Ikatlong Pananaw
Ngunit may isang problema. Ang kristal na susi ng Antarjia ay nawawala. Ngunit malaking katanungan parin ito sa kanila lalo na kay Amaru kung sino ang sinsabi ng dating reyna na isang taksil na kadugo.
Ang biglang paghahanda ni Bathalang Dionysus ng isang hapunan nang mga nagwagi sa digmaan laban sa kasamaan ay bukangbibig sa iba’t ibang dako ng kaharian. Kilala ang Bathala ito sa ‘pagkawasak’. Ngunit mabuti ang Bathalang ito. May maamo siyang mukha at may puting mahaba na buhok. Bilugan at asul ang mata nito. Nasa ikalimang bathala ang panlimang kristal siya ang pangalawa sa bunsong magkakapatid bago kay Amaru.
“Ajaro Bathalang Yonaphia” Nakayukong bati ng mga Yharve sa bathala ng makita nila bathala na papunta sa kanilang kinaroroonan.
“Anong kaganapan rito,” ang pauna ni Yonaphia sa mga isang Yharve.
“Po,” ang naguguluhan ng wika ng isang Yharve.
“Bakit kayo naglalagay ng mamahaling pagkain sa mesa,” anang pahayag ni Yonaphia.
“Ah, eto po ba…”
“Oo,” ang sagot ni Yonaphia.
“Ipinag-utos po sa amin ng bathalang Dionysus na maghanda para sa isang salu-salo,” ang pantas na sagot ng Yharve.
“Ano ang iyong tinuturan na salu-salo,” bahagyang napakunot ang bathala. “Ang turan po sa amin ng bathalang Dionysus ay maghanda lamang po kami ng salu-salo,” ang walang palihoy ligoy na sambit nito.
"Ganun ba," nawala ang kunot sa noo ng bathala. "Siya nga po, Bathala," ang magalang na sagot ng Yharve sa Bathala.
"Pagbutihin niyo sa inyong paghahanda," anang ng Bathala. "Masusunod Bathalang Yonaphia" Tumungo ito tanda ng pag-galang.
"Maari ko ba kayong tingnan sandali," may pag-uutos na tinig ang Bathala.
"Ma-maari po?" ang tanong ng dalawang Yharve.
Kaya napatingin sa gawi nila ang Bathala. May pag-aalinlangan sa kanilang mukha na tila na wiwirduhan sa ugali ng Bathala.
"Kung gayon ay mainam," ngumiti ng bahagya ang Bathala pagkatapos niyang magsalita.
"Tila may kakaiba sa ating Bathala," ang mahinang bulong ni Liway isang Yharve sa kaniyang kasama. "Gan'yan rin ang aking napapansin, Liway" tinipon ni Sinag ang mga platito.
"Ngunit baka..."
"Baka ano," singhal ni Sinag.
"Wala naman sigurong nagbago sa Bathala. Kung mayroon man ay wala tayong pakiaalam roon," mayroong pagmamataas na tono ni Sinag.
"Maaring tama ka sa iyong tinuturan," ang wika pa ni Liway..
"Kiinakatha ng iyong isipan na mayroon na nagbago," ang paliwang sa opinyon ni Sinag.
"Ano ang nais mong palitawin," magalang na turan ni Liway sa kaniyang kasama.
"Namali ang nasa isip mo," ang sagot ni Sinag.
"Doje ibwa," ang masayang pagtanggap ng pagkakamali ni Liway.
Habang nakikipag-usap sa mga kawal si Yonaphia ay sinundan naman nila ng tingin ng dalawang Yharve si Liway at Sinag. Nakatingin ito sa kinaroroonan ng bathala. Pawang nagmamatyag sa kinikilos nito. Ngunit si Sinag ay saglit lamang na tumingin sa bathala.
Napagawi ang tingin ni Liway sa t'yan ng bathala. Natuptop niya ang kaniyang bibig.
"Palagay ko ay hindi ako nagkakamali," totoo ang kaniyang wika ni Liway.
"Ano ang iyong tinuturan?" anang ni Sinag.
"May kakaiba sa Bathala," bumaling si Liway. "Sa palagay ko ay may malaking hiwa sa t'yan at hita ang Bathala," seryosong pahayag ni Liway.
Sandaling tumingin si Sinag sa kinalalagyan ng Bathala.
"At paano mo naman 'yon nalaman," usal ni Sinag. "Tinuran ba sa'yo ng Bathala na siya ay may sugat,"
Malakas ang palagay ni Liway na nasusugatan rin ang mga Bathala lalo pa't hindi pa ito humihilom. Sa tantya niya ay malalim itong sugat na mula na mabangis na nilalang sa Antarjia.
"Hindi," sagot ni Liway.
Patuloy parin sa pakikipag-usap ang Bathalang Yonaphia sa mga kawal.
"Paparating na ang Desa," ang babala ng Shedi (pangalawang sa lider)
Naudlot ang kwentuhan ng mga Yharve dahil sa balita. Paparating na ang matapang na Desa.
"Bali-balita sa kaharian ng Ylaria ang pamumuno ng ating bagong Desa," ang mahinang bulong ni Liway sa mga Yharve.
"Anong balita ang iyong nasagap," ang Yharveng nais makakaalap ng impormasyon.
"Bali-balita na napakarahas ng ating magiging Desa, Napaka-hambog at masakit kung magsalita," ang pahayag ni Liway.
"Nakakatakot naman," wika ng may hawak na may hawak ng platito.
""Nagpapakita lamang siyang mabuti ngunit ang totoo ay hindi," dagdag pa ni Sinag.
"Matapang ang ating Desa, wala itong awa kapag ikaw ay nagkamali sa kaniyang pinapautos," turan ni Liway.
Kumilos ang mga Yharve nang mabilis upang hindi maabutan ng Desa. Ang ilan ang inilapag ang pinggan pati ang gagamitin mga tela para sa hapag.
"Davar (maghanda)," sigaw ng Shedi sa mga Yharve.
Umihip ang Shedi ng trumpeta sa paghahanda ng mga Yharve.
Ang mga Yharve ay sumunod at humilera sa isang tabi. Upang bigyan ng mainit at masayang panimula ang Desa. Lahat sila ay kinakabahan sa pagdating ng Desa.
Katahimakan ang namutawi sa silid ng mga Yharve ng narinig nila ang yabag ng Desa.
"Qena devan Yharve, ishte Desa Antarjia (Magbigay pugay mga Yharve sa pagdating ng bagong Lider sa Antarjia," ang matapang ngunit may alab sa pusong pagnati ng Shedi sa Desa.
Bahagyang tumungo ang lahat ng Yharve at nagbigay galang sila sa bagong Desa.
"Doje ibwa ngunit nagmamadali ang ating Bathalang Dionysus sa isang salu-salo," pahayag ng Desa kaya napatingin ang mga Yharve sa kinaroroonan ng Desa.
"Sa tingin ko nga ay tama ang iyong tinuturan Liway," mahinang bulong ng isang Yharve na kanina lamang ay may hawak na platito.
"Ngunit malalaman natin ito kung may isang magkakamali," bulong ni Liway sa Yharve.
"Magkakamali?' gulat na tanong ng Yharve kay Liway. "Ano ang nais mong palitawin?" dagdag ng Yharve.
"Basta panoorin mo na lamang ako sa susunod kong gagawin," ang may tono na pagmamayabang ni Liway.
Bumalik ang dalawa si Liway at Yharve sa pagbibigay galang. Nakatungo sila.
Walang kumikibo.
Kinakabahan ang bawat isa.
"Kalat sa buong kaharian ang nais ng Bathalang Dionysus na magkaroon ng salu-salo kaya magmadali." Pumalakpak ang Desa na nagpakabog sa dibdib ng maraming Yharve.
Kaniya-kaniya ang kanilang estasyon sa paghahanda ng salu-salo. Mayroong estasyon ng alak.
"Buksan niyo ang mga pinaka-masarap na alak na nakatago sa ating mga banga," utos ni Desa (lider ng mga Yharve).
"Madali!" ang pasigaw na utos ng Desa.
"Masusunod po Desa," mapait na ngumiti ang mga Yharve sa Desa, dahil sa pagmamadali nito sa mga Yharve.
"Magseryoso kayo sa inyong ginagawa, rede pohar" inis ng Desa.
"Ayusin niyo ang pagkakahilera ng mga tasa at kutsarita,' ang maawtoridad na utos ng Desa. 'Ayoko sa lahat ng pakupang-kupad. Nagkakaintindihan ba tayo?" pabagsak na umup sa upuan ang Desa.
"Masusunod po," sagot ng mga Yharve.
Ang mga Yharve ay mabilis nilang inayos ang mga tasa at kutsarita. Ang iba naman ay nagwawalis at naglalampaso ng gintong sahig.
"Bilisan ninyo ang pagpunas mga hekada," ang gigil na turan ng desa.
"Bilisan niyo ang inyong pagkilos, mga makukupad," ang naiiritang sigaw ng Desa sa mga Yharve o isang alipin.
"Masusunod mahal na Desa," nagmamadaling tugon ng mga Yharve.
"Ilikom niyo ang mga gamit na dapat ipusin," ang utos ng Desa.
Natigilan ang lahat ng matilapid ang isang Yharve na si Sinag. Nalaglag niya ang tatlong platito.
"Tumingin ka sakin!" nagpupuyos na galit na sigaw ng Desa.
Nanginginig man ang katawan ni Sinag ay pilit siyang tumayo upang harapin ang Desa.
"Patawad po, Mahal na Desa." pagmamakaawa ni Sinag sa Desa.
"Hekada, tatlong pirasong platito ay nagawa mo pang ibagsak?" ang bulyaw ng Desa kay Sinag.
"Hindi na po mauulit, patawad po." Lumuhod si Sinag sa harapan ng Desa.
"Aba dapat lang." umupo ang Desa sa isang gilid.
'Ano pa ang iyong hinihintay?' masamang tumingin sa kaniya ang Desa "Hinihintay mo pa bang ako ang dumampot sa iyong kalat," kunot nong pahayag ng Desa kay Sinag.
"Mangyayari lamang 'yan sa iyong panaginip," pahayag ng Desa.
Kumilos na lamang si Sinag. Habang si Liway naman ay nagngingit sa galit.
"Bilang kaparusahan sa iyong sala ay kailangan mong magsama ng isang Yharve upang magsilbing tagabantay sa dalawang bathala," ang mahabang pahayag ng Desa.
Nanlaki ang mata ni Sinag at Liway dahil yun ang kaniyang mithiin na imposible. Ang bantayan at alagaan ang mga Bathala.
Para sa mga normal na Yharve ito ay isang malaking obligasyon. Dahil sa mga laban ng Bathala ay sila ang unang magbubuwis ng buhay para sa Antarjia.
"Sa palagay ko ang kukunin ni Sinag na katuwang niya sa pagbabantay ay si Liway," saad ni Adar.
"Sa palagay ko rin," sang-ayon ni Ada na isang Yharve rin katulad niya.
'Napakaselan ng kanilang gagampanan,' mapaklang ngumiti ang Desa saka bumalik ang maayang mukha nito. "Ngunit hindi yata makatarungan Desa ang iyong hatol," agaw atensiyon ng Shedi.
"Kinikwest'yon mo ba ang aking hatol sa Yharveng 'yan?" duro ng Desa kay Sinag.
'Siya ay nagkamali,' masamang tumingin ang Desa sa mga Yharve. "Ngunit hindi ito ang kasagutan Desa," ang matapang na turan ng Shedi.
"Para saan pang naging ako'y Desa ninyo, kung ang kagustuhan ninyo naman ang masusunod," walang habas na turan ng Desa sa Shedi.
"Ikaw' nagsimula ng magturo ng Desa sa mga Yharve. "A-ako po?' gulat na tanong ng isang Yharve si Sebal. "Siya nga,"
"Nakita mo ba ang nangyari kanina lamang." Lumipat ang Desa sa dulong pader upang puntahan ang kinaroroonan ng Yharve-si Salbe.
"Opo, mahal na Desa," magalang na tugon ni Sabel sa Desa.
"Ngunit mali parin 'yun, karapatan nilang iligtas ang kanilang sarili," ang paliwanag na panig ng Shedi sa Desa.
"Iligtas saan?"
"Sa kamatayan siya mamatay," asik ni ng Desa.
"Kayong lahat itutuloy ba natin ang hatol,"
Ano ang nais mong igawad kong kaparusahan. Ang pabayaan na lamang na tumubo ang sungay sa kaniyang noo, Dahil kinukusinti niyo rin ang pagkakamali ng Yharveng ito?" tumaas ang tono ng Desa.
Ayaw ni Sinag na magtago na lamang habang buhay sa isang silid kung saan niya unang iminulat ang kaniyang mata.
Bilang tagabantay ng mga Bathala ay isusulat nila sa kanilang talaan ang nangyari sa mga Bathala.
"Akin pong lubos itong tatanggapin, Doje Ibwa Desa," tumatangis na turan ni Sinag.
Sa wakas ay makakalaya na siya sa silid ng mga taga-silbi. Nangarap siya ng mataas ngunit siya ay nagtiwala sa magagawa ng panalangin.
Ang dalawang Yharve naman na si Adar at Ada at patagong tumawa ng nakakaloko.
Ginaya naman ni Liway ang itsura ng Desa na waring tinutuya dahil sa masungit na ugali ng Desa.
"Ano ang iyong ginagawa?" ang mahinang tanong ni Sinag.
Patagong nagtawanan ang mga Yharve ngunit patuloy lamang si Liway sa pangungutya patalikod sa kanilang Desa.
"Liway," mahinang sita ni Sinag sa kaibigan nito.
"Ako ang bahala," ngumisi pa si Liway kay Sinag matapos na sitahin niya ito.
"Malilintikan tayo sa ating Desa, Hashde" hinigit niya ang braso ng kasama niya.
"Hindi siya ang bathala para sundin," ang mahinang sita ni Liway kay Sinag.
"Maghulos dili ka sa iyong pananalita Liway, baka tayo ay marinig niya," ang sita ulit ni Sinag.
"Siya lamang ay isang katulad natin,"
"Liway," mahinang tawag ni Sinag.
"Ngunit yun ang totoo," ang matapang na sagot ni Liway.
"Kung makapag-utos ay akala mong kung sino'ng Bathala," ang pahayag ni Liway kay Sinag.
"Kay raming panauhin, h'wag kayong pakupad-kupad,"
May nais na tingnan ang Bathala kaya bumalik ulit sa silid. Hindi ito bagay o nilalang sa Antarjia ngunit isang pagkain. Sa kinaroroonan ng makukulay na Kielo(ubas). Kinuha ng Yharve ang malalaking Kielo(ubas) na paborito niya.
"Kay siba pala ng bathalang 'yon" nguso niya sa bathalang Yonaphia habang nakatalikod.
Maliwanag na naririnig ni Yonaphia ang pinag-uusapan ng mga Yharve.
"Isang sako ang nauubos ng masibang bathalang iyan kapag kumukuha ng kielo," ang mahinang bulong ng Yharve sa kasama niya.
"Waring may laman ang bathalang iyan na sawa sa kaniyang t'yan." Natuptop ng Yharve ang bibig nito saka mahinang tumawa. "Siguro nga..."
Natatawa na lamang si Yonaphia dahil naririnig niya ang pinag-uusapan ng dalawang Yharve.
"Dambuhalang sawa," ang ulit pa ng nasa kabilang lamesa na Yharve.
"Hekada," walang habas na wika ni Yonaphia sa inis.
Akala nila ay papalampasin ito ng bathalang Yonaphia ngunit hindi. Nagtawanan ang mga Yharve ngunit patago upang hindi marinig nino man. Lalo na ang Bathala.
Dahil may natatagong kulit na ugali rin si Yonaphia ay pinag-diskitahan ang dalawa na gawan ng himala.
Mahinang pumitik si Yonaphia sa hangin saka umihip ng dalawang beses bago pumalakpak ng dalawa.
"Mahabaging Demviada," gulat na sigaw ng Desa ng makita ang wangis ng dalawa Yharve.
"Aba't ano ang nangyayari at tila nagsisitayuan ang inyong mga buhok," ang gulat na saad ng isang Desa.
Ang desa ay pinuno ng mga Yharve siya ang unang ninuno na nagsilbi sa kamay ng dating reyna at hari na Antarjia.
Nagtinginan ang dalawang Yharve sa kanilang itsura. "Tila naging wangis ka ng yantok sa ilalim ng dagat, Liway," ang ngutya ng isang kasama nito.
"Hekada Asbeda, Sinag," ang bulong na inis ng Yharve sa kasama niya.
Lumapit ang Desa sa kanila upang kausapin sila. Ngunit hindi pa nakuntento ang bathala at ginawan pa ito ng mahika.
"Kurum ihir penma(nais kong lumipad sila sa-" naputol ang mahika ni Yonaphia ng sumulpot sa likuran niya ang isang bathala.
"Pasaway na Ilra," umiling-iling si Dionysus bago samaan ng tingin ang kaniyang Ilra.
"Hashde ilra dunerba Yharve? (Nasisiraan kana ba ng bait at tila mga Yharve ay iyong ginagamitan ng mahika?") umiling-iling ulit ito.
"Duwabna keshri fie' (kailangan silang parusahan,") ang naiinis na turan ni Yonaphia kay Dionysus.
"Idisre duwabna fie' (Bakit sila kailangang parusahan?") ang nalilitong tanong niya sa kaniyang Dehar.
"Dahil dapat silang disiplinahin," ang maikling sagot ni Yonaphia kay Dionysus.
"Ngunit pamalagihin natin na pagiging mapatawarin yan ang utos sa atin ng ating Ina," ang malambing na pahayag ni Dionysus kay Yonaphia.
"Siyang tunay, ngunit hindi ko mapapangako sa ating ina na hindi ako magagalit," seryosong turan ni Yonaphia kay Dionysus.
"Ano pa nga ba ang magagawa ko sa pasaway kong ilra," ang pabulong na kutya ni Dionysus sa kaniyang Ilra.
"Hekada, naririnig kita," may banta ang pagkakasabi ng Bathala.
Natawa na lamang ang Bathalang Dionysus sa asal ng kaniyang Ilra(panganay na kapatid)
"A-anong ginagawa mo rito," gulat na pahayag ni Yonaphia kay Dionysus.
"Gusto ko lamang maglibot sa palasyo, Ikaw" kumuha ng kapirasong Kielo ang Bathalang Dionysus.
"Narito rin ako dahil..."
"Dahil ano aking Ilra?" ang kunot na tanong ni Dionysus kay Yonaphia.
"Dahil gusto ko lamang na tumulong sa paghahanda," tipid na sagot ni Yonaphia.
"Wari'y nakakapanibago dulot ng dati, hindi mo nagawang lumabas sa iyong silid," bulas ni Dionysus kay Yonaphia.
"Maraming nagbabago at marami pang magbabago," kibit balikat na sagot ni Yonaphia.
"Tama ang iyong sinabi, Marami talagang magbabago..."
Umupo ang dalawang Bathala sa isang gintong silya. Magkaharap silang dalawa. Katahimikan ang nabalot sa magkapatid. Tumingin na lamang sila sa ginagawa ng kanilang dehar.
Naglalakihang mga palamuti sa palagid, Sa poste, haligi, hagdan at iba pang bahagi ng palasyo.
Lumilipad ang mga kagamitan na gagamitin para sa salu-salo. Naglalakihang mga pagkain at mga inumin mga alak. Mga mararanyang upuan, kubyertos at palatito.
Sa bawat pader na madaraanan ay may bituin na mistulang umiindak sa tuwa.
Iba’t iba ang kulay ng mga palamuti may lila, kahel, berde, dilaw, puti at bughaw na sumisimbulo sa mga bathala ng Antarjia.
Ang gintong tela naman ay para sa pinakamataas nilang bathala si Amang Demviada. Para bang walang nangyaring digmaan at nawalan ng mahal sa buhay.
“Tila malalim ang iyong iniisip, Dehar” ang malungkot na turan ni Amaru kay Yonaphia.
"Wala ito Dionysus-" napatigalgal siya ng iba ang nasaharapan niya.
"Ikaw pala..."
"Amaru," may alinlangan sa mukha ni Yonaphia.
"Nasaan naparoon ang kausap kong si Dionysus," tumaas bahagya ang kilay ni Yonaphia.
"Lumisan siya upang magpahangin," matipid na sagot ni Amaru.
"Hekni dur (ganun ba),"
"Viche (Oo)," sagot niya.
"Mayroon pa akong nais na sabihin sa kaniya, ngunit baka masira ko lamang ang magandang araw niya..."
"Ngunit ayos lamang ako," ang wika ni Yonaphia saka ngumiti sa kaniyang dehar.
"Sigurado ka?" ang nag-aalalang tanong ng bathala sa kaniya.
"Magaling na ba ang iyong sugat?" ang nag-aalang tanong ni Amaru kay Yonaphia.
"Wala ito," ang mahinang sagot ni Yonaphia.
"Ano ba ang nagpapabagabag sa'yong kalooban," ang tanong ulit ng bathala kay Yonaphia.
"May naalala lamang ako ngunit hindi naman ito gaanong kaimportante," pagsisinungaling ni Yonaphia kay Amaru.
"Ngunit kung nais mong may karamay ka sa iyong problema, Narito lamang ako sa iyong tabi," nakangiting pahayag ni Amaru kay Yonaphia.
"Doje Ibwa, hekbe najadei (Maraming salamat at nariyan kasa tabi ko,"
Tumango na lamang si Amaru sa kaniya at si Yonaphia itinuon ang atens'yon sa mga nag-aayos ng palasyo.
"Mawalang-galang na ngunit mas mabuti kung ihahatid na kita sa iyong silid,"