KABANATA 04

1910 Words
Kabanata 04 KAAGAD KUNG BINATI ANG AMO nang makalapit dito. " Magandang gabi po sir." " Magandang gabi rin sayo, Mila." Parang pagod na bati 'din nito sakin saka naglakad na nagtungo sa loob ng bahay. Sumunod naman ako at baka may i-utos siya sakin. Hindi pa ako nakakapagluto dahil napagod ako sa paglilinis ng buong bahay. Tapos hindi pa ako tapos sa paglalaba. " Sir ano po'ng kakainin niyo po? Si maam kakain po ba dito?" Tanong ko sakanya bago siya umakyat ng hagdanan. " Wag kana magluto. Kumain na ako sa labas at maam mo." Sagot nito saka tuluyan ng umakyat sa taas. " Hay salamat." Bulong ko dahil 'di na ako magluluto ngayun. " Pero bakit kaya hindi sila magka-sabay umuwe?" Kapagkuwan ay tanong ko sa sarili. Pero pinasa-walang bahala kona lang dahil buhay nila iyon. Katulong lang ako sa bahay na ito. Baka magalit pa ang tiya ko at pabalikin pa ako ng probinsya. Pumunta na lang ako sa laundry room para tapusin na ang nilalabhan ko. Mamaya na lang ako kakain after nito dahil tatamarin na ako kapag iniwan ko pa ito. Makalipas ng ilang sandali ay tapos na ako at nagpunta sa kusina. Nagulat pa ako dahil ando'n ang tiyo ko at may kinukuha sa refrigerator. " Kakain po kayo?" Tanong ko sa kanya. Lumingon naman sakin kasabay ng pagtitig sa katawan ko. Nailang naman ako saka umiwas ng tingin sa amo ko dahil parang kakaiba siyang tumingin. " No, may kukunin lang ako sa refrigerator." Sagot nito saka inutusan akong kumuha ng baso. Mabilis naman akong kumuha sa lagayan saka binigay dito. " Salamat, Mila." " Wala po'ng anoman." Sabi ko. " Sabi ng tiya mo mag-aaral ka daw?" " Ahm opo sir. College na po ako sa pasukan." Sagot ko sa kanya na may ngiti sa labi kahit naiilang ako sa kanya. " ilan taon kana ba?" Anang pa niya sakin habang umiinum ng beer sa baso. " 21 po sir." Sagot ko sa kanya. " Wag muna ako tawagin sir. Tiyo na lang dahil pamangkin ka naman ng asawa ko." Nakangiting sabi nito. " Hindi po pwede sir. Magagalit po ang tiya ko." Sabi ko sa kanya. " Bakit naman?" Anang niya sakin. " Hindi ko po alam sir." " Sige ganito na lang. Kapag hindi natin kaharap ang tiya mo, tiyo ang i-tawag mo sakin, okey?" " Kayo po bahala." Wika ko. " May boyfriend kana?" Maya-maya'y tanong pa niya sakin. " Wala po, mag-aaral po muna ako tiyo." " Mabuti 'yun. Mag-aral ka muna bago ka mag-boyfriend." Saad nito na tila masaya sa narinig pero hindi kona lang pinansin. " Baka mabuntis ka lang ng maaga." Sabi pa niya sakin. " Kaya nga po eh." " Sige, alis na ako. Hintayin mona lang ang tiya mo darating na 'yun." Sabi niya sabay titig sakin bago umalis. Nakaramdam naman ako ng pagkailang dahil sa malagkit niyang mga titig. Parang may kakaiba sa mga titig niya. Hindi ko alam kung ano 'yun at nakaramdam ako ng takot. Nang mawala ang tiyo ko ay nagsimula na akong kumain dahil gutom na gutom na ako. Patapos na akong kumain ng marinig ko naman ang busina ng kotse. Hindi ko alam kung sino iyon dahil wala naman dalang kotse ang amo ko. Kahit kakain ko lang ay tumakbo parin ako at baka magalit na naman iyon. Tigre pa naman ang matanda na 'yun. Gusto niya ay nasusunod agad ang gusto. Pagdating ko sa may gate ay isang kotse ang nakita ko kaya mabilis kung binuksan ang gate. Hindi naman pumasok ang kotse at lumabas lang mula doon ang amo kung babae. " Andiyan na ba ang sir mo?" Tanong niya agad sakin. " Opo, maam." Mabilis kung sagot. " Okey, isara muna ang gate." Utos nito saka naglakad na papasok at umalis na ang kotse. Nagulat naman ako kung sino iyon dahil 'di ko nakita ang mukha. Sumunod ako sa amo ko at nagtanong kung kakain pa ba siya. " Hindi na, magpahinga kana at bukas kana lang magluto." Sagot nito. Hindi na ako nagtanong pa. Umakyat naman ito sa taas ng makapasok kami sa loob ng bahay. Napatitig na lang ako sa kanya paakyat. Umalis na ako doon at pumunta sa kusina para hugasan ang mga pinagkainan ko kanina. Para makapagpahinga na ako. Subrang pagod na pagod ako ngayun araw na ito dahil sa laki ng bahay na ito. Ang lupet talaga ng tiya ko tapos hindi naman ako sa sahuran. What the f**k? My goodness! Matapos kung maglinis sa kusina ay pumunta na ako sa kwarto ko para makapagpahinga na. Sa subrang pagod ko ay nakatulog agad ako. Hindi kona narinig ang pagtawag sakin ni tiya sa intercom. Kinabukasan ay maaga akong nakagising dahil maaga ako nakatulog kagabi. Bumangon ako sa kama kasabay ng pag-unat ng katawan. Nakita ko sa wall clock ng kwarto ko ay alas quatro na ng madaling araw. Umalis ako ng kama saka niligpit ang higaan ko. Sabi ng tiya ko ay alas singko dapat gising na ako para makalinis na ako ng ibang gawain at alas sais ng umaga ay magluluto naman ako ng agahan nila. Mabuti na lang ay nagising ako ng maaga ngayun kahit pagod na pagod na ako kahapon. Naligo na muna ako bago lumabas ng kwarto. Mamaya kasi ay hindi ako makaligo sa subrang dami ng trabaho at pagod. Mabilis lang ako naligo dahil malamig ang tubig sa madaling araw. Nakakatamad na kasi kung mag-iinit pa ako ng tubig sa kusina. Nang matapos ay lumabas na ako ng banyo at mabilis na nagbihis matapos magpunas ng katawan. Sinuot ko ulet ang mga kupas kung damit. Kapag may pera ako ay bibili ako ng bagong damit. Pero paano? Kung hindi naman ako su-swelduhan ng amo ko? Bahala na. Lumabas na ako ng kwarto saka naglinis muna ako kusina at dinning area dahil baka mapagalitan pa ako kapag may nakitang dumi doon. At mabuti na rin na nagising ako ng maaga para makapaglinis na agad at makapagpahinga naman ng hapon. Nang matapos sa dalawang kusina at dinning area ay sa sala's naman dahil mabilis lang naman maglinis doon. Sa sala's lang ako mahihirapan dahil maraming babasagin. Nang dumating ang alas sais ng umaga ay hindi pa ako tapos doon kaya iniwan ko muna at nagluto muna ako. May listahan naman na nakadinikit sa may refrigerator kung anong mga lulutuin ko sa almusal. Simula lunes at linggo kaya hindi na ako nangangapa kung anong lulutuin sa umaga. Mas better kasi nakakailang magtanong kapag nagtanong ako sa tiya ko. Ayaw niya kasing tanong ako ng tanong kaya sinusulat na lang niya. Parang palaging bugnutin kapag tinatanong ko siya. Hindi ko alam kung pinaglilihian niya ba ako o dahil sa edad niya. Mabuti pa ang amo kung lalake palaging nakangiti kapag nakikita ako. Pero iba naman kung tumingin kaya naiilang ako sa kanya. Nagsimula na akong magluto dahil mamaya ay baba na ang mga amo ko. Kailangan may handa ng pagkain para hindi nagagalit ang amo kung babae. Mabuti na lang sanay na ako sa paggamit ng mga gamit sa kusina. No'ng una ay para akong tanga dahil wala naman kaming gano'n na gamit kaya madalas ay napapagalitan ako ng tiya ko. Minsan pa nga ay nasasabihan pa akong tanga. Pero dedma na lang ako at hindi kona lang pinapansin. But sometimes ay umiiyak na lang ako kapag hindi kona kaya. Matapos kung magluto ay inayus kona ang mesa sa dinning area para mailagay kona ang mga naluto kona. Patapos na ako sa paglalagay ng mga pagkain sa mesa ay pumasok na ang amo kung lalake. Kaagad niya akong binati sabay upo sa hapagkainan. Ngumiti lang ako sa kanya saka bumalik sa kusina para kunin ang juice sa refrigerator at baso sa lagayan. Dinala ko doon at nakita kung nando'n na ang amo kung babae. Nilagay ko sa gitna ang babasagin na pitchel at baso nila. " Tinatawagan kita kagabi sa intercom pero hindi ka sumasagot. Tulog kana ba?" Tanong sakin ng tiya ko. " Opo maam." Magalang kung sagot sa kanya. " Ang aga naman ata?" Anang pa nito. " Napagod po ako sa paglilinis kahapon, maam." Katwiran ko sa amo. " Iyon naman pala eh. Isa lang kasi ang katulong na kinuha mo." Sabat ng amo kung lalake. " Kasi malandi ka. Nilalandi mo mga katulong natin kaya hindi na ako kumukuha ng marami." Mariin na sabi ni tiya sa mahinang boses pero narinig ko parin. " Praning ka lang. Lahat na lang pinagseselosan mo." Sabi ng amo kung lalake. Samantalang ako ay nakatayo lang sa gilid habang nakikinig sa pinag-uusapan nila. Kunyare nakatayo pero nakikinig naman. " Ahh.. talaga? Nakita nga kitang nakikipagseks sa isa natin katulong." " Walang nangyare samin. At alam mo kung bakit ako nagkakaganito dahil niloko mo ako noon." Saad ng amo kung lalake. " So gumaganti ka? Hindi mo parin ako mapatawad hanggang ngayun? Kaya lahat ng mga katulong natin ginagalaw mo? Ang sabihin mo malibog ka lang talaga." Napasinghap naman ako sa narinig mula sa tiya ko kaya napalingon siya sakin. At galit na nagsalita. " Anong ginagawa mo diyan? Nakikinig ka sa usapan namin?" " Hindi po." Mabilis ko naman sagot sabay iling ng mariin. " Wag mong patulan ang bata." Sabi naman ng amo kung lalake. " Umalis ka nga!" Sigaw ng tiya ko kaya dali dali akong umalis doon at nagtungo sa kusina. Huminga ako ng malalim ng makarating doon saka napaisip. " Totoo kaya ang narinig ko? Lahat ng katulong nila ginagalaw ni sir?" Bulong ko at nakaramdam ng takot dahil baka totoo 'yun. " Hindi naman siguro, pamangkin ako ng asawa niya. Baka 'yung iba lang." Pagpapakalma ko sa aking sarili. Hindi dapat ako matakot dahil andiyan naman ang tiya ko. Nagligpit na lang ako sa kusina at kinalimutan ang agam agam sa dibdib ko. Maya-maya'y pumasok sa kusina ang tiya ko at inutusan ako. " Magligpit kana sa dinning area. At ayusin mo ang paglilinis mo. Yung narinig mo kanina wag mo ipagsasabi kung kani-kanino kung hindi kita pag-aaralin. Naiintindihan mo?" " Opo, tiya." Mabilis ko naman sagot. " Good!" Saad nito at akmang tatalikod na ay humarap ulet siya sakin. " Saan mo ba gusto mag-aral?" " Hindi ko po alam." Sagot ko dahil wala naman akong alam dito sa manila. " Oo nga pala. Pahihiramin kita ng laptop para maghanap ka ng school na gusto mong pasukan. Marunong kaba?" Tanong muli nito. Muli ay iling ko dahil never pa ako nakahawak ng computer at laptop. " Ay tanga!" Madiin na sabi nito. " Lahat na lang ba hindi mo alam? Jusko! Sige ako na gagawa para sayo." Saad nito na tila stress na stress sakin at umalis na ng kusina. " Malay ko ba? Wala naman kaming gano'n." Nakanguso kung sambit sa aking sarili. Parang temang lang ang amo kung babae. Alam naman niya kung gaano kahirap ang buhay namin sa probinsya. Galit lang sa asawa niya pati sakin galit 'din. Kasalanan ko ba kung malibog ba ang asawa niya. Pero sabi ng asawa niya kasalanan daw ni tiya ko kung bakit siya nagkagano'n. Nako, bahala sila sa buhay nila. Basta pag-aralin lang nila ako para makapasok na ako sa school at para may makakilala naman akong bagong kaibigan dahil ang boring dito sa bahay na 'to. Wala na akong ginawa kundi maglinis ng malaking bahay na ito at makulong dito. Masyado na akong naiinip kung kailan ako makakapasok sa school.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD