“Walang katotohanan ang iyong tinuturan,” ang garalgal na tinig ni Ampyanah.
“Shamra ng mga sahal isa kang sinungaling,” ang wika nang biglang tumingil. “Ako lamang ay iyong nilalansi upang ako’y maniwala na totoo ang iyong sinasabi,” pahayag ni Ampyanah.
“Paano kung nagsasabi ako ng pawang katotohanan at hindi kasinungalingan?” ang mapilit na pagtatanong ng Shamra.
“Ha!” ang nabiglang wika ni Ampyanah.
“Hindi kaba nakakaunawa,” ang pauna ng Shamra.
“Hindi mo ba nababatid na may sinumpaan kang kasulatan na nagpapatunay na ako ay ikaw” Tumikhim sa shamra bago magsalita. “Naniniwala ka bang…?” ang tanong ng Shamra.
“Anong ako ay…ikaw?”
“Wala kang naalala,” ang pauna ng Shamra. “Dahil ikaw mismo ang lumagda sa isang kasulatan” kinuha ang kasulatan sa kaniyang likuran. “Sinabi mo pang tatanggalin ko sa iyong isipan ang ating napag-usapan.” at biglang sumalampak sa perlas na upuan ang Shamra.
Humakbang pabalik si Ampyanah papunta sa kinaroroonan ni bathalang Amaru, Sa kadalahilanang nilalansi ng Shamra o pinuno ng sahal ang isipan ng bathalang Ampyanah.
“Anong ang iyong sinasabi?” at bumaling ang bathala sa Shamra. “Kailan at saan tayo nag-usap,” ang tahasang tanong ni Ampyanah kay Shamra.
“Ampyanah, kahit na ano pa ang sabihin ko sa’yo ay hindi karin maniniwala,” ang malakas na pahayag ng Shamrah. “Dahil batid kong hindi ka nagsasabi ng totoo,” ang may kalambutan na tinig na wika ni Ampyanah.
“Ngunit hindi ako maniniwala ng hindi sumasangguni kay Amang Demviada,” ang marahas na wika ni Ampyanah. “Ngunit hindi na kailangan ng nakakataas dahil nagsasabi ako ng totoo,” ang depensa nito.
“Kung nagsasabi ka man ng totoo ay hayaan mo akong malaman ang katotohanan sa kaitaas-taasan,” ang pantas na pahayag ng bathala.
“At sa oras na malaman ko na nagsisinungaling ka ay ako mismo ang papaslang sa’yo,” banta ng bathala.
“Paano kung ako ang nagsasabi ng katotohanan,” ang agaw ng Shamra.
“Ako mismo ang kikitil sa buhay ko,” ang matapang na wika ng bathala.
“Ngunit hindi na natin kailangan pang umugnay sa nakakataas,” ang yamot na tugon ng Shamra.
Isa sa kapangyarihan ng mga sahal ay lansihin ang mga nilalang na naisin nito. Sa pamamagitan ng isipan ng sharamra, gamit ang talinong taglay sa pamamagitan ng isipan sa pakikipagtalastasan. Bathala man ito o kung ano man ang nilalang sa Antarjia ay kaya nitong linlangin gamit lamang ng talino.
“Ano ang ibig mong palitawin”. ang halos panabay na wika ng Bathalang Ampyanah.
“Ang ibig kong palabasin ay ako ang tunay na bathala at isa kang huwad” at muling napasuntok na wika ng Shamra. “Wala akong natatandaan na ako’y lumagda sa isang kasunduan,” ang patlang ni Ampyanah.
“Dahil nabura sa iyong ala-ala ang lahat ng napag-usapan natin sa halamanan ng Etne,” ang may ngiting wika ng Shamra. “Sandali lamang…”
“Bakit tila ikaw pa ang galit sa iyong tinuturan?” marahang napatanong ang bathala rito.
“Dahil sadyang matigas ang ulo ng mga anak ni Minervah,” ang may pagpipigil na sagot ng Shamra. “Siyang tunay!” Pumalakpak ang bathala sa Shamra. “Sa wakas at may tama kang sagot,” ang pakutyang saad ni Ampyanah.
“Ano ang ibig mong sabihin” ang may takot sa mukha na pahayag ng Shamra.
“Tila nahuli ka sa iyong pain,” ang ngiting tugon ng Bathala.
“Hindi ko ibig na ako’y linlangin ng isang Shamra, Dahil nababasa ko ang iyong isipan,” ang simula ni Ampyanah. “Ngunit kung ako ay iyong lilinlangin, Sa hindi katulad kong bathala,” pagtatapos ni Ampyanah.
Gumawa ng napakalakas na mahika si Ampyanah laban sa Sahal. Umatras ang Shamra dahil alam niyang natalo siya ng matalinong bathala.
“Sa una pa lamang na pagtapak mo sa palasyo ay alam ko na ang nais mong gawin sa akin. Akala mo ba ay matatalo mo ang isang batahala katulad ko,” ang wika ni Ampyanah. “Nagkakamali ka,” dugtong ni Ampyanah.
“Ano ang ibig mong tukuyin?” ang pasigaw ng Shamra.
“Inunahan na kita sa plano mo,” tugon ni Ampyanah.
“Nagpanggap akong mahina at walang kaabog-abog gaya ng nangyari kanina sa pag-uusap namin ng dehar ko,” lakas loob na pagpapatuloy ni Ampyanah. “Gayon ba?” ang pagulat na wika ng Shamra.
“Na akala mo’y ako nagpasakop na ako sa kapangyarihan mo,” ang tanging salaysay ng Bathala.
“Hindi maari,” at muling napasuntok na wika ng Shamra.
“Ngunit, Ito’y nangyari ano ang iyong masasabi?” ang tanong naman ni Ampanah. “Na nahulog sa kaniyang pain ang biyahong Shamra ng mga sahal,” ang pakutyang saad ni Ampyanah.
“Hekada!” ang malutong na sigaw ng Shamra kay Ampyanah.
“Iyan ay kapalaluan,” ang matalas na turan ni Ampyanah.
“Ihanda mo nawa ang iyong sarili patungo sa ikalawang kamatayan, Muli kang magtutungo sa iyong pinanggalingan,” Hindi nakaimik ang Shamra ng marinig ang ‘kamatayan’ “Maligayang pagbabalik patungo sa Memreha,” paalam ng bathala rito.
“Ako ba’y hindi mo malilimutan?” tugon ng Shamra.
“Pse!” ang saway ni Ampyanah at pinaalis ang kamay ng shamra sa kaniyang balikat. “Sa isang tulad mo ay…”
“Binabaon sa limot,” tugon ni Ampyanah.
Tinanggal ng Shamra ang kamay nito sa balikat ng bathala. Napansin ang pamumutla ng mukha ng Shamra dahil sa kahihiyan.
“Hindi lahat ng ala-ala ay kinalilimutan,” hadlang ng Shamra.
“Mabuti,” tugon ng bathala. “Ha?” ang nabiglang wika ni Shamra.
“Dahil wala akong pakialam sa iyong nararamdan,” ang sambit ng bathala.
“Tapusin na natin ito,” giit ng bathala.
Akmang itataarak ni Ampyanah ang punyal sa dibdib ng Shamra. Ang kanina lamang na latigo ng Ladowa. Pero nasugatan ang likod ng bathalang Ampyanah dahil sa isang askesa na nakawala. “Ngunit nagsisimula pa lamang ako” ang mariing pahayag ng Shamra.
“Hekada!” ang malutong na sigaw bathala.
“Ako ang magtatapos nito” anang ng nasa likod nila.
Sa pulang kalangitan ay may liwanag na kasagutan, Ang sentro ng silid ni Amaru ay nakapukaw ng atensyon ng tatlo. Nakita nila ang wangis ng bathalang kinatatakutan ng askesa at sahal. Ang bathalang Amaru, Ang bathalang may hawak ng dalawang kapangyarihan ang nyebe at araw.
Lumiwanag ang buong Antarjia at kumalat pa sa buong panig ng kaharian ang liwanag na handog sa kaniya ng kaniyang kristal ng araw. Maraming nilalang sa Antarjia ang gumawa ng paraan upang takpan ang kanilang mga mata dahil sa liwang na dulot ng araw.
“Hindi ito maari,” palahaw ng mga askesa at sahal. “Paparating na ang wawasak sa pinakamamahal niyong Antarjia,” anang ng shamra saka tumawa ng wala ng bukas.
“Mamatay kayong lahat,” ang nakakatakot na pahayag ng shamra bago maging abo.
“Walang katapusang digmaan…”
“Magkikita na lamang tayo sa Mereha,” ang ngiting wika ng nababaliw na Shamra.
Sa mabuting kaibuturan ng puso ng bathala ay siyang susundin ng kanilang kristal. Hindi maaring tuparin ng kristal kung ito ay ikakapapahamak ng iba. Dahil sumusunod ang kristal sa kung ano ang ikakabuti ng lahat.
Natapos na ang digmaan…
Maraming bahagi ng palasyo ang nasira ngunit ang ilan ay maayos pa. Ang ibang kabuhayan ng mga nilalang sa Antarjia ay nawasak dahil sa mga askesa. Maraming namatay at nagbuwis ng buhay para sa kapayapaan ng Antarjia. Maraming tahanan ang nasunog, gayon din ang mga pagkain at prutas sa hardin ng buhay ay sinira ng mga askesa. Ngunit kung may namatay ay may nasugatan ng matindi.
Ang apat na bathala ay ligtas ngunit marami silang natamong sugat sa iba’t ibang parte ng katawan. Ang bathalang Ampyanah ay may malaking hiwa sa kaniyang likuran, kaliwang braso at malalim na sugat sa hita. Si Zedamyah naman ay sa paa. Sa leeg nito. Lalo na si Yonaphia ang kanilang Ilra Dehar dahil sa lason nito sa kaniyang katawan at sugat sa binti. Si Amaru naman ay galos dahil sa pakikipaglaban sa mga askesa.
“Iyadeva Antarjia!” Sigaw ng isang Shamra ng kawal. Ito ay ang lider o namumuno sa mga kawal. “Iyadeva Antarjia!” ang sambit ng mga bathala maliban kay Yonaphia. Salitang ‘Mabuhay o Nagtagumpay ang Antarjia’
“Maari kayong magbunyi ngunit ihanda ni’yo ang inyong sarili sa susunod na digmaan na ating kakaharapin,” babala ni Yonaphia sa buong Antarjia. “Maaring naghahanda na ang kalaban laban sa atin,” ang sabad ni Amaru.
Maraming naririnig na bulungan sa buong bulwagan sa darating na digmaan sa buong Antarjia. Ngunit iisa lamang ang ninais nilang lahat ang kapayapaan.
“Digmaan,” ang giit ng Bathalang Zedamyah. “Tama ka ng iyong narinig may palapit na digmaan,” anang hadlang ng Amaru.
“Hindi maari” napaupo bigla si Zedamyah dahil sa kawalan ng kalakasan.
Nagkagulo naman ang buong kawal dahil sa nangyari sa isang bathala. Si Yonaphia naman ay balisa habang si Ampyanah ay nilapitan niya ang kaniyang kapatid. Si Amaru naman ay palaisipan parin ang tinuran sa kaniyang ng dating reyna ng Antarjia.
“Ngunit lalaban ang Antarjia hanggang sa kamatayan,” sigaw ng bathalang Ampyanah.
“Siyang tunay,” ang bulyaw ng isang bathalang ngayon lamang nagpakita sa kanila.
“Magbigay pugay sa ating bathalang Dionysus!” bulyaw ng isang kawal at nagsindi ng apoy sa kalangitan.