinulong niya sa kaniyang Ladowa ang pulang usok. Ay siya ang umako ng lason na para dapat sa akin. “Ginawa ko lamang ‘yon para iligtas ka sa pulang usok,” tumungo siya pagkatapos niyang magsalita. Naghihingalo siya. Hindi ko napigilang maiyak dahil sa ginawa niya para sa akin. Inilabas ko ang araw na kapangyarihan ko. Lumabas ito sa palad ko. “Sinasamo kita kristal ng araw damhin ang aking galit!” Sigaw ko.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD