KABANATA 06

1751 Words
Kabanata 06 MATAPOS KUNG MAGLUTO AY nag-handa na ako sa hapagkainan ng pagkain para makakain na ang mga amo ko. Hinanda kona lahat para hindi ako mapagalitan ng amo kung babae na subrang sungit. Mabuti na lang ay andiyan ang amo kung lalake at palagi akong pinagtatanggol sa tiya kung masungit na akala mo palaging may regla. Maya-maya'y dumating na ang amo kung babae at hindi niya kasama ang asawa niya. Mukhang may war sa pagitan nila ngayun. Napapansin ko palagi silang nag-aaway pero minsan naman ay sweet. Hay nako ang-gulo nila tsk. Naupo na siya sa hapagkainan saka kumain mag-isa habang nasa gilid lang ako. Makalipas ng ilang sandali ay pumasok naman ang amo kung lalake at naupo nasa hapagkainan. Hindi sila magkatabi at medyo siya sa tiya ko. Naguguluhan na talaga ako sa kanila dahil 'di ko alam ang nangyayare sa kanila. " Mila." Tawag sakin ng amo kung babae. " Po?" Sagot ko sabay lapit sakanya. " Pumunta ka mamaya sa kwarto ko at may ibibigay ako sayo." Saad nito sakin bago ulet kumain. " Okey po." Sagot ko sabay lingon sa amo kung lalake at nagulat dahil sakin nakatingin ang amo kung lalake. Kaagad akong umiwas ng tingin dahil iba na naman siya makatitig sakin. Bumalik ako sa dati kung pwesto at inantay ko silang matapos kumain para makapagligpit saka makakain na. Tahimik parin ang mag-asawa hanggang sa tumayo na ang tiya ko saka lumingon sakin bago umalis sa dinning area. Naiwan kami ng tiyo ko doon habang kumakain pa siya. Nagulat pa ako ng alukin niya akong kumain ngunit tumanggi ako at baka bumalik si tiya sa dinning. " Mamaya na po. After niyo po'ng kumain." Sagot ko sakanya. " Nah.. hindi na babalik ang tiya mo. Maupo kana dito at kumain kana." Alok pa niya sakin kaya hindi na ako nakatanggi at naupo na. Nagugutom na rin naman ako. Naupo ako malapit sa kanya at nagsimula ng kumain. Abala ako sa pagkain ng namalayan kung nasa hita kona ang kamay ni tiyo kaya nagulat ako at napalingon sa kanya. " Sorry. Hindi ko sinasadya." Sabi naman niya na may ngiti sa labi kaya pinalagpas kona iyon. Kumain na lang ulet ako para matapos na. Medyo naiilang na ako sa kanya dahil sa mga titig niya sakin. Nang matapos kumain ay tumayo agad ako sa kinauupuan ko dahil subrang naiilang na talaga ako sa kanya. Ibang klase kung makatitig sakin ang tiyo ko. Hindi ko alam kung bakit gano'n siya tumingin kaya medyo natatakot na ako sa kanya. Nakita kung tapos na rin kumain ang amo ko at tumayo na saka inutusan ako. " Dalhan mo ako ng kape sa taas, Mila." Nakangiti pa niyang utos sakin. " Sige po sir." Sagot ko sa kanya habang naiilang dito. " Oh sir na naman. Dalawa lang tayo dito ah." Sabi pa niya sabay lapit sakin. " Diba sabi ko sayo kapag tayo lang dalawa ay pangalan na lang? Wag na sir, okey?" Naiilang naman akong tumango sa kanya habang nakayuko. " Sige, pagtimpla mo ako ng kape." Sabi pa niya saka umalis na. Huminga naman ako ng malalim at ilan beses ko iyon ginawa dahil subra akong kinabahan ng lumapit siya sakin. Subrang bilis ng t***k ng aking puso. Hindi ko alam kung bakit. Siguro natatakot lang ako sa kanya? Nagligpit muna ako sa dinning area bago ako nagtimpla ng kape at umakyat sa taas. May ibibigay daw sakin ang amo kung babae at hindi ko alam kung ano iyon. Umakyat na ako sa taas at pumunta sa kwarto nila. Kumatok ako ng tatlong beses saka nag-antay na magbukas iyon. Nagulat pa ako dahil si tiyo ang nagbukas ng pintuan habang nakahubad. Hindi naman ako makatingin dahil wala siyang saplot na pang itaas. " Kape niyo po." Sabi ko sabay abot dito. Inabot naman niya at napapitlag pa ako ng hawakan niya ang kamay ko. May naramdaman ako na kung ano sa aking katawan kaya mabilis kung binawe ang kamay ko. Mabuti na lang ay hindi natapon ang kape. Ngumiti lang siya sakin saka pinapasok ako sa loob. Pumasok naman ako at nakita ko si tiya na nakahiga nasa kama. Bumangon siya mula doon at may kinuha sa gilid ng kwarto. At pagkatapos ay lumapit sakin saka inabot ang isang bag na itim. " Laptop 'yan at cellphone. Para magamit mo sa pag-aaral mo. Sa lunes na ang enrollment mo at sa samahan kita. Baka maligaw ka kapag ikaw lang mag-isa." Saad nito sakin. " Salamat po." Nakangiti kung sagot sa kanya dahil sa wakas may cellphone na ako. Makokontak kona rin sa wakas ang pamilya ko sa probinsya. May binigay na number sakin si tiya Violet bago umalis at tumawag lang daw ako sa number na 'yun kapag may time ako o may cellphone. " Hiram 'yan. Hindi bigay. Pinahiram kita ng cellphone para matawagan kita. Ang hirap ng walang contact mula sayo dahil wala kang phone. Pag-aralan muna lang kung paano gamitin 'yan. Sige na, labas na." Parang naiirita niyang taboy sakin. Lumabas naman ako agad sa kwarto habang may ngiti sa labi. Hindi kona pinansin ang magaspang na ugali ng tiya ko. Masaya na ako dahil matatawagan kona ang pamilya ko. Kaya lang hindi ako marunong. Siguro magpapaturo na lang ako sa mga bago kung friends. Bumaba na ako sa baba at pumunta muna sa kwarto ko para ilagay doon ang bag na may laptop saka cellphone. Nagligpit muna ako sa kusina para walang ipis dahil mayayare ako sa amo ko kapag may nakita siyang ipis. Kabilin bilinan pa naman niya na palagi ako maglinis ng kusina dahil ayaw niya na may ipis o daga sa bahay niya. Busy ako sa paghuhugas sa lababo ng may lumapit at bumulong sa tenga ko kaya nagulat ako dahilan para mabasag ang hawak kung baso. " Sir!" Gulat kung sambit sabay layo dito habang kumakabog ang dibdib ko sa kaba. " Sorry, ia-abot ko lang sana sayo 'to." Wika niya sakin saka pinakita ang tasa na ginamit niya para sa kape. " Pakilagay na lang po diyan." Sabi ko sa kanya na hindi parin umaalis sa pwesto ko. " Pasensya kana. Nagulat ba kita?" Tanong niya sakin at muli na naman lumapit sakin. Hindi ko naman napigilan lumayo sa kanya. Wala na akong pakialam kung mapansin niyang natatakot ako sa kanya. Natawa naman ito. " Natatakot kaba sakin?" " Sorry po." Iyon na lang nasabi ko sakanya. Bumuga naman ito ng hininga. " Okey. Sige maghugas kana." Sabi niya sa malamig na tono at umalis na. Napakagat naman ako sa ibabang labi at kasabay ng pagtulo ng luha ko sa mga mata dahil sa labis na takot. Parang natatakot na akong lumapit at mag-isa kapag kaming dalawa na lang. May kakaiba kasi sa kinikilos ng amo kung lalake. Bigla bigla na lang siyang lumalapit sakin at may pahawak hawak pa. Akala ko okey lang no'ng una. Pero napapansin ko ay napapadalas na ang paglapit niya sakin kapag wala ang tiya ko. Tapos ngayun ay nabasag pa ang isang baso ni maam. Patay ako nito panigurado dahil malalaman ni maam na kulang na ang baso niya. Binilisan kona ang kilos at tinapod kona ang ginagawa ko para makapasok na ako sa kwarto ko. Nang matapos ay pumunta na ako sa silid ko saka nilock ko ang lahat ng lock sa pintuan. Mas better na 'yun kesa magtiwala ako. Kaagad kung tinignan ang laptop at cellphone. Maganda pa at mukhang bago pa ang mga iyon. Mukhang bihira lang magamit ang mga iyon dahil wala manlang gasgas o sira manlang. Binuksan ko ang cellphone at sinipat sipat ko ang loob ng phone. Marami ng apps pero hindi ko alam kung paano gamitin. Wala kasi akong cellphone kaya tanga pa ako pagdating sa ganitong gamit. Binalik kona sa bag dahil 'di naman ako marunong gumamit saka nanuod na lang ng TV bago matulog. May inaabangan akong teleserye sa TV kaya alas diyes na ako natutulog sa gabi. Maganda kasi ang palabas kaya gustong gusto ko. Tapos tagalog pa kaya bet na bet ko. Nang matapos ang pinapanuod ko ay natulog na agad ako para maaga ako magising kinabukasan. Nahiga na ako ng maayus sa kama ko para makatulog na. Makalipas ng ilang sandali ay nakatulog na agad ako. At nagising ay saktong alas kwatro na. Naligo muna ako bago lumabas ng kwarto. Nagligpit 'din ako ng kama ko bago lumabas. Naglinis muna ako ng dapat linisan dahil gano'n naman ang ginagawa ko. Pagdating ng alas sais ng umaga ay nagluto naman ako ng agahan dahil may skedyul naman kung ano ang mga lulutuin ko sa umaga. Abala ako sa pagluluto ng dumating naman ang amo kung babae. Kumuha siya ng baso sa lagayan habang kinakabahan dahil bilang ng tiya ko ang mga baso. Ayaw niya kasing nakakabasag ako at babawasan daw sa allowance ko. Hindi pa nga ako napasok sa school babawasan agad. " Bakit kulang ng isang baso dito, Mila?" Narinig kung tanong ng amo ko sakin kaya nanginginig na ako sa takot habang nagluluto. Hindi agad ako nakasagot kasi hindi ko alam kung paano ko sa sabihin ang nangyare kagabi. " Mila! Ano ba, bingi kaba?" Galit na tanong sakin ng amo ko kaya napapitlag ako. " Kasi maam-" " Ako ang nakabasag. Wag si Mila ang sisisihin mo." Sabi ng amo kung lalake na kapapasok lang ng kusina at pumunta sa refrigerator. " Really?" Parang hindi naman naniniwala si tiya sa sinabi ng asawa niya. " Yeah. Dumulas kagabi sa kamay ko kaya nabasag. Magkano ba 'yan at babayaran ko." Sabi ni tiyo sa asawa niya. Tila naistress naman ang amo kung babae at lumabas ng kusina. Hindi naman umalis ang tiyo ko at nanatili sa kusina kaya hindi ako mapakali sa kinatatayuan ko. Ramdam ko ang mga titig niya sa aking katawan. " Pagpasensyahan muna ang tiya mo at mukhang magmemeno-pos na." Saad ni tiyo sakin. Hindi naman ako umimik at hinango kona ang sinangag saka sinalin sa malaking mangkok. " Ang swerte ng magiging husband mo. Marunong kana magluto." " Salamat po." Sabi ko sakanya habang nagsasalin parin at hindi tumitingin dito. " Pero wag ka muna mag-boyfriend at baka mabuntis ka ng maaga." Saad pa niya sakin habang nakatitig ang mga mata sakin. " Mag-aral ka muna ng mabuti habang nandito ka." " Opo." Muli kung sagot sa kanya saka dinala sa dinning area ang mga pagkain para makakain na siya. Mukhang bumalik sa taas ang amo kung babae dahil wala siya sa dinning area.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD