Kabanata 05
PAGDATING NG TANGHALIAN AY kumain na ako dahil natapos na ako sa baba. Mina-mani kona lang ang paglilinis tutal araw araw naman ako naglilinis. Hindi katulad no'ng una ay hirap na hirap ako dahil todo linis ako sa malaking bahay na ito.
Pero ngayun mina-mani kona lang. Atsaka napansin ko ay hindi naman cheni-check lahat ng amo kung babae ang mga gawa ko. Dahil busy siya sa trabaho at wala na siyang time. Nililinis ko lang ng maigi 'yung malapit sa kanya at madali niyang hawakan. Pero 'yung mga hindi niya cheni-check ay hindi kona masyado nililinis.
Isang linggo na ako dito kaya miss na miss kona ang pamilya ko. Gusto kona sila makausap at marinig ang mga boses nila. Kaya lang wala akong phone. Kung sakali naman na merun akong phone ay hindi naman ako marunong mag-cellphone kairita.
Napansin ko 'din na palaging nag-aaway ang mag-asawa. Hindi ko alam kung bakit. Pero minsan naman ay sweet naman sila. Lalo na ang tiya ko, palaging sweet sa amo kung lalake.
Pero hinahayaan kona lang. Kapag nag-aaway sila ay umaalis ako dahil baka mapagalitan na naman ako ng tiya ko. Akala niya kasi ay nakikinig ako, which is totoo naman. Marites 'din ako minsan.
Kumain na ako.
Ang kinain ko 'yung almusal kanina dahil sayang naman. Minsan nga napapanisan kami ng mga pagkain dahil 'di naman nila kinakain tapos luto ng luto. Hindi ko naman kayang kainin lahat 'yun. Kahit bago sakin ang mga pagkain na kinakain ko. May hangganan 'din ang tiyan ko at minsan ay hindi na ako kumakain dahil sa pagod. Kaya ang ending, panis ang mga ulam.
Parang wala naman sa kanila 'yun. Dami kasi pera kaya dedma sila kapag may napapanis na pagkain. Kung nandito lang sana ang pamilya ko. Nako! Palagi ako mag-dadala sa kanila ng mga pagkain.
Mamaya sa taas naman ang lilinisan ako dahil tapos na ako sa baba. Gano'n na ang ginagawa ko dahil sa umaga ay ando'n pa ang mga amo ko kaya sa baba muna ako maglilinis.
Matapos kumain ay niligpit kona ang mga pinagkainan ko at tinakpan ang mga tira pang ulam. Pumunta ako sa refrigerator at sinilip kung anong pwede'ng inumin.
Libre naman ako sa mga pagkain at kahit ano ay pwede kung kainin kaya malaya akong mag-bukas ng refrigerator at cup board. Hindi nila ako pinagbabawalan at walang limit. Pero palagi kung i-check ang refrigerator kapag wala ng stock para makapag-grocery ako.
Kinuha ko ang fresh milk mula sa refrigerator saka kumuha ng baso at nag-salin. Kaagad ko iyon ininum matapos masalinan ang baso na babasagin.
Nang matapos ay nagpahinga lang ako ng kaunti saka muling naglinis sa taas. Inuna ko ulet ang master bedroom dahil nililinisan ko iyon ng mabuti at doon sila natutulog.
Todo linis ako mag-mula sa banyo at kwarto. Masyadong maarte at maselan ang amo kung babae kaya todo linis ako. Hindi katulad ni sir Isidro na never ko pang narinig na nag-reklamo siya sakin.
Basta u-utusan niya lang ako at pagkatapos ay ngingitian niya ako. Mukha naman siyang mabait at palaging may ngiti sa labi. Kaya lang nakakailang kapag tinititigan na niya ako. Para bang may pagnanasa at malagkit kung tumitig kaya hindi na ako tumitingin sa mga mata niya at umiiwas na ako ng tingin.
Pero sa totoo lang ang gwapo ng amo kung lalake. Kaya siguro gano'n ang tiya ko sa asawa niya. Kasi naman ang gwapo ng asawa niya kahit matanda na ito. Wala ako'ng gusto sa asawa ng tiya ko dahil matanda na ito. Humahanga lang dahil ang gwapo niya kahit matanda na. Hindi siya halata sa edad niya. Para lang siyang nasa 30+ na.
Tapos ang katawan parang bata lang. Malaki ang katawan ng amo kung lalake at subrang tangkad pa. Kaya tumitingala ako minsan sa kanya dahil ang tangkad niya subra.
Bumagay sa kanya ang malaki niyang katawan. Palagi kasi naggy-gym kaya malaki ang katawan ng amo ko. Kapag sinapak ako nito panigurado ay tulog ako. Baka nga ay hindi na ako magising dahil comatose na.
Nang matapos sa master bedroom ay sa iba namang mga kwarto ako naglinis. Mabilis ko lang sila nililinis dahil 'di naman iyon cheni-check ng amo kung babae kaya nakakapagpahinga pa ako kapag natapos ako sa mga kwarto.
Atsaka araw araw naman ako naglilinis kaya walang masyadong dumi sa mga kwarto. Bumaba na ako ng maka-paglinis.
Magpapahinga muna ako saglit matapos kung maglinis sa taas. Lumabas ako ng malaking bahay at nagtungo ako sa may gate saka lumabas. Nalinis kona kanina ang garden at nadiligan kona rin. Every-weekend ko nililinis ang pool dahil iyon na ang sinabi sakin ng tiya ko.
Napangiti ako ng may nakita akong tao sa labas. Mga katulong 'din kagaya ko at may mga dalang alaga na baby. Lumapit ako sa kanila at binati silang lahat.
" Hi."
Tila nagulat naman sila dahil busy sila sa kwentuhan nila.
" Hi,sino ka?" Tanong sakin ng isang babae na medyo patpatin.
" Ako nga pala si Mila. Bago lang ako'ng katulong diyan sa malaking bahay." Sagot ko kasabay ng pagturo sa bahay ng tiya kona may ngiti sa labi.
" Ahh.. bago ka lang. Ako nga pala si Lorna." Sabi ng patpatin na babae. Mukha naman mataray ang dalawang babae at nakatingin lang sakin kaya ngumiti lang ako. " Sila naman sina Ria at Jhen." Pakilala ni Lorna sa dalawa.
" Hi." Bati ko pero wala akong nakuhang sagot sa dalawa. May lumapit pang dalawang babae na may bantay naman na aso.
" Ako naman si Analyn."
" Ako si Lorie."
Pakilala ng dalawang babae at mukhang mababait sila. Hindi katulad ng dalawang babae kanina.
" Bago ka?" Si Lorie.
" Oo." Nakangiti ko naman sagot.
" Wala kang kausap no?" Si Analyn.
Umiling naman ako. " Wala eh. Ang boring sa loob ng bahay." Sagot ko.
" Ganyan 'din kami. Kaya nga lumalabas kami ng bahay at nakikipag-chikahan sa kanila." Wika ni Lorna na lumapit pa samin. Pero ang dalawa ay nanatili sa pwesto nila. Mukhang may ugali ang dalawang 'yun.
" Kung gusto mo sumama kana lang 'din samin para hindi ka ma-board." Si Analyn. " Kaya lang may time kapag nagkikita-kita kami. O kung gusto mo sumali kana lang sa GC namin para may ka chat ka."
" Gc?" Ulet ko sa kanya dahil 'di ko alam 'yun.
" Oo, GC. Hindi mo alam 'yun?" Si Lorie naman ang nagtanong.
" Hindi eh. Atsaka wala akong cellphone." Sabi ko sa kanila.
" Nge! Saan kabang lupalop galing?" Anang ni Analyn sakin na parang takang taka.
" Sa probinsya namin. Mahirap kasi ang buhay doon kaya hindi ako makabili ng cellphone." Sagot ko sa kanila at hindi ako nahihiya. Bahala na sila mang-husga sakin.
" Ganyan 'din naman kami no'ng una. Pero no'ng nagka-pera na ay saka kami bumili ng cellphone. Makakabili ka 'din niyan kapag sumahod kana." Saad ni Lorna.
" Wala akong sahod?" Kapagkuwan sabi ko sa kanila. Nagulat naman ang tatlo sa narinig. " Pag-aaralin naman nila ako kaya hindi nila ako sa sahuran."
" Grabe naman. Dapat may sahod parin." Si Lorie agad ang nag-react.
" Mahal daw magpa-aral ng college." Depensa ko sa amo ko.
" Kahit na girl. Dapat may sahod parin. Grabe naman 'yang amo mo. Yaman yaman tapos hindi ka bibigyan ng sahod." Naiiling na sabi ni Lorna.
Ngumiti lang ako sa kanila para mawala 'yung init ng ulo nila.
" Kung ako 'yan. Layasan ko 'yan." Sabi naman ni Analyn.
" Gusto ko kasi mag-aral." Wika ko sa kanila.
Hindi naman sila nagsalita. Makalipas ng ilang sandali ay nakipag-kwentuhan na ako sa kanila. Masaya silang kasama dahil mga kwela at puro kalokohan ang mga alam. Atsaka hindi nalalayo ang edad ko sa kanila pero ako ang pinaka-bata sa kanila.
Si Lorna at Analyn ay may anak na pero nasa probinsya. Si Lorie naman ay dalaga pa pero may boyfriend na afam. Kaya lang ang bastos ng bunganga. Parang kaibigan ko lang sa probinsya. Grabe walang preno-preno, dere-deretso ang bunganga niya.
Natutuwa naman ang dalawa. Samantalang ako ay parang nandidiri sa mga sinasabi niya dahil virgin pa ako at walang karanasan.
Kaya naman ay nagpaalam na ako dahil may gagawin pa ako sa bahay. Nakapagpahinga na naman ako ng isang oras kaya maglilinis na ako.
" Sige bukas ulet." Sabi ni Lorna sakin. Kaya tumango naman ako at tumakbo patungo sa bahay. Masaya ang feeling ko dahil may bago akong mga kaibigan at hindi na ako maboboring.
Kaya lang wala naman akong cellphone. Paano ko sila icha-chat?
Bahala na nga.
Pagpasok ng bahay ay pumunta agad ako sa laundry room para maglaba dahil iyon na lang ang gagawin ko. Kaya naman ay nagsimula na ako maglaba. Pwede naman iwan iyon habang naglalaba dahil automatic ang washing machine.
Kaya naman iniwan ko muna at pumunta sa kwarto para manuod ng TV. Hindi na ako matutulog at baka hindi ako magising mamaya.
Nanuod na lang ako ng kung ano ano sa TV para hindi antukin. Makalipas ng ilang minuto ay binalikan ko ang nilalabhan ko at agad na sinampay ng makita kung okey na. Mabuti na lang dalawa ang automatic na washing ng tiya ko kaya madali lang maglaba.
Nang matapos sa pagsampay ay bumalik ako sa kwarto ko para magpatay ng oras. Mamaya kasi ay uuwe na ang mga amo ko. Hindi ko alam kung anong lulutuin na ulam ngayun.
Kaya nanuod na lang ako ulet.
Makalipas ng ilang oras ay may narinig na akong busina ng sasakyan kaya dali dali akong lumabas ng kwarto ko at lumabas ng malaking bahay saka nagtungo sa gate. Kaagad kung binuksan ang malaking gate para makapasok ang kotse.
Kaagad naman pumasok ang kotse sa loob at sinara kona ang malaking gate saka tumakbo patungo sa bahay.
Nakita kung bumaba ang mag-asawa sa kotse at tinawag ako ni maam. Lumapit naman ako agad dito at baka magalit na naman.
" Ito ang lutuin mo ngayun. Bilisan mo at nagugutom na ako." Sabi nito sabay abot ng papel sakin bago sumunod sa asawa.
Sinilip ko ang papel at nakita kung paborito ni sir ang ulam kaya alam kona lutuin 'yun. Pumasok na rin ako sa loob ng bahay para makapagluto na ng pang hapunan.