“Nawala na rin ang dalawang hekada sa lugar ko.” Tulak ng isang Yharve na ginagaya ang kanilang Desa na masama ang pakikitungo sa kanila. “Sa iyong inaasal ay daig mo pa ang mga askesa dahil sa baho ng iyong ugali,” ang mahinang bulong ng pinakabatang Yharve.
“At sa anong akala mo munting paslit na hindi ko maririnig sa iyong mga tinuturan sa akin?” masungit na turan ni Amasya.
“Kung ikaw ay natamaan sa aking tinuran, Patawad.” Yumuko ng kaunti ang paslit at mabilis itong tumayop.
“Aba’t gan’yan kaba pinalaki ng iyong mga magulang?” naiinis na tanong ni Amasya sa paslit saka madiin na hinawakan ito sa balikat.
“Aray nasasaktan po ako,” naluluhang pahayag ng paslit kay Amasya.
“Masakit ba?” kutya ni Amasya sa paslit at mas lalo pang diniinan ang pagkahawak ni Amasya sa balikat ng paslit.
“Pinalaki nila ako ng tama ngunit hindi nila ako tinuruan ng masamang ugaling na gaya sa’yo!” ang matapang na pahayag ng paslit.
“Alam mo ba kung sino ang kaharap mo paslit?” Tanong ni Amasya sa paslit. Umiling naman ang paslit tanda ng hindi-niya-ito-kilala.
“Hindi kita kilala at hindi kita nais kikilalanin pa,” ang sagot ng paslit kay Amasya.
“Aba’t-“
Nahinto sa Bahagyang tumingin si Amasya sa leeg ng paslit may bagay itong nakapukaw ng atensiyon niya. “Ano ang nasa leeg mo.” Bahagyang sinipat pa ni Amasya kung tunay nga ang kaniyang nakita.
May tanda ang paslit na sa leeg na tatlong tatsulok katulad ng sa Bathalang Amaru. Bahagyang tumitig ang paslit kay Amasya.
“Hindi mo kailangang malaman kung ano ang nasa leeg ko,” akmang aalis ang paslit ngunit hinatak siya ni Amasya pabalik. “Saan ka paparoon hindi pa tapos ang ating pinag-uusapan,” tusong ngiti ni Amasya.
“Hindi ko alam ang iyong itinuturan sa akin,” tanggi ng paslit.
“Talaga ba?” anang pa ni Amasya sa paslit.
“Nasa saiyo kung ako ay iyong papaniwalaan,” may halong kaba sat ono ng paslit.
“Maari ba kitang dalhin sa Shamra ng mga Arbe?” Tanong nito na mas lalo pang lumawak ang ngiti ni Amasya sa kaniyang masamang plano. “Ngunit may gagawin pa ako,” pagsisinungaling ng paslit.
“Hindi muna kailangan pang gawin ang bagay na papahirapan sa buhay na ito, Paslit. Mas mainam kung ikaw ay sasama sa akin,” akmang hahatakin na ni Amasya sa braso ang paslit ngunit nagpumiglas ito.
“Saan mo ba ako dadalhin at bakit nais mo’kong kunin.” Patuloy ang pagpupumiglas ang paslit sa kamay ni Amasya.
“May kailangan lamang ako sayo kaya sumama kana sa akin,” malambing na saad ni Amasya sa paslit.
“Ayoko,”
“H’wag ka ng manlaban pa sumama kana sa akin ngayon din,” utos ni Amasya sa paslit ngunit patuloy parin ang pagpupumiglas ng paslit kay Amasya. “Sabing ayoko nga,” naiinis na pahayag ng paslit sa kaniya.
“H’wag mo akong pilitin na sumama sa’yo,” banta ng paslit kay Amasya.
Mas lalo pang tumindi ang galit ng Yharve sa paslit. Napilitan siyang dumukot ng kaunting itim na usok sa kaniyang bulsa.
“At bakit naman kita pipilitin na sumama sa akin kung may iba pang paraan upang kunin ka,” lumawak ang ngiti ni Amasya sa paslit.
Ngumiti ng patago ang paslit. May masamang plano ang paslit sa Yharveng si Amasya.
“Ano ang iyong gagawin-“ naputol ang tinuran ng paslit at humiga sa sahig dahil sa binugang usok ni Amasya sa kaniyang mukha.
Bahagyang kumislap ang liwanag sa leeg ng paslit upang manumbalik sa kaniyang ulirat.
“Namnamin mo ang mahimbing na pagtulog habang buhay,” bahagyang tumawa ang Yharve sa paslit.
Akmang kukunin ni Amasya ang kapangyarihan ng paslit ngunit hindi niya ito makuha. Sagradong bagay sa nilalang sa Antarjia ang iligtas ng isang Bathala sa kapahamakan. Ang paslit na kaharap ni Amasya ay binigyan ng Bathalang Amaru ng kapangyarihan. Ang kapangyarihang iyon ay malaman kung nagsasabi ito ng katotohanan. Akmang bubuhatin ni Amasya ang paslit ngunit dumilat ang paslit at ngumiti sa kaniya.
“Balak mo akong lasunin tama ba?” nakakalokong tumawa ang paslit kay Amasya.
Nanlaki naman ang mata ni Amasya dahil nagpamalas ng kapangyarihan ang paslit. Bahagya pang ngumiti ng nakakaloko ang paslit. “Para ka yatang nakakita ng sahal,” may tuwa ang paslit sa kaniyang tinuran.
“Batid kong hindi ka tunay na Yharve kundi isa kang espiya rito sa Antarjia,” dagdag ng paslit kay Amasya.
“Walang katotohanan ang iyong sinasabi biyaho.” Kumilos agad si Amasya at sinakal ang paslit. “Sumpain man ni Amang Demviada ang kaluluwa ng kanunuan ko ay nagsasabi ako ng totoo,” nahihirapang magsalita ang paslit.
“Hindi ako natatakot sa’yo,” sarkastikong turan ng paslit sa kaniya.
“Taksil ka at patuloy kang magiging taksil.” Dinuro niya ang hawak ni Amasya na buhangin.
“At mas lalong hindi ako natatakot na paslangin ang paslit na katulad mo,” sagot ni Amasya sa paslit.
Bahagyang ngumiti lamang ang paslit na nagngangalang ‘Alab’
“Nawa’y mapatawad ka sa matindi mong kasalanan, Amasya,” matalinong talinhaga ni Alab kay Amasya.
“Ikaw ba ang nehara na iniligtas ng Bathalang Amaru?” huling tanong ni Amasya kay Alab. “Nakatago sa lihim, Dilim ay magniningning ang kabutihan ay h’wag pigilin,” ang engkantasyon ni Alab sa espiyang Yharve sa Antarjia.
Akmang itatarak ni Amasya sa pisngi ang paslit ng may pumigil sa kaniya upang gawin ito.
“Dimanra (tigil) Amasya, pati ba naman paslit ay iyong papatulan,” kunot noong pahayag ni Sinang sabay hatak ng kamay ni Amasya sa paslit. Tumingin lamang ng masama si Amasya kay Sinang at sa paslit.
Nagbalik sa ulirat si Amasya ngunit wala na siyang matandaan na nangyari. Hindi na rin alam ni Amasya ang kaniyang gagawin sa paslit upang makuha niya ang kapangyarihan nito. Nagmistulang walang muwang at bumalik sa pagkabata ang isip ni Amasya.
“Ikaw ba ay walang muwang at papatulan mo itong paslit,” duro ni Sinang kay Amasya.
“Sandali, wala kang karapatan para ako ay pigilan mo,” diniinan pa nito ang salitang ‘karapatan.’ “At wala karin ‘Karapatan’ na patulan ang paslit,” dugtong ni Sinang
Tumingin ang paslit kay Sinang na labis ang pasasalamat sa ginawa nitong pagtanggol sa kaniyang buhay. Ngumiti naman bahagya ang paslit kay Amasya saka inilabas ng paslit ang dila nito na tila ba nangutngutya.
“Kay talas pala ng pandinig ng isang mahinang Yharveng gaya mo,” kutya ng paslit kay Amasya.
Ngunit naguguluhang tumingin si Amasya sa paslit na parang hindi niya ito nakilala sa unang pagkakataon. “Sino kayo?” walang muwang na tanong ni Amasya sa kanila.
“Anong kailangan niyo sa akin,” nalilitong saad ni Amasya sa maraming Yharve.
Maraming bulungan ang naganap sa palasyo. Nalilito rin si Sinang dahil sa inasal ni Amasya. Tumingin si Amasya sa lahat na para bang inaalam ang kani-kanilang pangalan. May ilang natawa at mailan naman na naawa dahil sa inasal ni Amasya.
“Anong kailangan?” Naguguluhan na tanong pabalik ng Sinang kay Amasya.
Kumunot ang noo ni Amasya at tumingin sa paslit ngunit mabilis naman itong tumingin kay Sinang. “Ayos ka lang ba…”
Tumingin ng diretso si Alab kay Sinang saka tumango ito. Pagkatapos ay tumingin si Sinang sa biyahong Amasya. “Sinang,” tawag ni Alab kay Sinang.
Tumingin naman si Sinang na nag-aalala na parang isang magulang. “Bakit.” Hinawakan ni Sinang ang balikat ng paslit ngunit may ngiti na may pag-aalala na bumabagabag kay Sinang.
“Pinagtangkaan niya po akong paslangin Sinang,” pahayag ng paslit. “Kaya pala iba ang pakikitungo niya kumapara noon” Tumingin si Sinang ng masama kay Amasya.
“Ngunit paano niya papaslangin ang isang paslit, Ano ang motibo niya?” sabat ng kaibigan ni Amasya si Shibal.
“Pa-pas-la-ngin,” mabagal pagbigkas ni Amasya sa salitang ‘paslangin’
“Amasya,” tawag ni Sinang sa Yharve.
Hindi naman tumingin si Amasya kay Sinang at patuloy lamang sa pag-tangis ang walang muwang na Yharve. “Tila kung umasta siya ay daig niya pa ang paslit,” sabat ni Liway at hinaplos si Alab sa mukha.
“Tama ka Liway, Batid kong parang may kakaiba sa Yharveng ito,” sang-ayon ni Sinang kay Liway.
May natanaw na isang pulang buhangin si Liway sa sahig. “Sa palagay ko ay ito ang patunay na totoo ang sinasabi ng paslit sa atin.” Dumakot ng pulang buhangin si Liway.
“Hindi ka makakakuha ng buhangin na ito kung hindi ka kaanib ng isang organisasyon,” pahayag ni Liway sa mga Yharve.
Pinagmasdan niya ng maigi ang pulang buhangin na animo ay may sumpa.
“Organisasyon,”
“Organisasyon sa kailaliman ng kaharian ng Antaria,” dugtong ni Liway kay Sinang.
“Nakapagtataka at bakit marami kang nalalaman sa bagay na pang-ilalim na lupa?” ang pabirong tanong ni Sinang kay Liway.
Bahagyang tumingin naman ang paslit kay Liway at binabasa nito ang nasa isip ni Liway. Bahagya ngumiti ang paslit dahil nagsasabi ito ng pawang katotohanan lamang.
“Nung kapanahunan ng Inang Reyna Minervah ay ako ang naatasan na bantayan ang kaniyang koleksiyong kagamitan sa kaniyang silid, Ang turan sa akin ng reyna. Ang mabuting Arbe ay gumamit ng asul na buhangin samakat’wid ang pulang buhangin ay ginagamit ng masamang Arbe. Nakita ko rin na madalas gamitin ng mga Arbe ang buhanging pula upang linlangin ang kanilang mga kaaway sa digmaan ng mga Bathala at mga Askesa,” ang mahabang kwento ni Liway.
“Sapagkat hindi mahahawakan ng masamang Arbe ang asul na buhangin dahil sa basbas ng Bathalang Amaru,” dagdag pa ni Liway. “May isa pa akong katanungan, Kung hahawakan o masabuyan sila ng asul na buhangin. Ano ang mangyayari sa masamang Arbe?” may kabuluhang tanong ni Sinang kay Liway.
“Sila ay magiging abo na kalaunan ay magiging gintong buhangin,” salaysay ni Liway.
Maraming nagulat na sa tinuran ni Liway. Nagkaroon ng bulong-bulungan sa silid at tumahimik naman ito kinalaunan ng dumating si Bathalang Zedamyah.
Hindi pa natatapos ang kanilang usapan at nagbigay sila ng paggalang sa Bathala. Sa taas ng Bathalang Zedamyah ay halos mabali na ang kanilang leeg dahil sa taas nito.
“Ano ang nangyayari rito?” ang tanong ng Bathala.
Akmang magpapaliwanag na sana si Sinang ng biglang tunghayan ng bathala si Alab. Umiiling-iling na lamang patago si Alab at ibinalik ang memorya Amasya upang ipakita kung ano ang tunay na ugali ni Amasya sa buong Antarjia. Agad na inagaw ni Amasya ang paslit na hawak ni Sinang at tinutukan ito ng matilos na punyal. Nanlaki ang mata ng mga Yharve.
“Isle dur!”