Third Person’s Point of View
“Ang ikalimang Bathala!” Bulyaw sa gulat ng isang kawal na may hawak ng malaking pana.
Nabuo ang kinakatakutan ng buong Antarjia ang magningas sa galit ang panlimang Bathala ito ay si Amaru. Buhat ng kaniyang poot sa mga askesa at pulang usok ay gumawa ito ng malaking unos na papatay sa mga ito.
Yumanig ang lupa na naging dahilan upang mabiyak ang sahig ng bulwagan. Pinagmasdan ni Amaru ang kaniyang kapangyarihan araw.
Napaka-liwanag.
Umaapoy.
At nagninigas sa init.
Gumawa si Amaru ng higanteng bato na umaapoy. Sumakay siya rito at pumunta sa kalagitnaan ng palasyo.
Pinagmaasdan siya ng kaniyang mga dehar pati ng mga kawal sa bulwagan.
Namangha sila.
Hinawakan ni Amaru ng mabuti ang kaniyang sandata at itinarak ito sa pusod ng umaapoy na bato. Nagdulot ito upang bumukas ang lagusan ng mga Arbe.
“Ang mga Arbe!” Sigaw ng isang kawal na huminto sa pakikipaglaban sa mga askesa.
Ang Arbe ay isang diwatang umaapoy na may kapangyarihan upang wasakin ang sinumang naisin ng kaniyang Bathala. Ninais ng mga Arbe na manirahan sa pinaka-ilalim ng lupa. Dahil isinumpa ang kanilang mga mata. Sila rin ay kinakatakutan ng mga diwata dahil sa mapanlinlang nitong mga mata na kapag tinignan mo ikaw ay magiging tubig.
“Ipikit ninyo ang iyong mga mata. H’wag kayong titingin sa mata ng mga Arbe kung ayaw ninyong maging tubig,” babala ng ikalimang Bathala at mga diwata kasama na rin ang mga kawal.
Sinunod naman nila ito, Ngunit may isang kawal na sumuway sa babala ng ikalimang Bathala.
Ang isang kawal.
Tumingin siya sa mata ng babaeng Arbe.
Nahuhumaling siya sa ganda nito.
Natutula.
Hindi makapagsalita.
Isa sa kapangyarihan ng mga Arbe ay malaman ang kahinaan ng isang nilalang at ang kahinaan ng isang kawal ay ang pag-ibig.
Dahil nahulog na ang loob ng kawal.ay akma niyang lalapitan ang babaeng Arbe ng higitan siya pabalik ng isa pang kawal.
Tumingin ng masama ang isang kawal sa kaniya.
“Nasisiraan kana ba ng bait, Mahigpit na babala ng ating Bathala na h’wag tumingi¾” Naputol ang sinabi ng isang kawal ng tumingin rin siya sa isang Arbe.
Tumingin ito.
Nalulunod na sa isang patibong.
Hindi na nagawang higitin ng isang kawal ang braso nito papunta sa kaniya upang iligtas ito sa kamatayan. Bahagya silang nakulong sa engkantasyon ng Arbe.
Engkantas’yon na panghihinain ang iyong katawan.
Magiging lason.
Upang sila ay maging tubig.
“Bathala, Tulungan niyo kami,” pagmamakaawa ng dalawang kawal sa Bathala ngunit walang emosyong tiningnan lamang sila nito.
Para sa kaniya ay binabalaan na niya ang mga ito at nasasakanila na kung susundin nila ang utos ng Bathala. Hindi tumingin ang Bathala sa dalawang kawal na nagmamakaawa. Bagkus ay tinuon niya ang kaniyang atens’yon sa mga askesa na lumilipad sa bulwagan.
Unang nalusaw ang kanilang kamay.
Sumunod ang braso.
Paa.
Hanggang sa lamunin ang kanilang ulo.
Panghuli ay mabilis na nalusaw ang ibang mga bahagi ng kanilang katawan at naging tubig.
.
“Sinasamo ko kayo mga Arbe, sa utos ng inyong Bathala puksain ninyo ang mga askesa ngayon din,” galit na utos nito ng Bathala sa mga Arbe.
Itinaas ni Amaru ang kaniyang kamay, Senyales ito upang mag-umpisa ng laban sa pagitan ng mga Arbe at mga askesa.
Kamatayan laban sa kamatayan.
Mas lalo pang lumiyab ang batong apoy na sinasakyan ng Bathala dahil sa galit niya sa mga hekadang askesa.
“Duwe keya iste Antarjia!” Sigaw ng isang shamra ng kawal. Ito ay ang lider o namumuno sa mga kawal.
Ang sinabi ng shamra ay, Kapayapaan para sa Antarjia’
“Duwe muste keya iste Antarjia,” matapang na wika ng mga Bathala kasama ang mga kawal.
Sumugod ang Arbe sa mga askesa habang kasama nila ang mga Bathala. Ikinumpas ni Amaru ang kaniyang kamay sa kalangitan at gumawa ng engkantasyon.
“Eda yela doshe ibwenara!” Malakas niyang tinuran ang isang engkantas’yon.
Ang engkantas’yon na ito ay para sa lahat ng kawal, diwata at kapatid niyang Bathala. Gayon din ang naninirahan sa buong Antarjia.
Ngunit hindi sa may pakana at puno’t dulo ng mga ito.
Sa makapangyarihan niyang engkantasyon ay malalaman niya kung sino ang may gumawa nito sa buong Antarjia.
Ang engkantasyon ay laban sa mga askesa at pulang usok. Hindi na muli sila mabubuhay o maipanganganak muli dahil sa bagsik ng isang Bathala na nagngangalang Amaru.
“Dehar, maari ba naming tingnan ang mga Arbe, Sapagkat hindi ka nagiging tubig noong ikaw ay nakikipag-usap sa kanila,” seryosong salaysay ng isang Bathalag Zedamyah.
Sumang-ayon rin sa Ampyanah sa sinabi ni Zedamyah pawang sila ay nakikipaglaban sa kamatayan. Dahil nag-uusap sila sa isang laban.
Isang maling galaw.
Mamatay ka.
“Kailangan niyong kumain ng bungang ito kung ayaw ninyong maging tubig,” malumanay na sagot ng panlimang Bathala.
Ang bunga ng Dore ay hinandog ng mga Arbe sa ikalimang Bathala upang promotekta sa kanila. Ito ay panlaban sa mga nilalang dito sa Antarjia para hindi sila maging tubig. Matagal ng nakipag-kasundo ang mga Arbe sa ikalimang Bathala dahil ayaw na nilang manirahan pa o magtatago na lamang sa habang buhay sa ilalim ng lupa.
Ang pagiging tapat nila sa Bathala ay gagantimpalaan niyang h’wag ng makapinsala nino man. Sa oras na makipag-usap ang Bathala sa mga Arbe ay ginawaran na sila ng gantimpala ng Bathala na hindi na maging tubig ang sinuman.
“Ang bunga ng Dore?” Tanong ni Ampyanah.
Namangha si Ampyanah dahil ang Bunga ng dore lamang ang magiging panlaban nila sa mga Arbe. Ilang dekada bago mamunga ng sagana ang mga dore. Kailangang maging asul ang buwan bago ang takdang oras ng pagbunga nito. Dahil magiging lason ito kung ito kukunin ng sinuman ng hindi pa bilog ang buwan.
“Oo tama ka,” sagot ng ikalimang Bathala.
“Ngunit paano mo nakuha ang mga bunga, Kung hindi asul ang buwan?” Tanong ng isang Bathala na may kapangyarihan kidlat.
Naalala niya ang tagpo na magkita sila ng rehe ang dating reyna ng Antarjia na kinulong sa buwan. Ibinigay ng mga Lipwe o alipin sa kaniya ang bunga ng dore dahil nakikita ng rehe ang propesiya o hinaharap ng Antarjia.
“Mahabang kwento kung ito ay akin ito’y ituturan sa inyo,” walang emosyong turan ng Bathala sa kidlat.
May paparating na askesa malapit sa mga Bathala kaya agad na humarang ang ikalimang Bathala para sila ay protektahan.
Hindi na sila nag-alinlangan pa at kumuha na sila ng bunga.
Nilulon ang bunga ng dore.
Pinanood ng ikalimang Bathala ang pagkawasak ng mga askesa. Tila alam na niya kung ano ang kahinaan ng mga askesa.
“Tila nawawari ko kung ano ang kahinaan ng mga Hekada,” tuwa nitong kwento sa kaniyang ilra dehar.
Ang kahinaan ng mga askesa ay isang¾
“Amaru!” Sigaw sabay-saby ng mga Bathala.