Kabanata 08 KUMAWALA NA AKO SA YAKAP NG Tiyo ko ng maramdaman kung hinahaplos niya ang likod ko. Para kasing may kakaibang haplos ang ginagawa niya sakin kaya lumayo ako sa kanya. " Salamat po." Sabi ko habang nakayuko ang ulo at hindi tumitingin dito. " Pagpasensyahan muna ang tiya mo at mainit lang ang ulo no'n. Medyo may problema lang sa opisina niya kaya gano'n siya." Sabi ni tiyo Isidro sakin. " Naiintindihan ko naman po 'yun. Kaya lang hindi ko naman po sinasadiyang sunugin ang damit niya." Sabi ko pa sa kanya habang naiiyak na naman. Parang gusto ko ng umuwe samin at kalimutan kona lang ang pangarap kung makapag-aral. Pero desidedo talaga ako makapag-aral dahil iyon na lang ang makaka-ahon samin sa hirap once na makapagtapos ako ng pag-aaral. Titiisin kona lang ang ugali ng tiy