Kabanata Walo

1398 Words
Amaru Kumislap ng tatlong beses ang kristal, tanda ito ng pagsunod nito sa aking inutos. Nais kong magliwanag ang buong Antarjia upang mapaslang ang lahat ng askesa. Ito lamang ang tanging paraan upang iligtas ang Antarjia sa kapahamakan. Sana lamang ay magtagumpay ako. "Sa wari ko ay tinugon na ng iyong kristal ang nais mo para sa ikabubuti ng Antarjia," ngumiti si Ampyanah matapos niyang magsalita. "Siya nga, Dehar." Hinawakan ko ng mahigpit ang aking sandata. Dahil sa anumang oras ay pasugod na ang mga hekadang askesa. Katahimikan ang bumalot sa silid ng bahagyang dumapo ang kristal sa palad ng Ikalawang bathala. Nakapagtataka. Alam kong natutuwa ang kristal ko sa aking dehar. Dahil narinig niya ang pagkulo ng t'yan nito. Hindi mapigilan matuwa. Ngunit ito ay lumisan rin at bumalik sa kaniyang paglipad. Tila alam ko na ang nais ng kristal. Sa ekspres'yon ni Ampyanah ay wari siya'y naguguluhan. "Ano ang ibig ituran sa'kin ng iyong kristal?" bahagyang tumaas ang kilay ni Ampyanah. Nagkibit balikat na lamang ako saka ngumisi. Isa sa bahagi ng aking kristal ay ang aking katawan, Kaya nalalaman ko ang nais na iparating nito sa kaniya. "Ampyanah," Nanlaki ang mata ni Ampyanah ng may narinig siyang malaking boses na nagsalita sa kaniyang harapan. Tumalikod ako ng bahagya dahil hindi ko mapigilan ang tuwa sa dehar kong kumukulo ang t'yan. "Amaru, May tumawag sa aking ngalan, Ikaw ba ang may gawa ng bagay na 'yon?" akusang tanong nito sa'kin kaya impit akong tumawa. "Kahit ni kailanman ay hindi ako gumagamit ng malalim na tinig. Baka ito ay guni-guni mo lamang," bulas ko sabay tumingala sa kristal. "Wari ko ay gutom na ang isang masibang kumain ng ashwe," sambit ng may malagom na boses. Impit na tumawa ako sandali. Dahil inaasar siya ng aking kristal. Ako lamang ang bukod tangi sa limang bathala kasama ako na maaring makipag-usap sa kristal. Hiniling ko ito sa nakakataas si Amang Demviada, Sapagkat gusto ko ng payo o gabay upang maging tama ang paggamit ko sa kristal. "Hekada!" Bulyaw sa inis ni Ampyanah. Ginawaran ako ni Ampyanah ng masamang titig. Tumingin ako pabalik rito na nakatikom ang bibig sabay kibit balikat. "Wala akong kinalaman d'yan," inpsenteng turan ko. "Sino kang biyabo magpakilala ka!" gigil niyang sigaw sa kalangitan. Ang salitang biyabo ay hayop. Hindi ko na mapigilan matuwa dahil nagpupuyos na sa inis ang dehar kong masibang kumain ng ashwe. Ang ashwe ay tinapay na malambot. "Amaru," bulong ng kambal diwang kristal. Kaya tumingin ako sa kaniya na pawang kumislap ito ng kaunti. "Utusan mo ang bathalang Ampyanah. Siya ay gagawaran ko ng kaunting pagpapala," natawa ulit ako matapos ituran ng kristal ko sa aking isipan. "Ampyanah, Maari mo bang ilahad ang iyong palad sa ating mesa?" utos ko. Medyo naguguluhan siya sa aking utos. "At sa anong dahilan?" nakangiti nitong tanong sa'kin. "Nais ko lamang handugan ka ng—" naputol ang turan ko ng may isang malaking plato ng ashwe. Mas lalo pang nagpuyos ang inis ni Ampyanah, Ngunit pumilas agad ito ng kaunti sa ashwe. "Isang ashwe." duro niya sa kaniyang kinakain. "Doje ibwa, Bathalumang Amaru." may diin sa bigkas niyang pagtawag sa pangalan ko. "Doje mueste," salitang 'walang anuman' "Tumayo ka Amaru sa iyong kinauupuan, Sapagkat ang mga askesa paparating na sa iyong silid," babala ng kristal sa'kin. Huminto sa pagkain si Ampyanah ng biglang nagliyab ang paligid ng silid. Nagbabadya ito na may panganib na darating sa kinalalagyan namin. "May paparating na mabagsik na kalaban kailangan na nating magmadali," seryosong turan ni Ampyanah sa'kin. "Simulan na natin ang ating patibong," matapang na turan ko. Malayang umikot ang kristal sa himpapawid. Wari kami ay bumalik sa pagiging paslit dahil sa naging asal namin ni Ampyanah. Dahil nagpamalas ng galing ang aking kristal. "Kayganda ng iyong kristal," ngiti ni Ampyanah. "Doje Ibwa," tipid na wika ko. 'maraming salamat,' Yumanig ang sahig tanda upang mataranta kaming dalawa. Tumingin kami sa aming likuran dahil natunton na kami ng mg askesa. "Wala na tayong oras, kailangan nating magdali, Kailangan lamang natin na makagawa ng liwanag," mas lalong sumeryoso ang tinig ni Ampyanah. Tumingin ako sa kristal na nasa himpapawid, Pawang kumukuha siya ng init sa buong Antarjia upang pagsama-samahin ang kapangyarihan. Nais kong kausapin siya sa aking isipan. Nais kong ipagtanggol ang Antarjia. "Kristal," bulong ko sa isipan ko. Bahagya naman siyang kumislap na pawang narinig niya ang nais kong iapbatid. "Ano ang maipag-lilikod ko sa inyo bathala?" gamit ang malalim na tinig ng kristal. "Anong nangyayari bakit kay tagal mong dinirinig ang aking utos?" Tanong ko. "Maghintay ka, Biyaho!" walang sa oras nitong turan. 'baliw' Hindi ko mapigilang matawa. Dahil sa tinuran nito. Napalingon naman sa'kin si Ampyanah at bahagyang tumaas ang kaliwang labi nito. "Sino ang iyong pinagtatawan? Biyaho, Ako ba ang iyong tinatawanan?" akusang tanong niya. "Hedi," salitang 'Hindi' o sumasalungat sa 'Oo.' Lumakas ang pagyanig ng sahig, Alam kong malapit ng masira ang kabiyak ng silid. Lalo na ang dungawan sa ikalimang palapag malapit sa kinaroroonan namin. Nagkaroon ng malaking biyak ang pader. "Biyaho!" Malakas na bulyaw ni Ampyanah ng makita niya ang malaking biyak ng pader. "Hindi na tayo maaring magpahinga, Habang ang iba ay lumalaban para sa ikabubuti ng Antarjia. Maraming mga inosenteng diwata ang napapaslang dahil sa minuto na ating sinasayang!" Galit na sigaw sa akin ni Ampyanah. Dahil sa kaniyang turan ay nagbalik ang ulirat ko. Muling tumingin sa kristal, Hindi ko mawari na uminit ang sulok ng mga mata ko. "Kristal ng Araw!" Sigaw ko. Sa malakas kong sigaw ay tumalsik si Ampyanah sa gilid kasama ang mga kagamitan sa silid. Namuo ang puting liwanag sa mata ko, Pawang nakikipag-buno sa kamatayan. Nagngangalit ito. Lumipad ako sa kinaroroonan ng kristal at nagdilim ang lahat. Third Person's Point of View Sa ginawa ng bathalang Amaru ay buhay niya ang magiging kapalit. Sa maling galaw at tantsa nito ay muling masisindak ang Antarjia. Sa kamay ng bathala ay nahulog mula roon ang kabiyak ng Ladowa. Kaya noong makita ito ni Ampyanah ay pinulot niya ito upang siya ang lumaban sa mga askesa. "Ano ang nangyayari sa aking dehar." Kumapit na lamang siya sa kapiraso ng ladowa. "Hedi ewir taro!" Lumuhod siya sa harapan ng Bathala. salitang 'hindi ito maari,' Inaakalang si Amaru ay patay na. Ngunit dulot ng malakas na kapangyarihan ay ginawa niya lamang ito upang tuparin ang kaisa-isang hiling ni Amaru sa kaniyang kristal. Ang pagsamahin ang iisang kapangyarihan nila. Natupad ang hiling ni Amaru na sila ay magsama sa iisang katawan. Habang humahagulgol ang bathalang Ampyanah ay gumawa si Amaru ng paraan upang iligtas ang Antarjia sa masasamang nilalang sa rito sa Antarjia. "Ele ne shera dwe?" salitang 'Ano ang nangyayari? Tumingin si Ampyanah sa dungawan. Sa labas ng silid ay gumagawa ng unos ang kristal ni Amaru. Ang malaking buhawi na papatay sa mga askesa. Ang buhawi na 'yon ay magiging liwanag kinalaunan. Sa lakas ng unos ay nagsigawan ang mga nilalang sa Antarjia. Dahil sa nakakabinging tinig nito. "mmm hmmm mmm, " tinig ng isang buhawi na kumakanta. "Kailangan kong iligtas ang Antarjia laban sa malaking buhawi," matapang na turan ng bathalang Ampyanah. Yumuko siya ng kaunti sa bathalang Amaru. "Patnubayan nawa ako ng iyong kapangyarihan, Mahal kong dehar." Hinawi niya ang luha sa kaniyang pisngi. Ang salitang 'dehar' ay kapatid. Nakapikit ang bathalang Amaru habang siya ay kumikislap. Nasa gilid ang kamay nito na pawang naglalabas ng enerhiya. Ang tinatapakan sa bahagi ng kaliwang paa ng bathala ay ang init ng araw at sa kabila naman ay ang kapangyarihan ng neyebe. Akmang maglalakad si Ampyanah palayo sa kaniyang kapatid ng biglang nawasak na ng mga askesa ang silid ng bathalang Amaru. Sa isang minuto sampung askesa ang pumasok sa loob at labinlimang mga sahal. Ngayon ay umatras siya upang iligtas ang labi ng kaniyang kapatid na akala niya ay patay na. "Ako ang kalabanin niyo mga hekadang askesa!" Ipinakita niya ang paghampas ng latigo ng Ladowa. Kaya umatras ang mg aaskesa pati mga sahal. Ang latigo ni Yonaphia. Laban sa mga sahal at askesa. Sumugod ang mga askesa sa kaniya. Sa unang bahagi ng pakikipaglaban ay gumamit siya ng kaniyang kapangyarihang mahika. Nagliwanag ang mata ni Ampyanah tila nagngingitngit ito sa galit. "Sinasamo kita aking kapangyarihang mahika, H'wag mong hihintulutan na makapunta sa kinaroroonan ng aking dehar ang mga sahal at askesa ngayon din!" matapang na utos niya sa kaniyang kapangyarihang mahika. "Ahhhh!" Sigaw ng mga sahal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD