KABANATA 07

1908 Words
Kabanata 07 MATAPOS KUNG MAGLINIS NG bahay ay kumain muna ako bago lumabas ng bahay. Magpapaturo kasi ako mag-cellphone sa mga bago kung kaibigan para matawagan kona ang pamilya ko sa probinsya. Hihingiin ko ang number ni tiya Violet kay tiya Veronica para matawagan ko. Sa ngayun ay magpapaturo muna ako, kung paano gumamit ng cellphone dahil 'di ako marunong ng touch screen. Pinuntahan ko sila sa park kung saan may playground at swimming pool. Sa subdivision na iyon ay may park at swimming pool na kahit sino pwede maligo. Walang bayad 'yun dahil sinadya itayo iyon para sa lahat ng nakatira doon. Doon madalas tumatambay ang mga katulong kapag gusto i-gala ang mga alaga nila. Huli ko lang nalaman na merun palang gano'n. Subrang saya do'n dahil maganda ang kapaligiran. " Hi." Bati ko sa mga bago kung kaibigan na sina Lorie, Lorna at Analyn. " Uy! akala ko hindi ka pupunta." Sabi ni Lorie sakin na may ngiti sa labi. Sila lang ang mga kaibigan ko dahil ayaw ata sakin nila Ria at Jhen. Hindi ko naman sila pinipilit dahil 'di ako gano'n na tao. Kapag ayaw sakin ay hindi kona pinipilit pa ang isang tao. " Sorry naglinis kasi ako ng bahay." Sabi ko sa kanila at naupo sa batong upuan. " Bakit kasi ikaw lang? Kaloka 'yang amo mo." Wika ni Lorna sakin. " Wala naman ako magagawa. Gusto ko kasing mag-aral kaya nagtitiis ako." Saad ko sa kanila. Naawa sila sakin dahil ako lang daw ang katulong sa bahay ng amo ko. Samantalang sa kanila ay ilan katulong daw sila at mabait ang mga amo nila kaya tumagal sila doon. " Bakit kasi mag-aaral kapa? Magtrabaho kana lang, gano'n 'din naman iyon." Wika ni Lorie sakin. Wala kasi pangarap sa buhay si Lorie at hindi rin siya tapos mag-aral. Ang gusto niya lang ay makahanap ng matandang mayaman at madaling mamatay. Para daw yumaman agad siya. Nakikipag-chat 'din siya sa mga kano dahil nga naghahanap siya ng magogoyo. " Huy! Wag mong demonyuhin si Mila. Mamaya hindi na siya mag-aral." Sabi naman ni Lorna. " Sus! aral aral pa." Paismid na sabi nito saka hinabol ang alaga niya'ng bata. " Wag mong pansinin 'yun. Walang dereksyon ang buhay no'n." Sabi sakin ni Analyn. Ngumiti lang ako sa kanila dahil alam ko naman iyon. Hindi naman ako denedemonyo ni Lorie. Gano'n lang talaga siya magsalita. At saka mabait si Lorie at kwela. Maya-maya'y nilabas ko ang cellphone sa bulsa ko at pinakita sa kanila ang cellphone na pinahiram sakin ni tiya Veronica. " Pwede ba ako mag-paturo mag-cellphone?" " Wow! ang taray naman nito. iPhone ang cellphone." Saad ni Analyn ng makita ang cellphone kung hawak. " iPhone ba 'to?" Tanong ko naman dahil wala akong alam na tatak ng cellphone. " Oo girl, iPhone 'yan." Si Lorna. " Kaya pala may apple sa likod ng phone." Sabi ko sa kanila. " Mahal 'yan." Ani Lorie ng makalapit samin. " Weh?" Sabi ko naman dahil wala akong alam kung magkano ang presyo ng mga cellphone. " Oo teh. Yang hawak mo nasa 30 thousand 'yan." Sabi ni Analyn. Nagulat naman ako sa sinabi niya. " Really?" Hindi ko napigilan sabi ko. " Oo." Sagot ni Analyn. " Mamaya kapag marunong kana search mo." Wika pa niya. " Okey." Ani ko saka tinuruan na nila ako gumamit ng cellphone. Medyo nahirapan ako dahil maarte daw ang cellphone na iPhone kaya nahihirapan ako. Pero nakuha ko rin agad ng makalipas ng ilang sandali. " Grabe, ang hirap pala niya." Komento ko. " Marunong kana?" Anang sakin ni Lorna. Ngumiti ako sa kanya. " Oo, salamat huh? pwede na pala ako sumali sa gc niyo?" " Oo naman. Akina." Kinuha ni ate Lorna ang cellphone ko at nagdutdut sa cellphone ko. " Kailan ka papasok sa school?" Anang sakin ni Lorie. " Hindi ko pa alam sa amo ko eh. Hindi ko pa alam kung saan school ako mag-aaral." Sabi ko sa kanila. " Hindi kaba niya tinanong kung saan mo gusto?" Si Analyn. " Tinanong pero hindi ko naman alam kung saan kasi wala akong alam." Wika ko. " Nako, kuripot 'yang amo mo. Baka sa public ka lang papasukin." Si Lorie habang nilalaro ang alaga niya. " Okey lang. Basta makapasok ako sa school." " Okey lang? Tapos walang sweldo? No way." Si Lorie. Tutol talaga ang babaeng 'to. " Wala naman akong magagawa eh. Importante sakin ay makapag-aral ako." Ani ko. " Nako! madali ka maloloko, girl." Ani Analyn sakin. Ngumiti lang ako sa kanila. Ganito naman sila eh. Pero hinahayaan kona lang kung ano ang gusto nilang sabihin. Hanggang sa nagpaalam na ako sa kanila dahil may gagawin pa ako sa bahay. Hindi pa ako tapos at magpapplantsa pa ako ngayun. Pagdating sa bahay ay ginawa kona ang mga gawain ko dahil mamaya ay tatawag ang amo ko at mag-uutos sakin kung ano ang lulutuin ko. Tapos na ako sa taas maglinis kaya nagplantsa na ako matapos kung masalang ang mga labahin ko sa washing machine. Kaunti lang naman ang pinaplantsa ko dahil araw araw ko iyon ginagawa para hindi ako matambakan. At habang nagpaplantsa ako ay nanuod ako ng Television. Hindi ko namalayan na natumba ang plantsa kaya nasunog ang kamay ng damit ni tiya Veronica. " Patay." Sambit ko habang sinisipat ko ang nasunog na damit ni tiya. Pambahay lang 'yun pero hindi ko alam kung magagalit sakin ang amo kung babae. Panigurado ay bubungangaan ako no'n. Ang sama pa naman ng ugali ng babaeng 'yun at kung ano anong lumalabas sa bibig niya. Makalipas ng ilang sandali ay tapos na ako magplantsa habang nilagay ko sa isang tabi ang nasunog na damit at ipapakita ko 'yun sa tiya ko. Sana lang talaga ay hindi ako pagalitan mamaya. Nakareceive ako ng text mula sa amo ko at pinagluluto na niya ako ng panghapunan. Senend na rin niya kung paano lulutuin ang pinapaluto niya. Mabuti na lang ay marunong na ako mag-cellphone kaya nababasa ko ang mga text niya. Sabi niya sakin ay pag-aralan ko daw pero hirap na hirap ako. Mabuti na lang ay may mga kaibigan na ako dito na handang tumulong. Kapagkuwan ay tumutunog ang cellphone ko at nakita ko ang pangalan ni tiya Veronica kaya sinagot ko ang tawag. " Hello po." " Hello, magluto kana dahil diyan kami kakain ng sir mo." Sabi ni tiya Veronica sa kabilang linya. Pati sa cellphone ay masungit parin ang tono nito. " Opo, maam." Aniya at biglang nawala sa kabilang linya. Napasimangot naman ako dahil sa kasungitan ng tiya niya. Lumabas na ako ng kwarto para mag-asikaso nasa kusina. Magluluto na ako at baka mag-wonder woman ang amo kung babae. Napaka-sungit ng babaeng 'yun, daig pang palaging may regla. Nagsimula na akong magluto matapos kung magsaing ng kanin sa rice cooker. Mabuti na lang ay marunong ako magluto kahit laking probinsya ako. Naturuan na kasi ako ng nanay ko magluto kapag tumatanggap siya ng lutuin sa mga gustong magpaluto sa kanya. Then babayaran siya pero sa maliit na halaga lang. Okey na kay nanay 'yun para may pagkain lang kami. At mabuti na lang ay alam kung lutuin ngayun ang pinapaluto ng amo ko. Beef steak. Pa-luto na ang niluluto kung beef steak ay nakarinig na ako ng busina ng sasakyan sa labas kaya pinahinaan ko ang apoy ng kalan para hindi masunog ang niluluto ko. Nasunog kona nga ang damit ng tiya ko tapos masusunog pa ang ulam. Patay na talaga ako nito pagnagkataon. Tumakbo ako patungo sa gate at binuksan ko iyon para makapasok ang kotse ng amo ko. Nang makapasok ay sinara kona at tumakbo pabalik sa bahay. " Nakapagluto kana?" Tanong agad ng tiya ko ng makababa ng kotse. " Opo." Mabilis kung sagot sa kanya. Hindi naman siya sumagot at tinalikuran lang ako saka pumasok sa loob ng bahay. Lumapit naman sakin si tiyo saka may inabot na platik. Hindi ko alam kung ano 'yon pero masasabi kung pagkain iyon. " Ilagay mo sa refrigerator at maghanda kana dahil kakain na ang tiya mo." Utos niya sakin kaya sumunod agad ako. Naiwan sa labas ang tiyo ko dahil 'di ko kaya ang mga titig niya sakin. Hindi ko alam kung bakit gano'n siya sakin. Pagpasok sa kusina ay nilagay ko agad sa refrigerator ang plastik saka naghanda nasa dinning area. Inayus kona ang hapagkainan para makakain na ang mga amo ko. Nang matapos ay bumalik ako sa kusina para magtimpla ng juice dahil iyon ang gusto ng amo kung lalake. Kailangan may juice sa hapagkainan kapag kakain sila. Naglagay 'din ako ng prutas dahil iyon naman ang gusto ng amo kung babae. Nang matapos ay pumasok naman ang mga amo ko saka naupo sa hapagkainan at kumain na. Samantalang ako ay nasa gilid lang habang naghihintay ng utos ng mga amo ko. " Mabuti naman at marunong ka ng gumamit ng cellphone, Mila." Kapagkuwan ay baling sakin ni tiya Veronica. " Opo. Nagpaturo po ako sa mga kaibigan ko." Nakangiti kung sabi sa kanya pero nagalit ang amo ko. " What? Nagpapasok ka ng tao dito?" " Hindi po." Mabilis ko naman sagot sa kanya at nakaramdam ng takot. " Sa labas po kami nagkikita." " So iniiwan mo ang bahay ng walang tao?" Galit parin niya'ng tanong sakin at tumayo pa siya mula sa kinauupuan kasabay ng pagtingin sakin. " Diyan lang po kami sa labas." Pagsisinungaling ko para hindi ako mapagalitan ng husto. " God!" Parang stress na sabi nito at inawat siya ng asawa niya. " Hayaan muna. Nalulungkot lang 'yung bata. Wala naman mawawala dito dahil secured ang subdivision na ito." Pagpapakalma ni tiyo sa asawa niya sabay lingon sakin at kinindatan ako. " Ayaw kona 'tong mauulet. Kapag nalaman ko pang iniiwan mo ang bahay ay pababalikin kita sa probinsya." Galit na sabi ni tiya sakin na tinignan ako ng masama kaya napayuko ako. " Nako!" Gigil parin niyang sambit. " Tama na nga 'yan. Palagi mong pinapagalitan ang bata eh. Mamaya umalis na 'yan at wala na tayong katulong." " Kaya ganyan ang ugali ng batang 'yan eh. Palagi mona lang pinagtatanggol." Galit na sabi ni tiya sa asawa niya. " Hindi naman sa pinagtatanggol ko. Kawawa naman 'yung bata." Katwiran ni tiyo hanggang sa sila na ang nag-away. Maya-maya'y inutusan ako ni tiya Veronica na kunin ko ang pinalantsa. Mas lalo akong kinabahan dahil nasunog ko ang damit niya at may sumpong pa naman siya ngayun. Kinakabahan ako habang kinukuha ko ang basket sa kwarto ko at dinala sa dinning area. Ayaw ko sanang sabihin ang nasunog niyang damit kahit maliit lang 'yun ay kailangan ko parin sabihin at baka mas lalo siyang magalit sakin. " What?" Sambit ni tiya Veronica kasabay ng pagdagundong ng boses nito sa dinning area dahilan para manginig na ako sa takot. At nagulat dahil pinalo niya sakin ang damit. Inawat naman siya agad ni tiyo Isidro dahil pinalo niya sakin ng ilang beses ang damit. " Alam mo bang kung magkano ito huh?" Galit na sigaw niya sakin habang nakayuko ako ng ulo. " Tama na, ano ba! Hindi naman niya sinasadya ng bata. Pwede ka naman bumili ng bago. " Galit na sabi ni tiyo Isidro sa asawa niya dahilan para tumigil na si tiya Veronica sa pagwawala sabay alis sa dinning area. Naramdaman ko naman na lumapit sakin si tiyo Isidro habang umiiyak ako at niyakap niya ako ng mahigpit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD