Kabanata 03
MATAPOS KUMAIN NG MGA AMO ko ay umalis agad sila sa dinning area at umakyat sa taas. Ako naman ang naiwan at nagligpit sa dinning area. Dahan dahan pa ako at baka mabasag ko ang mga kagamitan dahil puro mga babasagin. Mahal daw ito sabi ng amo ko at mahal pa daw sa buhay ko kaya dahan dahan lang ako. Baka matanda na ako ay hindi ko pa mabayaran ang mga ito.
Matapos ko malinis ang dinning area ay kumain na ako sa kusina para makapagligpit na ako doon at makapagpahinga na.
Masarap ang mga pagkain sa harapan ko pero hindi ako makakain ng marami dahil naaalala ko ang pamilya ko sa probinsya. Kamusta na kaya sila? Nakakain na kaya sila ngayun?
Minsan kasi ay wala kaming kinakain kapag walang pera kaya nag-aalala ako ngayun. Kung merun lang sana akong cellphone ay natatawagan ko sana sila. Pero wala dahil imbes na ibili namin ng cellphone ay pagkain na lang.
Ngayun nga nag-iisip ako kung paano ko sila mapapadalhan ng pera. Kung hindi naman ako sa sahuran ng amo kung tiya.
Mahal daw ang magpaaral ng college dito sa manila. Ewan ko kung totoo dahil 'di naman ako tagarito. Siguro nga dahil maynila ito kaya mahal. Pero sa yaman niya, hindi niya ako ma-sahuran? Imposible naman.
Kuripot lang talaga siya, hmp.
Matapo kumain ay saka naman ako nagligpit ng mga pinagkainan ko saka mga ginamit nila maam kanina.
Nang matapos ay naglinis ako ng kusina dahil gusto ni maam malinis bago iwan iyon. Ayaw niya daw na may makakita siyang mga insekto o mga ipisi kaya kailangan ay malinis muna sa kusina bago iwan.
Pumunta na ako sa kwarto ng malinis kona ang kusina saka nahiga sa kama. Iniisip ko parin ang pamilya ko at nalulungkot ako dahil wala akong kasama sa kwarto. Malungkot pala kapag mag-isa ka lang at malayo sa pamilya.
Daig ko pang nangibang bansa pero hindi naman talaga. Ganito pala ang pakiramdam kapag malayo sa pamilya. Subrang lungkot at nakakapraning dahil ang tahimik ng paligid. Maririnig kona nga ang sariling t***k ng aking puso sa subrang tahimik.
Okey lang sana kung may ibang katulog pa ang tiya ko para may kasama ako at may kakuwentuhan Grabe ang yaman yaman tapos isa lang ang katulong. Grabe sa kakuriputan ng tiya ko. Ang laki laki pa naman ng bahay tapos isa lang ang katulong. Paano ko kaya malilinis 'to kapag nag-aral na ako? Panigurado pagod na pagod ang katawan ko no'n.
Kasi hindi naman ordinaring bahay lang ito. Isang malaking bahay na parang mansion na rin. Tapos ang daming lilinisin at ang arte arte pa ng matandang 'yun.
Kung hindi lang talaga mahalaga sakin ang pag-aaral ay hindi na ako mangangatulong at magtitiis na lang ako sa probinsya. Pero may pangarap ako at gusto kung mabigyan ng magandang buhay ang pamilya ko kaya ko 'to ginagawa.
" Kung may cellphone lang sana ako." Naluluhang sabi ko sa sarili. Naiiyak ako dahil sa subrang lungkot na aking nadarama. Miss na miss kona agad ang pamilya ko sa probinsya.
Pinahid ko ng luhang pumatak sa mga mata ko saka bumangon mula sa kama. Hindi ko alam kung makakatulog ako ngayun dahil nakatulog ako kanina at namamahay ako.
Panigurado ay mukha akong panda nito bukas. Binuksan kona lang ang TV para manuod at aliwin ang sarili. Thank god at may TV sa loob ng kwarto ko.
Aanhin ko naman ang magandang kwarto kung mag-isa lang ako. Nang mabuksan ko ang TV ay naghanap naman ako ng palabas. Mabuti na lang maraming palabas kaya may choice ako mamili.
Nang makahanap ng mapapanuod ay nanuod na lang muna ako hanggang lumipas ang ilang oras. Namalayan kona lang ng humikab ako. Sinilip ko ang orasan sa may wall at nagulat ako dahil ala una na ng madaling araw kaya pinatay kona ang TV at natulog na. Mabuti na lang ay dinalaw na ako ng antok kaya makakatulog na ako.
Sa subrang puyat ko ay nakatulog ako ng mahimbing at hindi ko namalayan ang oras. Nagising lang ako ng may kumakatok sa pintuan ng kwarto ko at narinig ko ang galit na boses ni tiya Veronica. Napapitlag ako at nakaramdam agad ng takot. Mabilis akong umalis ng kama habang kakaba kaba at nagtungo sa may pintuan. Pagbukas ko ng pintuan ay bumungad sakin ang galit na si tiya Veronica.
" Anong oras na? Tutulog tulog kapa diyan? Alam mong may trabaho kami ng sir Isidro mo at wala parin na lutong pagkain." Galit na sabi niya sakin.
" Sorry po. Hindi po kasi ako nakatulog agad eh. Namamahay po ako kaya napuyat po ako." Sabi ko naman sa kanya at baka sakaling maunawaan niya. Ngunit hindi at mas nagalit pa siya.
" Wala akong pakialam! Hindi kita kinuha sa probinsya para magpasarap buhay kalang dito. Hala! Kilos!" Galit na utos niya sakin sabay alis.
Napakagat labi na lang ako kasabay ng paghugot ng hiniga bago sumunod kay tiya. Ay! maam pala.
Sinundan ko siya sa kusina habang inaayus ang buhok ko. At hindi ko alam kung anong oras na dahil sa pagmamadali ko kanina. Pagdating sa kusina ay inutusan niya agad ako.
" Ito ang mga lulutuin mo. Nakasulat na diyan kung paano mo lulutuin. Maliligo na ako para pagbaba ko ay kakain na kami ng sir mo. Naiintindihan mo ba?"
" Opo, maam." Mabilis kung sagot habang kinukuha ko ang maliit na papel. Mabuti na lang ay marunong ako magbasa at medyo nakakaintindi ng english.
" Okey." Saad nito saka umalis na ng kusina.
Nang mabasa kona ay saka naman ako nagsimulang magluto. Alam kona kung paano gamitin ang lutuan dahil tinuro na niya sakin. Hindi ako sa dirty kitchen nagluto at sa kabilang kusina. Hindi naman kasi maamoy ang lulutuin ko kaya dito na lang.
Madali lang naman ang mga lulutuin ko kaya naiintindihan ko. Mabuti pa ang mayayaman nakakain ng masasarap na pagkain at nag-aalmusl sa umaga. Samantalang sa mga mahihirap ay kape lang at tinapay ay solve na.
Samin naman ay kape saka kamote o kaya saging. Minsan kapag walang pambiling kape ay tubig na lang. Gano'n kahirap ang buhay namin sa probinsya kaya gusto ko makatapos at makahanap ng magandang trabaho.
Medyo mabagal nga lang ako kumilos ngayun dahil natatakot akong mabasag o makasira ng gamit kaya ingat na ingat ako.
Hanggang sa dumating na ang mag-asawa ay hindi pa ako naghahanda sa dinning room ng mga pagkain.
Napapitlag ako at muntik ko pa mabitawan ang ang lagayan ng fried rice ng marinig ko ang boses ng amo ko. s**t! muntik na.
Kaagad akong nagtungo sa dinning at galit na naman akong sinalubong ni tiya Veronica.
" Ano ba 'yan. Ang bagal bagal mo. Papasok na kami sa opisina."
" Sorry po." Sabi ko naman saka bumalik sa kusina para kunin ang ibang mga pagkain. Nang mailapag kona ang mga pagkain sa hapagkainan ay kumuha naman ako ng mga gagamitin nila. Pinggan, kubyertos at baso.
Pinaghanda ko rin sila ng tubig at juice dahil iyon ang nakalagay sa papel. Nang matapos silang pagsilbihan ay doon naman ako tumayo sa gilid nila para kapag may kailangan si tiya ay madali ako matatawag. Si tiya na rin ang gumawa ng kape niya dahil hindi ako marunong ng machine na 'yun.
Panay parin ang dakdak ng tiya ko habang kumakain kaya nakayuko lang ako ng ulo.
" Hayaan muna, bago palang naman eh." Narinig kung sabi ng asawa ng tiya ko kaya nag-angat ako ng ulo at nakita ko siyang nakatingin habang may ngiti sa labi.
Ngumiti naman ako dahil nginitian niya ako. Mukha naman palang mabait ang asawa ng tiya ko.
Makalipas ng ilang minuto ay natapos na sila sa pag-aalmusal. At bago umalis ang amo ko ay nagbilin muna ito ng mga gagawin ko kaya todo kinig naman ako para hindi magkamali.
" Maraming pagkain diyan. Magluto kana lang kung anong kakainin mo." Sabi pa niya bago umalis at sumunod sa asawa niya.
Napabuntong hininga naman ako at napangiti dahil wala ang mabunganga kung amo. Makakakilos ako ng maayus dahil wala ang maingay kung amo. Sa dinning area na ako kumain saka hindi na kumuha ng panibagong pinggan at nagkamay na lang dahil sanay naman ako sa gano'n.
Katulad kagabi ay kaunti na naman ang kinain ko. Mamaya na lang kapag nagutom ako. Niligpit kona ang mga kalat at nilagay sa kusina. Nilinis ko rin ng maayus ang hapagkainan at baka magalit na naman ang tiya ko.
Sa kusina na ako unang naglinis dahil doon naman ako galing bago sa dinning area. Medyo natagalan pa ako doon dahil ang laki at ang laki ng dalawang kusina. Nilinis ko ng maigi at baka magalit ang tiya ko na naman.
Nang matapos sa kusina at dinning area ay sa may sala's naman ako naglinis. Doon ako natagalan at mas nahirapan dahil ang daming babasagin na furniture. Subrang ingat na ingat ako dahil baka makabasag ako. Ang sabi pa naman ng tiya ko ay mahal daw ang mga gamit sa sala's. Kaya ingatan ko daw ang mga gamit doon dahil kulang daw ang buhay ko na pambayad sa mga furniture.
At linisin ko daw ng mabuti ang sala's dahil may bisita silang dumadating sa kanilang bahay. Halos dalawang oras ang ginugol ko sa paglilinis sa may sala's para lang wag makabasag. Mukhang 2 hours ang gugulin ko sa paglilinis sa sala's araw araw.
Nang matapos doon ay sa taas naman ako naglinis. Nagpahinga muna ako saglit dahil napapagod na ako. Ang laki ba naman ng linisan kung kusina saka dinning area at salas.
Tapos limang kwarto pa ang lilinisan ko at maglalaba pa ako. Patay ang katawan ko neto. Langyang buhay 'to. May kamag anak ka ba naman ng ganito eh.
Nagsimula na akong maglinis sa taas. Inuna ko muna ang master bedroom nila sir at maam. Nang makita ko ang malaking kama ay nahiga muna ako doon.
Shit! ang lambot naman nito.
Nakangiti kung sambit sa isip habang nagpagulong gulong dahil subrang lambot ng kama. Parang purong bulak ang nasa loob ng kama.
Nang mapagod sa kakaikot sa kama ay nagpahinga muna ako saglit bago nagsimulang maglinis ng kwarto nila tiya.
Nilisan ko ng maigi ang kwarto at baka may makitang dumi o alikabok ang bruha kung tiya. Hindi ko alam kung bakit gano'n ang ugali niya. Kamag anak naman niya ako kahit malayong kamag anak. Pero dapat mabait parin diba?
O sadyang gano'n talaga ang ugali niya dahil mayaman siya at mahirap lang kami. Sabagay, may gano'n naman talagang kamag-anak. Kapag nakaangat na ang buhay ay hindi na marunong lumingon sa pinanggalingan at mayabang na. Parang ang tiya Veronica ko lang.
Wala naman kaso 'yun kung hindi niya ako kilalanin bilang kamag anak dahil ngayun lang kami nagkita. Ang akin lang ay hindi dapat siya gano'n. Kaya siguro nilayasan siya ng mga katulong niya dahil ang sungit sungit niya.
Ilang oras ang lumipas ay natapos niya rin sa wakas ang taas. Grabe pagod na pagod ako at hindi na ako nakakain ng tanghalian dahil sa paglilinis sa taas.
Bumaba na ako bitbit ang mga labahin. Kaunti lang naman iyon dahil ang sabi niya ay araw araw daw maglalaba. Dumeretso ako sa laundry room at sinalang na ang mga de color sa washing machine at binabad naman ang mga puti bago isasalang sa washing machine.
Kinusot ko naman ang mga panty, brief, panyo, bra at medyas. Hindi kona sinama sa washing at baka masira pa. Mapagalitan na naman ako ng bruha kung amo.
Nang matapos ko magawa 'yun ay nagpahinga muna ako habang nakasalang ang iba sa washing machine.
Sa subrang pagod ay nakatulog ako sa gilid ng washing machine. Nagising lang ako ng marinig ko ang busina ng sasakyan kaya dali dali akong tumayo at tumakbo palabas ng bahay saka nagtungo sa gate.
Mabilis kung binuksan ang gate ng makarating doon. Nakita ko ang itim na kotse at hindi ko alam kung sino ang nagdadrive.
Nang makapasok na ang kotse ay sinara kona ang gate. Hindi ko alam ang pangalan ng sasakyan dahil wala akong alam sa mga kotse.
Tumakbo ako patungo sa malaking bahay at nakita kung bumaba si sir mula sa kotse pero wala si maam Veronica.