Kabanata Labing Dalawa

1512 Words
y Kabanata XII y Lahat ay naghanda dahil sa nangyari kakaiba sa Yharve na si Amasya. Maging ang Bathalang si Zedamyah ay hinanda ang kaniyang kapangyarihang kidlat sa masamang lakad ni Amasya. “Amasya, ibaba mo ang iyong sandata kung ayaw mong masakta ka,” utos ng Bathala rito ngunit tumingin lamang ng masama ang Yharve sa Bathala. Si Amasya at ang Bathalang Zedamyah ay matagal ng magkaibigan simula pa noong paslit ang mga ito. Kaya Malaki ang tiwala ni Zedamyah sa kababata nito noon pa man. Ngunit nagbago ang pakikitungo ng Bathala sa nakikita niya ngayon. “At bakit ko naman sa’yo ibibigay ang sandata ko, Deyurva (Kaibigan) sumingkit ang mata ni Zedamyah dahil sa tinuran ni Amasya. Sa palagay niya ay wala na talaga sa wisyo ang kaniyang Deyurva dahil sa lason ng kapangyarihan ng sinoman. “Pakiusap Amasya ibaba muna ang Amore na hawak mo upang hindi ka masaktan,” lumapit ang Bathala rito pero habang nangyayari ito ay hindi niya ginagamit ang kaniyang kapangyarihan. “Hindi mo ako mapipigilan sa nais kong gawin,” usal niya sa Bathala na para bang pinagtatabuyan na nito ang pagkakaibigan nilang dalawa. Ang iba pang panauhin ay umatras dahil sa nagaganap sa silid ng mga Yharve. “Patawarin mo ako sa aking gagawin aking Deyurva ngunit para sa’yo rin ito,” malungkot na turan Bathala kay Amasya. “Quebe nelerda ishmeraneva ir,” utos ng bathala sa lahat ng naroon. Inutos niya na ipikit ang kanilang mga mata upang hindi nila makita ang pangyayari na magaganap sa loob ng silid. Nais na tanggalin ng Bathala ang lason na kapangyarihan ng kalaban sa kaniya. Nais niyang magbago ang kaniyang kaibigan sa pangalawang pagkakataon. Nagulat ang panauhin sa malakas na dagundong ng kidlat sa kanilang silid. “Amasya ibekanevar mi deji mos,” utos ni Zedamyah kay Amasya. Nawalan ng ulirat ang makasalanang Amasya. Nakawala ang paslit sa bisig ni Amasya. Yumakap ang paslit na tumatangis sa Bathala. “Doje Ibwa, Bathalang Zedamyah,” humagulgol ang bata sa tuhod ni Zedamyah. Ngunit dahil sa taas ng Bathala ay siya ang yumuko upang yumakap sa paslit. “Walang anuman, Alab.” Yumakap pabalik ang Bathala. Hindi niya alam ngunit kumirot ang puso niya dahil sa ginawa ng paslit sa kaniya. Malambot ang puso ng Bathala sa mga paslit lalo na sa paslit na ito. “Maayos na ang lahat wala ng magtatangkang saktan ka.” Hinawi niya ang buhok ng paslit sa mukha. Tumingin si Zedamyah sa biligang mata ng paslit. Kulay lila ang mata ng paslit kasing-kulay ng Bathalang Amaru. Si Amaru lamang ang may kakaibang mata sa lahat ng Bathala dahil sa lakas ng kapangyarihan na hawak nito. Nanlaki ang mata ng Bathala nang makita ang palantaan sa leeg ng paslit. Tanda ito ng mayroon rin siyang natatagong lakas galing sa isang Bathala. Iniisip ni Zedamyah kung kanino niya nakita ang marka na ito. “Ikaw ba ang nehera na iniligtas ng aking dehar na si Amaru?” Tanong ng Bathala kay Alab. Tumango lamang si Alab at ngumiti ito na may gaak sa puso ng paslit. “Opo,” ang magalang na sagot ng paslit sa Bathala. “Kaya pala ganon na lamang ang pagnanais ng huwad na Yharve na kunin ka,” usal ng Bathala bago bumuntong hininga. “Ano po ang ibig ninyong palitawin, Bathala ng Kidlat?” saysay na tanong ng paslit sabay hawak sa kaniyang leeg na pilit na tinitignan ito. “…ay dahil may kapangyarihan ka, Hindi ka pangkaraniwang nilalang rito sa Antarjia,” tatas na sagot ni Zedamyah. “Ang ibig po ba ninyong sabihin ay katulad niyo rin po ako na isang¾” naputol ang saad ng paslit ng biglang sumulpot sa kanilang harapan ang Bathalang Amaru at may tinuran sa kaniya ito. “Ginawaran kita ng kaunting kapangyarihan, ngunit hindi ibig sabihin nito ay tulad ka namin na isang Bathala,” ang paliwanag ni Amaru. “Bathalang Amaru.” Yumakap ng mahigpit ang paslit kay Amaru. Sa tuwa ng paslit ay tumangis ito sa harapan ng Bathala. Dahil iniligtas ni Amaru ang buhay nito sa bingit ng kamatayan. “Ikaw na ba ang nehera na iniligtas ko sa digmaan?” may tuwa sa labi na tanong ni Amaru. “Opo, A-aako po ang neherang ‘yon.” Yumakap ulit ang palit kay Amaru. Ngumiti si Zedamyah sa kaganapan na nangyayari sa kaniyang paligid. Ngayon lamang niya nakita si Amaru na ngumiti na walang alinlangan. Noong kasi ang kanilang Amang Reyna Minervah at Haring Hikarus ay nagmistulang tahimik at napaka-seryoso ng kaniyang nebe dehar (bunsong kapatid) Pagkapos na yumakap ng Bathala sa paslit ay nag-usap sila ni Zedamyah. Sumeryoso ang mukha ni Amaru dahil may misyon pa siyang kailangan na tapusin. Nais ni Amaru na hanapin ang sagot sa bugtong ng dating Reyna Yamrah. “Ipagpatawad mo ngunit hindi makakadalo sa gaganaping salu-salo mamaya, Ilra(ate) mamaari mo bang ipaabot ito kay Ilra Yonaphia,” malungkot na turan ni Amaru. “Makakaabot ito ngunit ang isa nating dehar na si Dionysus ay magdadamdam sayo sapagkat ikaw ay wala sa gaganaping salu-salo,” ang babala ni Zedamyah kay Amaru. Bigla namang sumagi sa isipan ni Amaru na may hindi sila pakakaunawaan ng kaniyang dehar. Nagdamdam si Amaru kay Dionysus dahil sa isang lihim na hindi sinasabi ni Dionysus. “Patawarin nawa niya ako ngunit may nais akong tapusin,” dagdag ni Amaru. “Masusunod,” “Hanggang sa muli paalam.” Tumungo si Amaru bago ngumiti kay Zedamyah. “Ngunit saan ka pala paroon?” Tanong ni Zedamyah. Ginawaran lamang ni Amaru si Zedamyah ng isang makahulugang ngiti na hindi niya nais na sabihin nito kahit kanino man. “Malalaman mo rin sa aking pagbabalik,” may pananabik sat ono ng Bathla. “Bathalang Amaru,” paunang tawag ng paslit kay Amaru ng akmang maglalakad ito palayo sa kaniya. Akmang maglalaho si Amaru ngunit mabilis na kumaripas ng takbo ang paslit patungo sa kinaroroonan ni Amaru. Kumapit ang paslit sa braso ng Bathala upang sumama sa mahabang paglalakbay. “Paslit!” Sigaw ni Zedamyah sa paslit at akmang hahabulin nito ang Paslit upang hablutin papalayo sa Bathala. Napakunot naman ang noo ni Zedamyah dahil sa kakaibang kapangyarihan na mayroon sa paslit. Nagbalik tanaw sa kaniyang isipan ang pagkita ng simbolo sa leeg ng paslit. “Hindi pangkaraniwang simbolo ang nasa leeg ng paslit, Maaring siya rin ay maging isang Bathala na mas malakas sa amin,” bulong ng Bathalang Zedamyah sa kaniyang isipan. Agad naman sumulpot sa kaniyang tabi ang kaniyang dehar na si… “Dionysus ako ay iyong ginugulat,” walang anu-ano’y turan nito sa gulat ng paslit. “Patawad kung ikaw ay aking nagulat,” may tuya sa mukha ni Dionysus. “A-ano pala ang ginagawa mo rito?” ang paunang tanong ni Zedamyah upang ibahin ang usapan. “Ako?” Tumungo si Zedamyah. Pumitik si Dionysus at lumipad ang dalawang kupita sa himpapawid na may lamang alak na may matapang na antas na sangkap. “Ako lamang ay naparito dahil nais kong tingnan kung ano ang kalagayan rito sa silid, dahil isang salu-salo.” Nilagyan pa katas ng ubas ang kanilang alak. “Ganon ba,” saad nito. “Maari ba kitang ayain uminom ng alak,” alok ni Dionysus sa kaniyang Ilra. “Ako ay busog pa maaring ikaw na lamang ang uminom ng alak,” pahayag ni Zedamyah. Tumaas naman ang kilay ni Dionysus. “Hindi ito pangkaraniwang alak ng kaunti ang sangkap, Ito ay ilang dekada na inireserba para sa mga Bathala,” depensa ni Dionysus kay Zedamyah. Tumayo si Dionysus sa gilid na kinauupuan ni Zedamyah. May naisip na plano si Zedamyah upang hindi niya matikman ang alak. “Bakit hindi mo muna ikaw ang uminom ng alak,” tumawa ito ng bahagya. “At sa anong tingin mo, May lason na nakalagay sa alak,” gulat na pahayag ni Dionysus. Tumaas pa ang kilay ni Dionysus ng ibalik ni Zedamyah sa lagayang bituin ang kupita na may lamang alak. “Wala naman akong tinuran na may lason ang alak sa kupita,” tuya ni Zedamyah sa kaniyang kapatid. “T-tama ka,” namamawis ang noo ni Dionysus dahil sa isang pangbibintang. “Sa palagay ko ay kailangan mo munang mauna na uminom ng alak,” walang kaabog-abog na turan ni Zedamyah. Tumingin naman na walang emosyon si Dionysus sa kupita bago sa kaniyang Ilra Dehar. “Ngunit… nagsasabi ako ng totoo walang lason sa alak,” pahayag ng Bathalang Dionysus “Bakit hindi mo subukan na malaman ko rin,” ngiti nitong saad sa kaniyang nebe. “At kapag walang lason¾” “At kapag walang lason ay ako namismo ang uubos ng lahat ng kupitang inihanda mo para sa akin,” dugtong niya kay Dionysus. Bahagyang gumuhit ang ngiti ng Bathala sa turan ni Zedamyah. “Tatanggapin ko ang alak na hinanda mo ngunit ako ang iinom ng hawak mo at iinumin mo ang binigay mo para sa akin,” pang-iiba ni Zedamyah. Bahagyang napaatras si Dionysus dahil sa kakaibang ugali ng kaniyang dehar.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD